Noli Me Tangere Kabanata 13-15

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

NOLI ME TANGERE

KABANATA 13-15
KABANATA 13
MGA BANTA NG UNOS
UNOSAng unos ay ibig sabihin ay una.
Ginagamit ang salitang unos na babala ng malakas na
bagyo na parating sa atin.
Dumating si Ibarra sa libingan
at hinanap ang puntod ng ama
na si Don Rafael. Kasama niya
ang isang matandang utusan
niya. Sinabi ng matanda kay
Ibarra, na si Kapitan Tiyago
ang nagpagawa ng nitso ni
Don Rafael. Ito ay tinaniman
niya ng mga bulaklak ng
adelpa at sampaga at nilagay
sa krus.
Nakita nina Ibarra at matanda ang
sepulturero. Sinabi nila ang
palatandaan ng libingan ni Don
Rafael. Tumango ang tagapaglibing.
Pero, nagulat si Ibarra ng ipagtapat
ng sepulturero na kaniyang
sinunog ang krus at itinapon
naman ang bangkay sa lawa dahil
sa utos ni Padre Garrote. Higit
umanong mabuti na mapatapon
ang bangkay sa lawa kaysa
makasama pa ito sa libingan ng
mga intsik.
Parang pinagtakluban ng
langit at lupa (Nagulo ang
isip) si Ibarra.Nagulat siya ng
husto. Ang matanda naman ay
napaiyak sa kaniyang
narinig.Parang baliw na iniwan
ni Ibarra ang kausap hanggang
magkasalubong niya si Padre
Salvi na nakabaston na may
puluhang garing.
Kaagad na inatake ni Ibarra si
Padre Salvi. Bakas sa mukha ni
Ibarra ang nagalatang na poot at
galit sa dibdib.Naramdaman iyon
ni Padre Salvi. Tinanong ni Ibarra
si Padre Salvi kung bakit nagawa
nila ang malaking kalapastangan
sa kaniyang ama. Sumagot si
Padre Salvi na hindi siya ang may
kagagawan niyon kundi si Padre
Damaso na tinawag na Padre
Garotte.
PILOSOPONG
TASYO
Pilosopo – Matalinong tao. Nakatuon o natuto
sa pilosopiya, lalo na bilang isang
akademikong disiplina.
May isang lalaki na si Don Anastacio
o si Pilosopo Tasyo. Siya ay anak ng
mayaman ngunit siya ay tinatawag na
baliw. Siya ay nagaaral dati sa
magandang paaralan tawag na
Colegio of San Jose. Sa sobra niyang
talino ipinaalis siya ng kanyang
nanay sa paaralan kasi ang
paniniwala ng nanay ay kapag
sobrang talino ay nawawala sa
paniniwala sa Panginoon. Dumalaw
din siya sa libingan upang hanapin
ang puntod ng kaniyang asawa.
Gusto ng kaniyang ina na siya ay
maging pari ngunit di siya sumunod
at nagasawa na lamang siya.
Gayunman,pagkaraan ng isang taon,
namatay ang kaniyang asawa. Siya ay
nagbasa ng nagbasa ng aklat
hanggang sa napabayaan niya ang
kaniyang kayamanan. Nang hapong
iyon mayroong babala na darating
ang unos sapagkat matatalim na
kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim
na langit ngunit masaya parin ang
hitsura ni Pilosopo Tasyo.
Tinanong ng mga tao na bakit masaya
si Pilosopong Tasyo kahit may
sakunang paparating. Sagot niya "
Ang pagdating ng bagyo ang tangi
kong pag-asa sapagka't ito ang
magdadala ng mga lintik na siyang
papatay sa mga tao at susunog sa
mga kabahayan. Sana magkaroon din
ng delubyo (baha) sapagkat may
sampung taon na ngayon
isinuwestion ko sa bawat kapitan ang
pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o
pararayos ngunit ako'y pinagtawanan
lamang ng lahat.”
Ayon pa sa kaniya, hindi binili ng
mga kapitan ang kaniyang
pinagbibili at sa halip ay mga
paputok at kuwitis ang kanilang
binili at binayaran ang bawat tunog
ng kampana, gayong sa agham ay
mapanganib ang tugtog ng mga
batingaw kapag kumukulog.
Iniwanan ni Tasyo ang kausap at
nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan
niya ang dalawang bata sa
pagsasabing ipinaghanda sila ng
kanilang ina ng hapunang pangkura.
Ngunit Tumanggi ang mga bata.
Lumabas ng simbahan si Tasyo at
nagtuloy sa kabayanan. Nagtuloy siya
sa bahay ng mag-asawang Don FIlipo
at Aling Doray. Masayang sinalubong
ng mag-asawa at itinanong kung
nakita niya si Ibarra na nagtungo sa
libingan. Sumagot siya ng oo sa
pagsasabing nakita niya itong bumaba
sa karwahe. Naramdaman niya ang
naramdaman ni Ibarra nang hindi
makita ang libing ng ama. Ayon kay
Tasyo isa siya sa amin na kataong
nakipaglibing kay Don Rafael.
Nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa
purgatoryo (impyerno) sapagkat noon ay
undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya
naniniwala sa purgatoryo. Pero sinabi
niyang iyon ay mabuti,banal at maraming
kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang
mabuhay ng malinis at dalisay na
pamumuhay. Binigyang diin pa niya ang
purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng
namatay sa nabubuhay. Nagpaalam na siya.
Palakas ng palakas ang buhos ng ulan na
sinasalitan ng matatalin na kidlat at kulog.
Siyang-Siya si Pilosopo Tasyo sa gayong
pangyayari sapagkat nakataas pa ang
kaniyang dalawang kamay at nagsisigaw
habang naglalakad papalayo sa mag-asawa
KABANATA 15

MGA SAKRISTAN
Sakristan - tagapaglingkod sa
altar ng simbahan.
Mayroong magkapatid na sakristan na
ang pangalan ay Crispin at Basilio. Sila
ang naging kausap ni Pilosopo Tasyo at
sinabihan ng sila ay hinihintay ng
kanilang ina na si Sisa para sa kanilang
hapunan. Si Crispin ay napagbintangan
ng pari na nagnakaw ng dalawang
onsa sa kaniya. Sinabi ni Crispin kung
kasama nila ang kanilang Ina ay hindi
siya mapapagbintangan. At kapag
nalaman ng Ina niya, siya ay
pinapalo.Idinadalangin niya na sana
magkasakit ang lahat.Ang suweldo na
kinikita niya ay dalawang piso sa isang
buwan.
Minultahan pa siya ng tatlong beses.
Pero hindi pumayag si Basilio sapagkat
walang kakainin ang kanilang ina. Isa
pa ang katumbas ng dalawang onsa ay
dalawampu't dalawang piso. Nakiusap
si Crispin na bayaran na lamang ni
Basilio ang ngunit ito ay kulang.
Nasabi ni Crispin na mabuti pa ngang
magnanakaw na siya sapagkat
maililitaw niya ito. At kung papatayin
man siya sa palo ng kura at siya'y
mamamatay magkakaroon naman ng
damit si Sisa at ang kapatid na si
Basilio.
Nag-alala si Basilio na kapag nalaman ng
kanilang ina na napagbintangang
nagnanakaw si Crispin, tiyak na magagalit
ito. Pero sinabi ni Crispin na hindi
maniniwala ang kanilang ina sapagkat
ipapakita niya ang maramIng marka na likha
ng pagpalo ng kura at ang bulsa niyang
butas-butas na walang laman kundi isang
pera ng aginaldo pa niya noong paslo na
kinuha pa sa kaniya ng hidhid na kura. Gusto
niyang makauwi silang magkapatid upang
makakain ng masarap na hapunan.Magmula
ng siya ay napagbintangan hindi pa siya
pinapakain hanggat't hindi niya naisauli ang
dalawang onsa.
Maliwanag sa mga pahayag ni Crispin na
kaya siya napagbintangang magnanakaw
sapagkat ang kanilang ama ay
mabisyo,lasenggero at sabungero.
Habang naguusap ang magkapatid, ang
sakristan mayor ay walang kilatis na
nakapanhik sa palapag na
kinarooonan.Sumiklab ito sa galit. Sinabi
niya kay Basilio na ito ay kaniyang
minumultahan dahil sa hindi tamang
pagtugtog ng kampana. Si Crispin naman
ang hinarap at sinabing hindi ito
makakauwi hanggang hindi niya
inilalabas ang dalawang onsa na
binibintang sa kaniya.
Tinangkang mangatwiran si Basilio,
pero sinusumbatan siya ng sakristan
mayor sa pagsasabing kahit na siya
ay hindi makauwi hanggang hindi
sumasapit ang eksaktong ika-sampu
ng gabi. Nagulat si Basilio sapagkat
ika-siyam pa lamang ng gabi ay wala
ng puwedeng maglakad sa lansangan
kung gabi. Makikiusap pa sana si
Basilio pero biglang dinaklot ng
sakristan mayor si Crispin sa bisig at
kinaladkad na pababa sa hagdanan
hanggang sa sila ay lamunin ng
dilim.
Dinig ni Basilio ang pagsigaw ng kapatid.
Pero wala siyang magawa, naiwan siyang
tulala. Ang bawat pagsampal ng sakristan
kay Crispin ay sinusundan ng masakit na
pagdaing. Nanlaki ang mata at nakuyom ni
Basilio ang kaniyang palad sa sinapit ng
kapatid. Pumasok sa isip na kung kailan niya
maaring magararo sa bukid habang
naririnig niya ang paghingi ng saklolo ni
Crispin. Mabilis na siyang umakyat sa
ikalawang palapag ng kampanaryo. Mabilis
na tinanggal niya ang lubid na nakatali sa
kampana at tulo-tuloy na padausdos sa
bintana ng kampanaryo.Noon ang langit ay
unti-unti ng nagliliwanag sapagkat
humihinto na ang ulan.
PALARO:
3 PICS 1 WORD:
3 PICS 1 WORD:
3 PICS 1 WORD:
3 PICS 1 WORD:
3 PICS 1 WORD:
3 PICS 1 WORD:
3 PICS 1 WORD:
3 PICS 1 WORD:
3 PICS 1 WORD:
3 PICS 1 WORD:
3 PICS 1 WORD:
3 PICS 1 WORD:
3 PICS 1 WORD:
3 PICS 1 WORD:
3 PICS 1 WORD:
MARAMING
SALAMAT!

You might also like