Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Welcome to A.P Class!

Patakarang Pang-ekonomiya
(Pagbubuwis at Sistemang Bandala)

Mga Layunin:
1. Natatalakay ang pagbubuwis at sistemang bandala bilang
Patakarang Pang-ekonomiyang ipinatupad ng Espanya (Spain)
sa Pilipinas
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagbubuwis at
sistemang bandala sa kolonyang Espanyol
Pagganyak
 Upang higit mong maunawaan ang ating aralin, may mga
salitang kaugnay sa aralin na dapat mong tandaan ang
kahulugan.
1. quota – dami ng partikular na produkto na kailangang likumin
2. bandala – ang patakaran ng sapilitang pagbili ng
pamahalaang Espanyol ng ani ng mga magsasaka sa mababang
halaga
3. tributo – uri ng buwis noong panahon ng kolonyalismong
Espanyol na binayaran sa pamamagitan ng salapi o katumbas ng
halaga…
Pagganyak
…nito sa tabako, palay, bulak, tela, at manok
4. cedula personal – kapirasong papel na ibinibigay ng
pamahalaang Espanyol bilang katibayan ng pagbabayad ng
buwis
5. reales - yunit ng pananalapi na ginamit ng Spain mula sa ika-
14 na siglo hanggang sa mapalitan ito ng escudo (1864) at peseta
Pagtatalakay
 Dahil ang layunin di-umano ng Spain o Espanya sa
pagsakop sa Pilipinas ay upang ipalaganap ang Kristiyanismo
ngunit kinakailangan din nilang humanap ng paraan upang
matugunan
ang mga pangangailangan ng kolonya.

Pagbubuwis (Tributo)
 Bunga ito ng patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng
mga Espanyol na sa halip na developmental ay extractive.
Ibig sabihin, hindi nila tangkang paunlarin ang mga potensiyal
sa…
Pagtatalakay
…bansa upang magkaroon ng kita, sa halip ay kinuha lamang
kung ano ang maaaring pakinabangan gaya ng lakas-paggawa at
likas na yaman.
 Sinasabing hindi naman talaga ang Spain ang kumita mula sa
pananakop sa Pilipinas kundi ang mga Espanyol na ipinadala
rito. Sa katunayan, upang matugunan ang pangangailangan sa
kolonya ay kinakailangan pang umasa ang bansa sa real
situado (royal subsidy) o tulong na salapi mula msa Mexico
na noon ay kolonya rin ng Spain.
Pagtatalakay
 Samantala, iminungkahi naman ng mga prayle na
payagan silang magmay-ari ng mga lupain sa Pilipinas upang
hindi na sila umasa pa sa suportang pinansiyal mula sa Spain.
 Ang tributo ay isang uri ng buwis noong panahon ng
koloyalismong Espanyol na binabayaran sa pamamagitan ng
salapi o
katumbas ng halaga nito
sa tabako, palay, bulak,
tela, at manok.
Pagtatalakay
Ang Halaga ng Tributo
 Upang makalikom ng pondo mula sa kolonya at matustusan
ang pangangailangan nito, ang paniningil ng tributo o buwis
ay isa sa mga pangunahing patakarang ipinatupad ng mga
Espanyol. Ang pagbabayad ng buwis ay simbolo ng pagkilala
sa kapangyarihan ng hari ng Spain. Sinimulan ang pagkolekta
ng tributo noong 1571
na nagkakahalaga ng 8 reales, naging 10 reales nong 1589,
hanggang sa naging 12 reales nong 1851 at umabot pa sa 14 na
reales noong 1874.
Pagtatalakay
 Ang reales ay yunit ng pananalapi
na ginamit ng Spain mula sa ika-14
na siglo hanggang sa napalitan ito ng escudo (1864) at peseta.

Ang Cedula Personal


 Pagdating ng 1884, ipinatupad ng mga Espanyol ang cedula
personal. Ito ay kapirasong papel na ibinibigay ng pamahalaan
bilang katibayan ng pagbabayad ng buwis. Kung ang tributo
ay pahirap sa buhay ng mga katutubo, doble ang…
Pagtatalakay
…pahirap na dulot ng cedula
personal sapagkat kailangang
dala lagi ito ng katutubo saan
man siya magpunta.
 Nagpapatunay ito ng kaniyang
pagkakakilanlan at ng kaniyang lugar ng panirahan. Kung
wala siya nito, maaaari siyang pagbintangan bilang tulisan.
Sinumang mahuli na walang dalang cedula personal ay
pagmumul- tahin at kung walang pangmulta ay ikukulong.
Maraming katutubo ang ikinulong noong…
Pagtatalakay
…panahon ng kolonyalismong Espanyol dahil lamang sa
walang dalang cedula personal.

Sistemang Bandala
 Ang isa pang anyo ng buwis ay ang bandala, na nagsimula sa
panahon ni Gobernador-Heneral Sebastian Hurtado de
Corcuera noong ika-17 siglo.
 Ang bandala ay tumutukoy sa sapilitang
pagbili ng pamahalaan sa mga produkto
ng mga magsasaka. Ang ipinagbibili ng
bawat lalawigan sa pamahalaan ay may…
Pagtatalakay
…takdang dami at uri ng produkto. Sa sistemang bandala,
nagtatalaga ang pamahalaan ng taunang quota ng produkto sa
mga lalawigan na kailangan nilang ibenta sa pamahalaan.
Gayunpaman, hindi naman sila kadalasang nababayaran ng
pamahalaan kung kaya’t sa halip na bilhin ay tila kinukumpiska
lamang sa kanila ng pamahalaan
ang kanilang produkto. Kung minsan,
kailangan pang bumili ng mga mag-
sasaka sa ibang pook kung walang...
Pagtatalakay
…maibenta at di-umabot sa kota (quota).
 Ang patakarang ito ay nagdulot ng pahirap at pang-aapi sa
mga Pilipino at nagpayaman naman sa mga Espanyol kung
kaya’t noong 1782, inalis ang bandala sa Tondo, Bulacan,
Pampanga, Laguna, Tayabas (Quezon ngayon), at Cavite.
Pagtatalakay
Epekto ng Tributo at Sistemang Bandala
 Sa kabuuan, malaki ang naging papel ng tributo sa
pagpapatupad ng kolonyalismo. Ang pagbaba- yad ng tributo
ay pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Spain. Para sa mga
Espanyol, nagbigay- daan din ito upang mabawasan ang
mataas na pagtingin ng mga katutubo sa kanilang mga sarili
sapagkat ginagawa nila ang isang bagay na alam nilang hindi
naman nila kailangang gawin. Naging dahilan din ito upang
makapangamkam ng pera ang mga tiwaling Espanyol na…
Pagtatalakay
…walang hangad kundi ang magpayaman bago bumalik sa
Spain.
 Ang paraan ng pangongolekta ng tributo ay hindi naging
makatarungan para sa mga Pilipino. Naging daan ito ng
katiwalian sa pamahalaan. Maraming uri ng buwis ang siningil
sa mga tao. Mapang-api rin ang
paraan ng pangongolekta ng
mga kura paroko at pinunong
lokal.
Pagtatalakay
 Nang lumaon, napagtanto ng mga katutubo na sa halip na
mapakinabangan nila ang tributo para matugunan ang mga
pangunahing pangangai- langan at serbisyo na siyang
pangunahing dahilan sana ng
pagbubuwis, lalo pa itong nag-
sadlak sa kanila sa kahirapan at
nagpatindi sa pang-aalipin
ng mga dayuhang mananakop
sa mga ito.
Pagtatalakay
 Ang pagmamalabis ng mga Espanyol sa pagpapatupad ng mga
patakarang pangekonomiyang ito ang isa sa mga dahilan ng
pag-aalsa o rebolusyon ng mga Pilipino laban sa pamahalaang
kolonyal ng Spain.
Pagtatalakay
…mga katutubo sa mga bagay sa kalikasan gaya ng bato, puno,
araw, at iba pa na siyang pinaniniwalaang tahanan ng mga
espiritu) at hindi pa diumano makikilala ang “tunay” na diyos.
Kung gayon, ipinalalabas ng mga Espanyol na dapat tanggapin
ang kolonyalismo dahil kaakibat nito ang kaligtasan ng kaluluwa.
Paglalapat
Basahin at sagutin.
1. Bakit mahalaga ang mga patakaran
sa pagbubuwis ng pamahalaan?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_________________________________________________
Paglalahat
 Ang pagbubuwis ay bahagi ng patakarang pang- ekonomiya
na ipinapatupad ng pamahalaan upang matustusan ang gastusin
ng pamahalaan at matugunan ang pangunahing pangangaila-
ngan ng mga mamamayan. Halimbawa nito ay ang tributo at
bandala na ipinatupad noong panahon ng Kolonyalismong
Espanyol sa bansa.
 Bilang isang mamamayan, kailangan nating sumunod sa mga
patakarang pang-ekonomiyang ipinapatupad ng pamahalaan
dahil tayo ay mamamayan ng bansa.
Pagtataya
Buuin ang mga sumusunod na pangungusap. Pumili ng tamang
salita sa loob ng kahon. Isulat ang titik lamang.
a. kolonyalismo b. 1884 c. kristiyanisasyon
d. ikukulong e. reales f. katolisismo
g. 1571 h. pagpapayaman i. peso
j. buwis k. cedula personal
l. polo y serviciosm. tributo n. bandala
o. pinapatay
Pagtataya
____ 1. Ang isa pang anyo ng buwis ay ang __________
nagsimula sa panahon ni Gobernador-Heneral Sebastian Hurtado
de Corcuera noong ika-17 siglo.
____ 2. Noong ___________ ay ipinatupad ng mga Espanyol
ang cedula personal sa Pilipinas.
____ 3. Ang pagbabayad ng tributo o ____________ ay simbolo
ng pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Spain.
____ 4. Ang sinumang nahuli na walang dalang cedula personal
ay pagmumultahin at kung wang pagmulta ay
______________________.
Pagtataya
____ 5. Ang pagpapatupad ng mga patakarang pang-ekonomiya
tulad ng tributo at bandala ay nagresulta sa
_______________________ ng mga Espanyol bago bumalik sa
Spain.
____ 6. Malaki ang naging papel ng tributo sa pagpapatupad ng
______________ sa Pilipinas.
____ 7. Ang _____________________ ay uri ng buwis noong
panahon ng kolonyalismong Espanyol na binabayaran sa
pamamagitan ng salapi o
katumbas ng halaga nito sa tabako, palay, bulak, tela, at
manok.
Pagtataya
____ 8. Sinimulan ang pagkolekta ng tributo sa bansa noong
________________.
____ 9. Ang _________________ ay yunit ng pananalapi na
ginamit ng Spain mula sa ika-14 na siglo hanggang sa napalitan
ito ng escudo (1864) at peseta.
____ 10. Ang ____________________ ay kapirasong papel na
ibinibigay ng pamahalaan bilang katibayan ng pagbabayad ng
buwis.
Takdang-Aralin
Bilugan ang angkop na salita sa loob ng panaklong upang mabuo
nang wasto ang diwa ng bawat pangungusap.
1. Ang pagbabayad ng tributo o (buwis, utang) ay simbolo ng
pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Spain.
2. Ang cedula personal ay kapirasong (lupa, papel) na ibinibigay
ng pamahalaang kolonyal bilang katibayan ng pagbabayad ng
buwis.
3. Ang isa pang anyo ng buwis ay ang (bandila, bandala) na
nagsimula sa panahon ni...
Takdang-Aralin
... Gobernador-Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera noong
ika17 siglo.
4. Sinimulan ang pagkolekta ng tributo sa Pilipinas noong (1751,
1571).
5. Ang sinumang nahuli na walang dalang cedula personal ay
pagmumultahin at kung walang pangmulta ay (ikukulong,
pinapatay).
6. Ang pagpapatupad ng mga patakarang pang- ekonomiya tulad
ng tributo at bandala ay nagresulta sa (pagpapayaman,
pamamalakad) ng mga Espanyol bago bumalik sa Spain.

You might also like