Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

NA BABASAHIN SA

BAITANG 9 NG
CALINGCAGUING
NATIONAL HIGH
SCHOOL BARUGO,
LEYTE NILDA RINA B.
FABI
Abstrak
Ang Aksyong Pananaliksik na ito ay nakatuon sa
pagtukoy sa proficiency at performance level sa
pagbasa nang may pag-unawa ng mga mag-aaral sa
baitang 9 ng Calingcaguing National High School.
Pinagtuunan-pansin din sa pag-aaral na ito ang pagbuo
ng isang modyul na kinapalolooban ng mga
debelopmental na babasahin na makakatulong sa
paglinang at pagpayabong sa kahusayan sa pagbasang
may pag-unawa ng mga mag-aaral.
Layunin ng pag-aaral na ito na mabigyan kasagutan ang
mga sumusunod na katanungan:
1.Ano ang proficiency level sa pagbasa ng mga mag-
aaral sa baitang 9 ng Calingcaguing National High
School?
2. Anong mga debelopmental na babasahin sa pagbasa
nang may pag-unawa ang maaring mabuo batay sa
isinagawang pag-aaral?
3. Ano ang performance level sa pagbasa ng mga mag-
aaral sa baitang 9 bago at pagkatapos gamitin ang
debelopmental na babasahin bilang nabuong kagamitang
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng
deskriptibong desinyo upang mailahad at
mailarawan ang nakalap na mga datos.
Ang mga kalahok sa pag-aaral ay binubuo
ng 35 na mga mag-aaral, dalawampu’t tatlong
lalaki (23 ) at labing dalawang babae (12).
Ang instrumentong ginamit sa pagkuha ng
mga datos ukol sa antas sa pagbasa nang may
pag-unawa ng mga-aaral ay ang talatanungan
na kinapalolooban ng maikling babasahin na
may kalakip na mga katanungan na sumukat
sa kanilang komprehensyon.
Ang mean iskor ng mga mag-aaral na lalaki ay 67.88
na nasa lebel na did not meet expectation at ang mga
mag-aaral naman na babae ay nakakuha ng 78.12 na nasa
fairly satisfactory level.Sa kabuuan, ang mag-aaral sa
baitang 9 ay nakakuha ng mean iskor na 73.00 na
nakapaloob sa kategoryang did not meet expectation. Ito
ay nagpapahiwatig lamang na hindi pa gaanong nalilinang
ang kanilang kahusayan sa kasanayan sa pagbasang may
pag-unawa.
Batay sa resulta bago ipamigay ang modyul , walang
mga mag-aaral ang napabilang sa pinakamataas na antas
sa pagbasa (excellent level). Samantalang may
pinakamalaking bilang ng mga mag-aaral ang nasa
satisfactory level ( 17) at 12 naman na mga mag-aaral
ang nasa very satisfactory level. Samantalang 6 na mga
mag-aaral naman ang nasa poor level. Samakatuwid,
pinatunayan ng datos na ito na may malaking suliranin
sa usaping pagbasa nang may pag-unawa ang mga mag-
aaral sa baitang 9 na dapat maagapan at matugunan
agad ng solusyon.
Batay naman sa resulta pagkatapos ipagamit ang
modyul, wala nang mga mag-aaral ang napabilang sa
mababang antas sa pagbasa (poor level). Bagkus, 13 na
mga mag-aaral ay napunta sa pinakamataas na antas sa
pagbasa (excellent) at 15 naman ang bilang ng mga mag-
aaral na napabilang sa very satisfactory at 7 naman na
mga mag-aaral ang nasa satisfactory level.
Masasabing ang pagbasa ay isang kasanayan na
mahirap linangin sa mga mag-aaral sa kadahilanang
hindi lahat ng mga mag-aaral sa baitang 9 ay handa na sa
kasanayang pampagkatuto sa pagbasa.
Kaya inirerekomenda sa pag-aaral na ito ang
paggamit ng nabuong modyul sa pagtuturo ng
Filipino sa Baitang 9 tungo sa pagkalinang ng
kanilang kasanayan sa pagbasang may pag-unawa.
Iminungkahi rin sa mga guro na gamitin ang
modyul na nagtataglay ng mga debelopmental na
babasahin sa araw-araw na pagtuturo at bigyan ng
pokus at atensyon ang mga mag-aaral na mababa
ang performance level pagdating sa pagbasang may
pag-unawa.
MARAMING
SALAMAT
PO!!!

You might also like