Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

kasaysayan ng

Retorika sa
Daigdig at
Pilipinas
Unang Pangkat
Kasaysayan ng Retorika sa
Daigdig
Ang Retorika ng Klasikal na Panahon
• Sa panahon ni Aristotle, sapagkat ang mga mamamayan ay karaniwang bahagi ng political na
usapin ng bayan, deliberatibo o intensyonal ang paggamit ng retorika. Pasalita ang retorika ng
sinaunang panahon. Nagiging kasangkapan sa paggawa ng mga polisiya at sa pagtalakay ang mga
isyung pampolitika ang retorika.

• Dahil ang uri ng pamahalaan nang panahon ni Aristotle ay demokrasya, napakahalaga ng mga
tagapakinig sa mga usapin. Ibinabatay sa consensus ng mga tagapakinig ang anumang magiging
pagpapasya ng pamahalaan. Ang ganitong sitwasyon ay nag-iiwan ng bigat ng tungkulin sa mga
retor. Nakasalalay sa isang retor ang tagumpay ng pagtanggap, pag-aapruba at pagpapatibay sa batas
at magiging desisyon ng pamahalaan. Sa layunin ng retorn a maimpluwensiyahan ang isipan ng mga
tagapakinig, bahagi ng pagiging retor ang maging malikhain sa pagbuo ng kanyang pahayag,
magtaglay ng estilo at maging mapanghimok. Ang mga retor ang pinakamahusay, pinakamatalino at
tunay na tinitingala ng bayan.
Ang Retorika ng Klasikal na Panahon

Sa aklat na Rhetoric ni Aristotle, inilahad niya ang


pangangailangan sa pagpili ng artistikong
estratehiya sa paggawa ng talumpati na angkop sa
pagkatao o palagiang nararamdaman ng mga
tagapakinig. Ang pagsasaalang-alang sa pagkatao
at mga emosyon ng mga tagapakinig ay
mahalagang hakbang sa paggawa ng isang
talumpati upang maimpluwensiyahan ng mga
retor ang isipan ng kanyang mga tagapakinig. Sa
katunayan, binigyang-diin niya ang mga talumpati
ay dapat na nagsasalang-alang sa logos, pathos, at
ethos.
Ang Retorika ng mga Romano
• Para sa mga Romano, ang emosyon at awdyens o tagapakinig ay may malabong gampanin sa
reotika. Pinalawig nila ang ilang bahagi ng retorika ni Aristotle tulad ng estilo. Isa sa nagging tatak
ng mga estilong Romano ay ang pagbibigay-diin sa panimula ng talumpati

• Ayon sa De Inventiore at Rhetorica ad Herennium, sa panahon ng medieval rhetoric, ang


tagapakinig ay binubuo ng publiko at ng mga tagahatol.

• Kung kay Aristotle ay ipinalalagay niya na ang publiko ang boboto o pipili ng magiging desisyon,
ipinakita naman ng mga Romano na tanging ang hurado o lider lamang ang maaaring
makapagpasya.

• Binigyang-pagpapakahulugan ng mga Romano ang kaibahan ng intelligent peer audience at general


audience. Kay Cicero, tinawag itong ad populum o ang publiko ay itinuturing na walang muwang
at babatay lamang sa magiging pasya ng mga lider ng bayan; ang mga hurado at mga lider lamang
ang siyang may kakayahang magpasya.
Ang Retorika ng mga Romano
• Ang pagkakaiba ng estadong panlipunan ay nagbunga ng sigalot dahil sa pagpapasya ng mga lider
na pawing nagkaroon ng personal na interes at nahirati sa kapangyarihan. Ang gampaning
panlipunan na ginagamitan ng retorika ay unti-unting naputol maging ang relasyon ng retor sa
pampublikong awdyens. Ang mga political na usapin ay inihaharap na lamang sa kongreso at
senado dahil dito ay napahalagahan ang pagkakaroon ng abogado na higit ang kaalaman ukol sa
usaping legal at political. Hindi naman naisasantabi ang retorika, sa halip ay palagian itong kaakibat
sa pagtatanggol.
Ang mga Pangunahing
Retor / Retorisyan
Napakahalaga ng naging gampanin ng mga retor at retoriysan sa
kasaysayan ng mundo. Sa pamamagitan ng kanilang mga konsepto ay
patuloy na napauunlad ng mga tao kung paanong ang usaping political,
sibil at criminal ay mabibigyang-hustisya. Dahil dito, marapat lamang na
kilalanin ang mga taong ito. Matutunghayan ang mga sinaunang teorista
ng retorika.
Ang mga Sophist
Plato
Isa si Plato sa pinakaimpluwensiyal na sinaunang teorista na maaaring sumasalungat
sa pagtuturo at pananaw ng mga sophist. Hanggang sa ngayon, mataas pa rin ang
pagkilala sa kaniyang mga isinulat ukol sa Pilosopiya, Politikal at Retorika, at
madalas din siyang nababangit sa ilan pang disiplina. Siya ay sinaunang mag-aaral ni
Socrates. Ang kamatayan ng kanyang gurong si Socrates ang dahilan upang bumaba
ang pagtingin ni Plato sa oratoryo. Itinayo ni Plato ang isang paaralan na kilala bilang
“Akademya” na kung saan ang isa sa mga sikat niyang mag-aaral ay si Aristotle.
Estilo ng mga panulat ni Plato ay ang paggamit ng diyalogo sa pagitan ng mga tauhan.
Ang mga Sophist

ARISTOTLE
Maagang naulila si Aristotle kaya ang kanyang tiyuhin ang nagpalaki sa kanya. Tinuruan
siya nito ng retorikam wikang griyego at tula. Noong siya’y labimpitong taong gulang,
nagtungo soya sa Athens upang mag-aral sa “Akademya” ni Plato. Dahil sa pagiging
magaling niyang estudyante, naging guro rin siya rito nang humigit-kumulang
dalawampung taon. Ipinakikita ang hindi matatawarang galing ni Aristotle sa
pamamagitan ng kanyang mga kontribusyon sa larangan ng lohika, retorika, pilosopiya
at biyolohiya. Noong 335 BCE, nagsimula siyang gumawa ng sarili niyang paaralan sa
Athens at tinawang itong “Lyceum”.
Ang mga Sophist

ISOCRATES
Siya ay isa sa pinakatanyag at pinakamahusay na guro noong panahon ng mga
Griyego. Siansabing si Isocrates ay hingi kagalingan sa pagsasalita na batid ng
nakararami dahil sa minsanang pagharap at pagsasalita sa madla. Sa obserbasyon
ng marami, ang mga sulating likha ni Isocrates ay mas makabubuti raw na ilimbag
at ipabasa kaysa bigkasin at marinig mismo kay Isocrates. Siya ay kinilala bilang
manunulat ng talumpati ng mga orador.
Ang mga Sophist

CICERO
.Si Marcus Tullius Cicero ay isang Romanong orador sa panahon ng Republika. Siya
ang nagdala at nagpakilala ng Griyegong pilosopiya at retorika sa Roma. Siya rin ang
nagpakilala at nagpaliwanag ng mga natatanging gawa ng mga Griyego tulad ng kay
Aristotle, Plato at Isocrates. Sa kanyang pagiging abogado, nagamit niya ang kanyang
pagiging magaling na orador na naging dahilan upang siya ay magkaroon ng
maraming tagasuporta. Kaya naman nang siya ay lumahok sa politika, nahalal siya sa
maraming matataas na posisyon kabilang ang tungkulin niya sa Senado ng Roma.
Siya rin ay nakilala sa paglalantad ng korapsyon at katiwalian.
.
Nang-iwan siya ng marka sa kanyang mga kontrobersyal na pananalumpati sa Senado na nagbigay
daan upang magkaroon siya ng mga kaaway at kritiko.

Dahil dito, pinatawan siya ng parusang kamatayan. Narito ang ilan sa mga konsiderasyong dapa
tisaalang-alag ng isang retor ayon kay Cicero:
Ang mga Sophist

QUINTILLIAN
Siya at isang matagumpay na orador ng Espanya at Roma. Tanyag ang kanyang pangalan
pagdating sa kanyang mga ideya tungkol sa pagsasanay sa mga retor. Kilala ring orador ang
ama ni Quintilian na nagpadala sa kanyang anak sa Roma upang mag-aral ng retorika. Nang
siya ay naging isang mahusay na retor, bumalik siya sa Espanya kung saan nagpatayo siya ng
pampublikong paaralan. Sumulat siya ng ilang aklat tulad ng Institutio Oritoria na
tumatalakay sa pag-aaral ng isang retor. Ang aklat ay nagsasaad ng mga impormasyong
katulad ng mga teoretikal na akda nina Aristote at Cicero ukol sa pagkakaayos, estilo at
imbensyon sa retorika. Siya na marahil ang pinakatanyag pagdating sa pagtuturo ng kaisipan
na “a true rhetorician is a good man skilled at speaking”
Ang Retorika sa Panahon ng Medieval
Hanggang sa Muling Pagbangon

• Matapos ang pagbagsak ng Imperyo ng Kanlurang Romano, ang pag-aaral ng


retorika ay nagpatuloy bilang sentro ng pag-aaral ng sining na pasalita (verbal
arts).

• Sina St. Thomas Aquinas, Matthew of Vendome, at Geoffrey ng Vinsauf ang


mga naging kilalang manunulat sa larangan ng pasulat na retorika sa hiling
bahagi ng Medieval Period.
Ang Retorika sa Panahon ng Medieval
Hanggang sa Muling Pagbangon
Ang Retorika sa ika-16 na Siglo
• Ang kalagitnaan gn 16th Centyry ay kinakikitaan ang pag-angat ng bernakular
na retorika, yaong mga nasusulat sa ingles kaysa sa kalsikong mga wika
(Griyego at Romano).

Ang Retorika sa ika-17 na Siglo


• Ang pinakamahalagang pangyayari sa dantaong ito ay makikita sa pag-unlad
ng modernong estilo ng bernakular na makikita sa Ingles kaysa sa Griyego,
Latin o modelong Pranses. Isa sa kinilalang retorisyan nang panahong ito ay si
Francis Bacon.
Ang Retorika sa Panahon ng Medieval
Hanggang sa Muling Pagbangon

Ang Retorika sa ika-18 na Siglo


• Ang pinakamaimpluwensiyang paaralan ng retorika sa panahong ito ay ang
University of Edinburgh na ang puno ng Departamento ng Retorika ay si Hugh
Blair, isang paring presbiteryo. Ang kanya gawa ay naging gabay ng mga
kabataan sa praktikal na pagsulat ng komposisyon. Ang gabay na ito ang
naging daan upang taeagin si Blair na “the first great theorist of written
discourse”.
Kasaysayan ng Retorika sa
Pilipinas
Panahon Bago Dumating ang Kastila
Bagaman hindi maituturing na may pag-aaral na sa retorika ang mga Pilipino bago dumating
ang mga Kastila, masasabing ang kasanayan sa pagtataglay ng retorika ay taglay ng mga
Pilipino. Sa pagpili ng mga salita, naihayag ng mga nagsasalita ang pagiging maingat at
tumpak ayon sa pangangailangan. Makikita ito sa mga kasabihan, tanada, diona, at tdalit.
Panahon ng Kastila
Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas nangibabaw ang mga wikang katutubo. Hindi itinuro sa
mga Pilipino ang wikang Espanyol ng mga Kastila. Dahil dito, maraming wika ang nagkaroon ng
mga diksyunaryo at gramatika na Malaki ang naitulong upang umunlad ang mga ito.

mga Akdang-Pangwika noong Panahon ng Kastila :


1. ARTE Y REGLAS DE LA LENGUA TAGALA (1610)
• Isinulat ni Fr. Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin.
• Unang nalathalang pag-aaral sa katangian at gramatika ng isang wikang katutubo.

2. VOCABULARIO DE LA LENGUA TAGALA (1613)


• Isinulat nina Juan de Nocedas & Pedro de San Lucas.
• Unang diksyunaryong Tagalog sa Pilipinas.
Panahon ng Kastila
mga Akdang-Pangwika noong Panahon ng Kastila :
3. VOCABULARIO DE LA LENGUA BISAYA (1711)
• Isinulat ni Fr. Matheo Sanchez.
• Ang unang pagtatangka na tipunin ang corpus ng wikang sinasalita sa Samar-Leyte.

4. VOCABULARIO DE LA LENGUA PAMPANGA (1732)


• Isinulat ni Fr. Diego Bergaño.
• Isa itong diksyunaryong Kapampangan.

5. VOCABULARIO DE LA LENGUA BICOLANA (1754)


• Talasalitaan ng mga Bikolano.
• Tinipon ang mga ito ni Marcos de Lisboa nang siya ay nakatalaga sa Bikol
Panahon ng Kastila
mga Akdang-Pangwika noong Panahon ng Kastila :
6. ARTE DE LA LENGUA ILOCANA (1849)
• Isinulat ni Fr. Francisco Lopez.
• Ito ang pag-aaral sa katangian at gramatika ng isang wikang Iloko.

Ang mga pangyayaring ito ang nagbunsod para pag-aralan ang mga wika sa Pilipinas ng mga Kastila na
magiging tulay upang madaling maipalaganap ang Katolisismo. Lumabas din sa panahong ito ang pag-aaral sa
wika.

Halimbawa:
Panahon ng Kastila
COMPENDIO DEL ARTE DE LA LENGUA TAGALA
(1650)
Isinulat ni Fr. Gaspar de San Agustin.
Ito ay tumatalakay sa sining ng wikang Tagalog. Pinag-aralan dito ni Padre Gaspar de
San Agustin ang paggamit ng mga salita sa pagtula ng mga Pilipino, kung paano pinipili
ng mga Pilipino ang mga salita upang maging kaaya-aya ang tunog sa tuwing
pakikinggan. Ang halimbawa ng kanyang natuklasan, kapag ang huling pantig ng huling
salita sa bawat taludtod ay in o an, ito ay may mahinang dating dahil nagtatapos sa
katinig.
Halimbaw
Galing nang may sinucuan
a: Nang may kabilabihan
Cun maghabi nang birang,
Tambing marorolan
Panahon ng Kastila
florante at laura
Isinulat ni: Francisco Balagtas
Isa sa mga anging tanyag sa panahong ito ay si Francisco
Balagtas. Ang paggamit niya ng salita sa tula ay matatas at
kapuna-puna ang mga rhetorical devices na kanyang ginagamit.
Ito ay mapapansin sa kanyang Florante at Laura na nasa anyong
awit. Dito gumagamit siya ng metapora, pagtutulad at iba pang mga
tayutay. Gayundin ang tamang paggamt ng mga salita na nagpatingkad
sa kanyang obra na naging daan upang ito’y kilalanin bilang isa sa
ipinagmamalaking Obra sa Pilipinas
Halimbaw
O pagsintang labis na kapangyarihan,
a: Sampung mag-aama’y iyong
nasasaklaw;
Pag ikaw ay nasok sa puso ninuman,
Hahamaking lahat masunod ka lamang
Panahon ng Kastila
Arte Metrica del Tagalog (1887)
Isinulat ni: Jose Rizal
Si Jose Rizal ay gumawa rin ng pagsusuri sa pagtula ng mga Pilipino.
Pinamagatan niya itong Arte Metrica del Tagalog na binasa niya sa
Sociedad Etnografica sa Berlin noong 1887. Sa kanyang pag-aaral, sinabi
niya na gaya sa ibang mga wika, ang Tagalog ay gumagamit sa tula ng
sukat at tugma. Sinabi pa niya na ang huling pantig ay may tuldik o
tuldikan ay karaniwang hindi nakasisira sa tula. Gaya ng mapapansin sa
halimbawa:
Halimbaw
a: Pag-ibig anaki’y aking nakilala
Di dapat palakhin ang bata sa
saya
Panahon ng Amerikano
Sa panahong ito, nagkaroon ng paglilinaw sa retorika.
Nang gawin ni Lope K. Santos ang gramatika ng
Tagalog, maraming mga likhang salita ang kanyang
inilahok. Subalit hindi lahat ng mga salitang inilahok
niya ay tinanggap ng bayan dahil alam ng mga gagamit
na hindi angkop ang mga salitang ito aa pagpapahayag
ng kanilang mensage. Tulad ng salumpuwit (para sa
upuan), salipawpaw (sa eroplano), at iba pa.

Sa panahong ito naging popular sa mga tao ang


Balagtasan bilang pag-alaala kay Francisco Balagtas.
Dito, kailangang matalas ang isip ng mambabalagtas
upang makatugon agad sa inihayag na katuwiran ng
kapwa mambabalagtas. Dito ppinipili ng mambabalagtas
ang mga salitang kanyang gagamitin upang siya ang
paboran ng mga tagapakinig. Isa sa mga naging dakilang
mambabalagtas ay si Jose Corazon de Jesus.
Panahon ng Hapon
Sa panahong ito naging popular sa mga tao ang Balagtasan bilang pag-alaala kay Francisco Balagtas. Dito,
kailangang matalas ang isip ng mambabalagtas upang makatugon agad sa inihayag na katuwiran ng kapwa
mambabalagtas. Dito ppinipili ng mambabalagtas ang mga salitang kanyang gagamitin upang siya ang paboran
ng mga tagapakinig. Isa sa mga naging dakilang mambabalagtas ay si Jose Corazon de Jesus.

Panahon ng Isinauling Kalayaan Hanggang sa


Kasalukuyan
• Sa panahong ito lalong sumigla ang pagkatha ng mga akda. Ang kadalasang paksa ay ang kalupitang ginawa
ng mga Hapon sa Pilipinas, kung paano inalipin at dinusta ang mga Pilipino. Naging usap-usapan rin sa
mundo ng panitikan ang pagsali sa Palanca, isang patimpalak papanitikan. Nang dumating ang
panunungkuling ni Pangulong Ferdinand Marcos, naging mapanghimagsik ang kadalasang paksa ng mga
manunulat.
• Sa kasalukuyan, isa sa mga masisigasig na sumusuri sa tamang paggamit ng mga salita ay ang Pambansang
Alagad ng Sining sa Panitikan na si Virgilio Almario. Dito niya pinansin ang mga edukador na mala-
siyokoy ang paggamit ng mga salita na ayon sa kaya ay maling pagsasalin, tila pinaghalong Kastila at
Ang kanyang aklat na Filipino ng mga Filipino ay nagtataglay ng pagsusuri sa retorika,
salita at iba pang mga isyu na may kinalaman sa wikang Pambansa ng Pilipinas. Pinuna
niya rito ang mga maling paggamit ng mga salita sa iba’t ibang larangan at tinalakay rin
dito ang tamang paggamit ng mga salita sa iba’t ibang sitwasyon.

You might also like