Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pananaliksik sa

Akademikong Pagsulat
Mga Dapat Isaalang-alang sa
Paghahanda ng Akademikong
Pagsulat

1. Katangian ng Mananaliksik/Manunulat

a. Matiyaga- walang katapusan ang paghahanap ng


mahahalagang datos na makakatulong sa kaniyang sulatin, ito
man ay sa lehitimong mga personalidad, institusyon at mga
nakalimbag na materyal.
b. Sistematiko- may tamang pag-iiskedyul at
pagsasaayos ng mga appointment sa kakapanayamin
at pupuntahang mga lugar.

c. Maingat- mahigpit na isinaalang-alang ang


balidasyon ng facts o datos ng pananaliksik,
kredibilidad ng mga pinaghanguan ng detalye, may
pagtitimbang sa mga panig ng pagsisiyasat o walang
bias pagdating sa paglalahad ng detalye.
d. Kritikal- mainam na maging mapanuri ang
mananaliksik kung ang nakuhang datos ba ay
napapanahon, may relevance o kaugnayan sa
kasalukuyang pananaliksik, may kabuluhan sa
susunod pang mga mananaliksik.

e. Matapat- walang itinatagong pagkilala sa


mga orihinal na ideya mula sa pinaghanguang
datos.
Etika at Responsibilidad ng
Mananaliksik/Manunulat
a. Kilalanin na ang mga ideyang inilagay sa
pananaliksik/pagsulat ay hindi nanggaling sa iyo o may
orihinal ng nagmamay-ari ng mga ito.

b. Huwag basta-basta kumuha ng mga datos ng walang


permiso sa mga mapagkakatiwalaang tao/institusyon.
Lumiham, tumawag sa telepono, mag-email at ayusin ang
iskedyul bago ang itinakdang panayam.
c. Magpokus lamang sa paksa ng interbyu.
Iwasang langkapan ng personal at negatibong
pagsipat ang mga obserbasyon.

d. Pagtiyagaang daanan ang proseso ng


pagsulat. Huwag manipulahin ang mga datos
at pagsikapang kunin ang mga detalye sa
tamang panahon at pagkakataon.
e. Huwag na huwag dayain ang mga
impormasyon. Masusukat dito ang integridad
at kredibilidad ng mismong gumagawa ng
pananaliksik.
Pag-iwas sa Plagiarism: Krimen sa
Akademikong Pagsulat

a. Lagi’t lagi, isama ang pangalan ng awtor/institusyon at petsa ng


pagkakasulat ng dokumento.

b. Iwasan ang maya’t mayang pagsipi sa mismong pahayag


(verbatim). May iba’t ibang uri ng pagtatala (buod o presi,
halaw, mula active patungong passive voice, at marami pang iba.

You might also like