Andrea Ganda

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

NOLI ME TANGERE

KABANATA 38:
ANG PRUSISYON

IUULAT NI: ANDREA SANGGA


Ano ang prusisyon?

Isa sa mga mahalagang elemento ng


pistang pilipino ay ang prusisyon ng
patron karamihan ay ginagawa ito sa
mismong araw ng pista, subalit may ilang
mga lugar sa Pilipinas na ito ay ginagawa
naman bisperas ng kapistahan.
TALASALITAAN
 NAGSALIMBAYAN – nagsalungat

HALIMBAWA:
Nagsalimbayan ang musiko ng ibat’ ibang banda doon sa prusisyon.

 PINTAKASI – ang patrong dinadasalan at hingian ng tulong ng mga tao

HALIMBAWA:
Kasama ang prusisyon ang pintakasi ng bayan ng San Diego.

 PAGBIGKAS - pagsambit/pagsalita

HALIMBAWA:
Ang pagbigkas ng Loa ay gaganapin sa isang kubol sa harap ng bahay ni Kapitan Tiago.
 PUTONG – korona/bagay na ipinapatong sa ulo

HALIMBAWA:
Kasabay ng pursisyon ang mga bata na may putong ng bulaklak sa ulo.

 KASIPHAYUAN – kasawian/pagkabigo

HALIMBAWA:
Bagama’t maganda ang boses ni Maria Clara, halata ang kasiphayuan
ng kaniyang tinig hbang umaawit ito.
MGA TAUHAN

 Maria Clara – ang umawit ng ave maria.


 Kapitan Heneral – ang naroon sa bahay ni Kap. Tiago.
 Crisostomo Ibarra –kinilabutan ng marinig ang tinig ni
Maria clara.
 Padre Salvi – ang natulala sa boses ni Maria Clara.
Mga iba pang nabanggit sa kabanata:
o KapitanTiago,Alkalde,Basillo at Crispin.
BUOD

o Ang mga paputok at sunod-sunod na pagtunog ng mga kampa


ay hudyat ng pagsisimula ng prusisyon. Lahat ng nakikiisa ay
may dala-dalang mga kandila at parol. Ang mga prusisyon na
iyon ay ukol sa mga santong sina San juan Bautista, San
Francisco, Santa maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang
mga mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng
anim Hermano Tercero.
o Magkakasamang nag lalakad ang kapitan
Heneral, mga kagawad, kapitan Tiyago, Alkalde,
Alperes at Ibarra. Ang huli ay napilitang sumama
narin sa pag-imbita ng Heneral. Sa harap ng
bahay ni kapitan Tiyago ay may isang kubol na
pagdarausan ng pagbigkas ng tulang papuri o loa
sa pintakasi ng bayan.
o Pinangungunahan ng tatlong sakristan ang pila ng
prusisyon, na sinundan naman ng mga guro, mag-aaral
at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang
mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga
pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o
humiwalay sa hanay. Mayroon din silang kasama na
namimigay ng libreng kandila para gamiting pang-ilaw
sa prusisyon.
o Sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago inihinto ang mga karo at
andas ng mga santo isang batang lalaking may pakpak,
nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang lumabas
upang simulan ang pagpupuri sa wikang Latin, Kastila at
Tagalog. Sumunod naman ay ang pag-awit ni maria at lahat ay
nabighani sa ganda ng kaniyang tinig ramdam naman ni Ibarra
ang pighating nararamdam ng kaniyang katipan sa boses nito.
Napukaw ang atensyon ng binata na ito ay kausapin ng Heneral
tungkol sa hapunan kung saan kailangan nilang pag-usapan ang
pagkawala ng dalawang sakristan nasina Crispin at Basillo.

You might also like