Filipino 6 Week 2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO 6

Ang pangkat ay tumutukoy sa grupo o lipon ng mga bagay na may


kaugnayan sa isa’t isa.

Ang kaugnayan naman ay tumutukoy sa relasyon o koneksiyon ng mga


bagay. Sa pagpapangkat ng mga salitang magkakaugnay, karaniwang
pinagsasama-sama ang mga salitang may koneksiyon ayon sa uri, gamit,
bahagi, katangian o kahulugan ng mga ito. Maaari ring iayon ang
pagpapangkat sa mga salita sa pamamagitan ng pagpapares sa mga
salitang magkaugnay.

Sa pamamagitan ng pagpapangkat ng mga salitang magkakaugnay, mas


magiging madali ang pag-unawa sa kahulugan ng bawat salita. Nagiging
mas maayos o organisado, malinaw at epektibo ang paggamit ng mga
salita sa pakikipagkomunikasyon
Halimbawa:

Kaya ba ninyo ngalanan ang mga nasa larawan?

Ang kalabaw, watawat ng Pilipinas, mangga at Narra ay


magkakaugnay dahil ang mga ito ay mga pambansang sagisag
ng Pilipinas.
Gawain sa Pagkatuto Bilang Tukuyin ang salitang kaugnay ng mga salitang nasa hanay A mula sa
Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Bumuo ng apat na pangkat ng mga salitang magkakaugnay mula sa
kahon. Isulat ang mga ito sa loob ng bawat bahay.

You might also like