Aralin17 Inflation 161109140045

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Aralin 17

Inflation
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Balik-aral:
• Ang ekonomic performance ay tumutukoy sa
pangkalahatang kalagayan ng mga gawaing pang-
ekonomiya ng bansa.
• Nasusukat ito gamit ang GNP at GDP.
• Magandang makita na papataas ang GNP at GDP.
Ibig sabihin nito, tumataas ang produksyon ng
bansa. Dumarami ang kumikita sa ekonomiya.
Break Muna:
• Ibigay ang kasalukuyang presyo ng mga sumusunod na
kalakal at serbisyo:

Kalakal Presyo
Pamasahe sa Jeep (Minimum)
Pepsi (8 oz.)
Bayad sa Sine
Isang Kilong Bigas
Sandaling Isipin:
• Ganito rin kaya ang
presyo nito sa nagdaang
10 taon?
• Ganito parin kaya ng
presyo nito makalipas ang
10 taon?
Ano ang Inflation?
• Ito ang pagkalahatang pagtaas ng presyo ng
isang kalakal o serbisyo.
• Ito ay may negatibong epekto sa PPP (peso
purchasing power ) kakayahan ng piso na
bumili ng kalakal.
Ano ang pinapahiwatig ng larawan
sa ibaba?
Mga Uri ng Inflation
• Stag inflation – ang mabagal na pagtaas ng
presyo ng mga bilihin.
• Galloping Inflation – ang pabago-bagong
pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
• Hyper inflation – pagkakaroon ng lubhang
pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Pagsukat sa pagtaas ng presyo
• Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon ang
Consumer Price Index ( CPI ) upang mapag-aralan ang
pagbabago sa presyo ng mga produkto.
• Tinitingnan ang halaga ng mga produktong ito upang
masukat ang bilis at laki ng pagbabago sa presyo.
• Mula sa market basket, ang price index ay nabubuo na
siyang kumakatawan sa babuuan at average na
pagbabago ng mga presyo sa lahat ng bilihin.
• Ang price index ay depende sa uri ng bilihin na gustong
suriin.
Iba’t ibang uri ng Price Index
• 1. GNP Implicit Price Index o GNP Deflator
Ito ang average price index na ginagamit para
mapababa ang halaga ng kasalukuyang GNP at masukat
ang totoong GNP. Ito ang sumusukat sa pangkalahatang
antas ng presyo ng mga produkto at serbisyong nagawa
ng ekonomiya sa loob ng isang taon.
2. Wholesale or Producer Price Index (PPI)
Index ng mga presyong binabayaran ng mga
tindahang nagtitingi para sa mga produktong muli nilang
ibebenta sa mga mamimili.
3. Consumer Price Index
Sinusukat ang pagbabago sa presyo ng mga produkto
at serbisyong ginagamit ng konsyumer.
Upang makuha ang CONSUMER
PRICE INDEX, gamitin ang pormula.
Pagbatayan ang talahanayan sa itaas at
gamitin ang taong 2011 bilang batayang
taon. Tandaang ang consumer price
index ay sumusukat sa average na
pagbabago ng mga produktong
karaniwang kinokonsumo ng pamilyang
Pilipino.
Purchasing Power
• Sa pamamagitan ng piso bilang gamit
sa pagbili sa taong 2012 ay 0.9088.Ibig
sabihin , ang piso sa taong 2012 ay
makabibili na lamang ng halagang .91
sentimos batay sa presyo noong taong
2011 dahil sa implasyon.
Gawain 4. Ikaw naman ang mahkompyut
1. Mula sa talahanayan, ano ang pinakamataas na
CPI?
2. Anong taon ang may pinakamalaking bahagdan ng
pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga
pangunahing produkto na kabilang sa basket of
goods?
3. Ano ang kahalagahan sa iyo bilang miyembro ng
pamilya ninyo, na matukoy ang tunay na halaga ng
piso? Ipaliwanag.
4. Paano mo mailalarawan ang karaniwang reaksyon
ng iyong magulang sa tuwing may pagtaas ng presyo
ng mga bilihin?
Dahilan ng Inflation
• Demand Pull. Nagaganap ito kapag
nagkakaroon ng paglaki sa pagkonsumo ng
isang kalakal ngunit walang katumbas na
paglaki sa produksyon.
• Dahil nagkaroon ng shortage sa pamilihan
kaya ang presyo ng bilihin ay tumataas.
Dahilan ng Inflation
• Cost Push. Nagaganap ito kapag lumalaki
ang gastos sa produksyon ngunit walang
paglaki sa kabuuang suplay.
• Maaaring mangyari ito kung tataas ang
presyo ng mga inputs o hilaw na materyales
o sangkap sa produksyon.
Dahilan at Bunga ng Implasyon
1. Pagtaas ng suplay ng salapi---Tataas ang demand o ang
paggasta kaya nahahatak
ang presyo pataas.
2. Pagdedepende sa iportasyon
para sa hilaw na materyales---Kapag tumaas ang palitan ng
piso sa dolyar o kaya tumaas
ang presyo ng hilaw na ma-
teryales na umaasa sa im-
portasyon ay magiging san-
hi ng pagtaas ng presyo.
Dahilan at Bunga ng Implasyon
3. Pagtaas ng Palitan ng Piso sa Dolyar
BUNGA: Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar,
bumababa ang halaga ng piso. Nagbubunga ito ng
pagtaas ng presyo ng mga produkto.
4. Kalagayan ng Pagluluwas
BUNGA: Kapag kulang sa supply sa lokal na pamilihan
dahil ang produkto ay iniluluwas, magiging dahilan ito
upang tumaas ang presyo ng produkto. Kapag mas
mataas ang demand kaysa sa produkto, ito ay magdudulot
ng pagtaas ng presyo.
5. Monopolyo o Kartel
BUNGA: Nakokontrol ang presyo sa sistemang ito. Kapag
nakontrol ang presyo at dami ng produkto, malaki ang
posibilidad na maging mataas ang presyo.
Tukuyin kung ang mga sumusunod ay sanhi
ng cost-push inflation o demand-pull
inflation.
1. Tumaas ang presyo ng isda dahil mahal na araw.
2. Tumaas ang presyo ng bulaklak dahil sa panahon ng
undas.
3. Tumaas ang pamasahe dahil sa pagtaas ng presyo ng
gasolina.
4. Tumaas ang presyo ng gulay dahil sa naganap na
landslide sa Benguet.
5. Tumaas ang halaga ng sardinas dahil sa pagtaas ng
presyo ng lata.
Inflation Rate
• Tumutukoy sa antas ng pagbabago sa
presyo ng mga bilihin.

Inflation Rate = x 100

whereas:
P2 = bagong presyo
P1 = lumang presyo
Break Muna!
• Kung ang presyo ng galunggong noong
taong 2000 ay 50/kilo, gaano kalaki ang
itinaas nito kung ang kasalukuyang presyo
ay 110/kilo?
Epekto ng Inflation sa
Ekonomiya
Ano ang pinapahiwatig ng larawan
sa ibaba?
Epekto ng Inflation
Nakikinabang Di-nakikinabang
• Mga mangungutang • Tiyak na kita
• Mga may di-tiyak na • Mga nagpapautang
kita • Mga Nag-iimpok
• Mga speculator
PAGPAPAHALAGA

• Anou-anong mga sularanin ng


ekonomiya ang maaring maganap kapag
kapag patuloy ang inflation?
Tandaan:
Ang GRADES
pinaghihirapan
HINDI
inililimos!
References:
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like