Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Araling Panlipunan

Unang Yugto ng Kolonyalismo

LBNHS
Sir Elmer B. Amoyan
Paghahati ng Mundo
• Naging mahigpit na magkalaban ang Portugal at Spain
sa pagpapalawak ng kanilang teritoryo.
• Dahil sa tumitinding paligsahan, sila ay humingi ng
tulong kay Pope Alexander VI upang mamagitan sa
kanilang hidwaan.
• Noong 1493 ay gumuhit ng line of demarcation ang
Papa, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng
Atlantiko tungo sa North Pole hanggang sa South Pole.
• Ipinaliliwanag nito na lahat ng mga matatagpuang
kalupaan at karagatan sa kanlurang bahagi ng linya ay
para sa Spain at sa Silangan naman ay sa Portugal.
Paghahati ng Mundo
• Upang maiwasan ang hidwaang dala ng
pagdududa ng mga Portuges, naitakda ang
bagong line of demarcation na nilagdaan sa
pamamagitan ng Kasunduan ng Tordesillas
noong 1494.
• Ang hatian ay batay sa linya ng demarkasyon na
370 leagues sa kanluran ng Cape Verde Islands.
• Ipinakita dito na lubusang pinaghatian ng
Portugal at Spain ang bahagi ng mundo na hindi
pa narating ng mga taga-Europe.
Paghahati ng Mundo
• Ipinapakita nito kung gaano katindi ang
pag-iiringan at pag-uunahan ng Spain at
Portugal na mapalawig ang kanilang
teritoryong sakop.
• Ang paghingi nila ng tulong kay Pope
Alexander VI ay nagpapakita lamang sa
malaking impluwensiya ng simbahan sa
pamamalakad ng pamahalaan.
Ang Kasunduan sa Tordesillas ay isang
kasunduan Itooang itinakdang
tratado linya
sa pagitan ng ng at
Portugal
Treaty of Tordesillas ng Papa Demarcation
EspanyaAlexander
noong 1494,VIkung of sa
saan
dahil
(1494) nagkasundo sila Pope Alexander
na hatiin ang lahat ngVImga
tunggalian sa pagitan ng
lupain sa Mundo na nasa labas ng Europa para
Ang TREATY OF ZARAGOZAsa– pagitan ito ay
Espanya at Portugal.
ng dalawang mga bansa Ang
nila, na
tinatawag din bilang Capitulation linyang ito angkung
hindi isinasaalang-alang nagtatakda
sinuman ang
naninirahan na sa mga lupaing ito. Si Papa
of Zaragoza. Ito’y isang kasunduan kung saang bahagi ng mundo
Alejandro VI ang papa noong panahon ng
ng peace o kapayapaan sakasunduan. maggagalugad
pagitan Gumuhit si PapaangAlejandro
dalawang VI ng
ng Spain at Portugal naisang likhang-isip na bansa.
guhit na 2,193 mga
kilometro papunta sa kanluran ng Cabo Verde,
pinirmahan noong ika-22atngibinigay Abrilniya sa Portugal ang mga lupain na
1529 ni King
Treaty of John III at ni Emperor
Saragosa nasa silangan ng guhit na ito; at ibinigay
naman niya sa Espanya ang mga lupain na
Charles V(1529)
sa lungsod ng Zaragoza
nasa kanluran ng guhit na ito. Noong mga
sa Espanya. panahong iyon, ang mga namumuno sa
Espanya ay sina Haring Ferdinand at Reyna
Isabella, na ang isa sa kanila ay mula sa Castile
at ang isa naman ay nagbuhay sa Aragon. Ang
kasunduang ito ay nilagdaan sa Tordesillas, na
pinagmulan ng pangalan ng kasunduan.
Ferdinand Magellan • Si Ferdinand Magellan ay isang
Portuges na sinuportahan ng Spain sa
kanyang ekspedisyon.
• Sa ilalim ng bandila ng Spain, nais
niyang ipagpatuloy ang paghahanap ng
rutang pakanluran tungo sa Silangan.
• Taong 1519 nang nagsimula ang
kanyang paglalayag na may limang
barkong pandagat.
• Kasama ang 270 tauhan, narating nila
ang silangang baybayin ng South
America (Brazil sa kasalukuyan) at
nilakbay ang makitid na daanan ng
tubig na tinawag na Strait of Magellan.
• Nilayag ang Mar Pacifico o Karagatang
Pasipiko hanggang sa narating ang
Pilipinas noong 1521.
Paglalayag ni Magellan
• Sa tagal ng kanilang paglalayag, naranasan nila ang gutom at
uhaw, at may kaunting pag-aalsang naganap sa mga miyembro
ng ekspedisyon.
• Lahat ng ito ay nalagpasan ng makatagpo ng malaking
kayamanang ginto, pampalasa at pagyakap ng mga katutubo sa
Kristyanismo.
• Hindi man nakabalik si Magellan sa Spain dahil sa kanyang
kamatayan sa Pilipinas, ang barkong Victoria sa pamumuno ni
Juan Sebastian del Cano ang nagpakilala na maaaring ikutin
ang mundo at muling bumalik sa dating pinanggalingang lugar.
• Ito ang unang circumnavigation o pag-ikot sa mundo na
nagpatunay na ang mundo ay bilog.
• Itinama nito ang dating lumang kaalaman ng mga taga-Europe
na ang mundo ay patag.
Subok Lang! tukuyin sa Globoioang
n ginawang
i gat
paglalayag ni Magellan
nav at del Cano.
c um
no Cir
lC a
- De
ge llan
Ma
Ang paglalayag ni Ferdinand Magellan ay nagsimula
sa Seville, Spain at tumawid sa Karagatang Atlantiko
hanggang marating ang dulong timog ng Timog.
Amerika, na tinawag na Strait of Magellan
ngayon. Pagkatapos ay nagpatuloy sa paglalayag
patungong Karagatang Pasipiko at marating ang
Pilipinas.
Si Magellan ay nasawi sa Pilipinas noong 1521, kaya’t
si Sebastian del Cano, ang kanyang second-in-command,
ang namuno sa ekspedisyon at nagpatuloy sa paglalakbay
sa Karagatang India, sa paligid ng Cape of Good Hope,
patungong Karagatang Atlantiko, hanggang makabalik sa
Sanlúcar de Barrameda, Spain noong 1522. Ang
paglalayag na ito ay nagpatunay na ang mundo ay bilog.
• Si Hernando Cortes ay isang
conquistador o mananakop
na naglayag upang
maghanap ng yaman at
ginto.
• Narating at sinakop niya
ang Tenochtitlan na
kabisera ng Kabihasnang
Aztec na matatagpuan sa
kasalukuyang bansa ng
Mexico.
Hernando Cortes
• Si Francisco Pizarro ay isang
conquistador na sumakop ng
imperyo ng Inca na
matatagpuan sa kasalukuyang
bansa ng Peru.
• Si Atahuallpa na pinuno ng
mga Inca ay binihag at
pinangakuan ng kalayaan kung
makapagbibigay ng isang silid
na puno ng ginto at pilak.
• Naibigay naman ang hiling nila
ngunit hindi tumupad si
Francisco Pizarro Pizarro at ang ginawa ay
binitay si Atahuallpa.
Sa pagkamatay ni Atahuallpa, tuluyang sinakop ni
Pizarro ang imperyo. Ang pagpapalaganap ng
sistemang Espanyol ay naging dahilan ng pagkawasak
ng tradisyon at kultura ng mga Inca.
Ang ginawang pamumuno ng mga Kastila sa
kanyang kolonya ay may kahalong karahasan sa
dahilang ang mga katutubo ay nais nilang sumunod sa
mga batas na pinatutupad ng hari at makonberto sa
Katolisismo.
Pinuwersa nila ang mga katutubo na magbigay ng
libreng trabaho para sa Pamahalaang Kolonyal at sa
pagtatayo ng mga simbahan. Ang sapilitang sistema
ng paggawa na ito ay tinawag na mita na hango sa
sistema ng mga Inca.
Nangangahulugan ito na ang mga kalalakihang
may edad 15-50 ay kailangang magtrabaho hindi
lamang sa paggawa ng mga simbahan kundi
maging sa lubhang mapanganib na mga minahan
ng ginto at pilak.
Nagpatupad din ang mga Espanyol ng mabibigat
na buwis sa agrikultura, metal, at iba pang mga
kalakal. Ang mga Inca ay patuloy na nagdusa dahil
sa hindi makatarungang pamamahala ng mga
Espanyol sa kanilang lugar. Kahit na sila ay nag-alsa,
ang kanilang sibat, pana at tirador ay hindi
makakatalo sa armas, espada at aserong baluti ng
mga mananakop.
a o n g
Mg roses Panuto: Sagutan ang mga sumusunod
m p
Pa ng: na katanungan. Isulat ang inyong
Ta no mga sagot sa sagutang papel.
1. Bakit nagpaligsahan sa paggalugad ng mga
lupain ang mga Europeong bansa?
2. Bakit hinati ni Pope Alexander VI ang mundo sa
Portugal at Spain?
3. Ano ang kahalagahan ng mga sumusunod na
ekspedisyon;
– A. Christopher Columbus;
– B. Ferdinand Magellan; at
– C. Pedro Alvares Cabral?
Netherlands
• Noong 1602 ay itinatag ng Netherlands ang Dutch East
Indies Company o Vereenigde Oostindische Compagnie
(VOC) na naging daan sa pagpapalawak ng komersiyo sa
Asya.
• Ito ang dahilan kung bakit mas matagal ang kapangyarihan
ng mga Dutch sa Asya kumpara sa America.
• Napalitan ng mga Dutch ang mga Portuges bilang
pangunahing bansang kolonyal sa Asya lalo na sa
Indonesia.
• Tuluyang nakontrol ng Netherlands ang kalakalan sa
Moluccas o Spice Island nang naagaw ito mula sa Portugal.
Nagtatag sila ng mga plantasyon kung saan ang malawak
na lupain ay pinagtaniman ng iba’t ibang uri ng spices.
Netherlands
• Ang mga Dutch ay nagkaroon din ng
kolonya sa North America.
• Napasok ni Henry Hudson, isang Ingles
na nabigador, ang New York Bay noong
1609 at tinawag itong New Netherland.
• Sa kanya rin ipinangalan ang Ilog
Hudson sa Manhattan, USA bilang
pagkilala sa kanyang dakilang nagawa.
• Noong 1624, isang trade outpost o
o n himpilang pangkalakalan ang itinatag sa
u d s
y H rehiyon na pinangalanang New
n r
He Amsterdam na kilala ngayon bilang
New York City.
Hindi lamang sa Asya at America
nagtatag ng pamayanan ang mga Dutch.
Nagtatag sila ng pamayanan sa South
Africa sa pamamagitan ng mga Boers, mga
magsasakang nanirahan sa Cape of Good
Hope.
Ngunit noong ika-17 siglo, humina ang
kapangyarihang pangkomersiyo ng mga
Dutch at ito ay pinalitan ng England bilang
pinakamalakas na imperyong
pangkaragatan ng Europe.
England • Ang England noong 1497 ay
nagpasimulang magpakita ng
interes sa pangkaragatang
kalakalan.
• Si John Cabot na isang
Italyanong nabigador ang
nagbigay ng mga unang
kolonya sa England gaya ng
Newfoundland, Nova Scotia at
New England na kasalukuyan
ay bahagi ng Canada at
America.
John Cabot
England
• Sa pamumuno ni Francis Drake, isa sa kinilalang
mahusay na nabigador noong panahon ng
pamamahala ni Reyna Elizabeth I ng England,
natalo ang Spanish Armada sa digmaan na
nagpahina lalo sa kapangyarihan ng Spain.
• Sa pagitan ng 1607 hanggang 1733 nakapagtatag
ng mga kolonya ang England sa silangang
dalampasigan ng North America.
• Ang unang kolonya ay ang Jamestown na
kasalukuyang estado ng Virginia sa United States.
France • Noong 1534, naabot ni
Jacques Cartier ang
kasalukuyang Montreal,
Canada.
• Si Samuel de Champlain ay
narating ang Quebec at si
Robert Cavalier naman ay
sinakop ang kabuuang bahagi
ng Ilog ng Mississippi para sa
France.
• Ang paglakas ng
kapangyarihang ito sa North
America ang naging sanhi ng
paligsahan ng France at
Samuel de Champlain England.
PAGTATAYA NG
ARALIN
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong
sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang
sagot. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot
niyo.
1. Alin sa sumusunod na kagamitan ang hindi
ginamit ng mga manlalayag na Europeo sa
Panahon ng Eksplorasyon?
• A. astrolabe
• B. caravel
• C. compass
• D. hourglass
2.Ano ang tawag sa sasakyang pandagat
na ginamit ng mga Europeo sa kanilang
paglalayag sa Panahon ng Eksplorasyon?
• A. armada
• B. caravel
• C. galleon ship
• D. steam ship
3. Sino ang nagpatayo ng paaralan na nakatuon sa pag-
aaral ng nabigasyon na nakatulong upang maging
mahusay na mandaragat ang mga Portuges?
A. Bartolomeu Dias
B. Christopher Columbus
C. Ferdinand Magellan
D. Prinsipe Henry
4. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga motibo
ng Unang Yugto ng Kolonyalismo?
A. pagpapalawak ng kultura
B. paghahanap ng kayamanan
C. paghahangad ng katanyagan
D. pagpapalaganap ng Kristiyanismo
5. Sinong papa ang naglabas ng Papal Bull na naghahati sa
mundo mula silangan hanggang kanluran na maaaring tuklasin ng
mga bansang Portugal at Spain?
A. Alexander VI
B. Gregory VII
C. John Paul II
D. Leo I

6. Anong kasunduan ang nilagdaan ng mga bansang Portugal at


Spain na nagtatakda ng panibagong line of demarcation na siyang
batayan sa mga lugar na maaari nilang galugarin?
A. Kasunduan sa India
B. Kasunduan sa Paris
C. Kasunduan sa Versailles
D. Kasunduan sa Tordesillas
7. Kanino ipinangalan ang kontinenteng America?
A. Amerigo Vespucci
B. Bartolomeu Dias
C. Christopher Columbus
D. Ferdinand Magellan

8. Sinong manlalayag na Europeo ang unang


nakatuklas sa Bagong Daigdig o New World?
E. Amerigo Vespucci
F. Bartolomeu Dias
G. Christopher Columbus
H. Ferdinand Magellan
9. Ano-anong bansa ang unang nagpaligsahan sa
eksplorasyon at nabigasyon noong ika-14 hanggang ika-15
siglo?
A. England at Portugal
B. France at Spain
C. Netherlands at England
D. Spain at Portugal

10. Sinong hari at reyna ng Spain ang sumuporta sa


ekspedisyon nina Columbus at Magellan?
A. Henry at Anne
B. William at Mary
C. Carlos at Elizabeth
D. Ferdinand at Isabella
11. Ano ang pinakamahalagang nadiskubre o napatunayan
ng ekspedisyon ni Ferdinand Magellan?
A. Ang mundo ay bilog.
B. Mayaman sa ginto ang Pilipinas.
C. Mayaman ang kultura ng mga taga-Silangan.
D. Masagana ang pamumuhay ng mga taga-Silangan.

12. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik


na nagbunsod sa paglalayag ng mga Europeo noong ika-14
siglo?
A. paglalakbay ni Marco Polo
B. pagbagsak ng pamilihan sa Venice
C. pagiging mausisa na dulot ng Renaissance
D. pagbagsak ng Constantinople sa mga Turkong Muslim
13. Ano ang nagsilbing inspirasyon sa mga
manlalayag na Portuges na manguna sa paggalugad
ng mga lugar sa iba’t ibang bahagi ng mundo?
A. pagkakaroon ng interes sa mga spices
B. pagtataguyod ni Prinsipe Henry sa nabigasyon ng
bansa
C. pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon
at Reyna Isabella
D. pagsuporta ng monarkiya sa paghahanap ng
rutang pakanluran patungong Asya
14. Alin sa mga sumusunod na paraan ng
pananakop ang giinamit ng mga Dutch sa Asya
at maituturing na dahilan kung bakit mas
nagtagal ang kanilang kontrol sa Asya kaysa sa
America?
A. pagtatakda ng sistema ng plantasyon
B. pagkakatatag ng Dutch East India Company
C. pagkakabuo ng patakaran sa sapilitang
paggawa
D. pagpapatibay sa mga trading outpost o
himpilang pangkalakalan
15. Paano mo ilalarawan ang epekto ng
kolonyalismo?
A. Pawang kabutihan ang dala ng kolonyalismo sa mga
bansang nasakop ng mga Europeo.
B. Ang pananakop ng mga Europeo ay nagbigay-daan
sa pag-usbong ng pandaigdigang kalakalan.
C. Ang kolonyalismo ay nagdulot ng positibo at
negatibong epekto sa mga bansang sakop ng mga
Kanluranin.
D. Nagdala ang mga Kanluranin ng mga sakit sa
kolonya na naging sanhi ng maraming pagkamatay ng
mga katutubo.
SUSI SA PAGWAWASTO
1. D
9. D
2. B
10. D
3. D
11.A
4. A
12.D
5. A
13.D
6. D
14.B
7. A
15.C
8. C

You might also like