FIL6 Q3 W7 D1 Pagsagot Sa Mga Tanong Na ASSKPB at Pagkuha NG Impormasyon Sa Pamamagitan NG Pahapyaw Na Pagbasa

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

Pagsagot sa mga Tanong na

ASSKPB at Pagkuha ng
Impormasyon sa Pamamagitan ng
Pahapyaw na Pagbasa
Paghahabi sa Layunin

Handa ka na ba sa iyong bagong aralin?


Basahin at unawain ang isang teskto.
Maging aktibo at bahagi ng kampanya
“Clean and Green,” “No to Drugs” at “Bantay
Bata”
Mga paraan ito ng pagbibigay ng
pagmamahal,
Kayat ugaliin ang pagtulong sa kapwa.
Huwag ihinto ang Gawain
Huwag mag-alinlangan sa adhikain
Pagtulong sa iba’y ugaliin
Upang lahat maging masayahin
Layunin ng gawain ay isipin,
Detalye nito ay dapat tiyakin;
Magsumikap na mabuti sa
pagtu[pad,
Nitong makabuluhang layuning
Mga Tanong
• Nabasa mo ba ang maikling teksto ng maayos?
• Sa iyong pagbabasa nakuha mo ba ang
mahalagang impormasyon?
• Paano mo ito binasa? Mabilis? Mabagal? O
binasa mo ito ng sakto lang?
Pag-uugnay ng halimbawa

Basahin muli ang maikling sanaysay.


Bibigyan ko kayo ng 3 minuto upang
basahin at unawain ito.
Malaki ang impluwensiyang nagawa ng pananakop ng
mga Hapones sa Pilipinas hindi lamang sa uri ng
pamumuhay ng mga Pilipino sa aspektong
pangkabuhayan kundi maging sa larangan ng panitikan.
Dahil sa pananakop na ito(1941-1944),ipinalagay ng
nakararaming naluluwalhatian sa panitikan na ang
sumunod na taon 1945, ay simula ng pagsibol ng
gintong panahon ng maikling kwento.
Sakop sa panahong ito ang kautusang pagbabawal
ng paggamit ng Ingles kaya’t pumaimbulog ang
Tagalog bilang gamit na wika sa ARALIN
pakikipagtalastasan kabilang ang paraang
pasulat,partikular ang pagsulat ng maikling
kwento .
• Ano ang pakiramdam mo habang binasa ito?
• Sa paanong paraan mo ulit ito binasa? Mabilis?
Mabagal? Sakto?
• Nakuha mo ba ang mahalagang detalye sa iyong
binasa?
• Napansin mo bang habang ikaw ay nagbabasa ay
hinanap mo agad ang mahalagang impormasyon sa
teksto?
Ang iyong pagbabasa ay isang
paraan ng pahapyaw na pagbasa, ito
ay isang uri ng pagbabasa.
Ang pahapyaw na pagbasa ay
tinatawag sa English na skimming at
ito ay isang paraan ng pagbasa na
mabilisan upang makuha ang
mahahalagang impormasyon o ideya
ng isang seleksyon o teksto.
Pagsasanay

Panuto: Basahin at unawain ang teksto


upang masagot ng wasto ang mga
tanong.
Ang Solar I, isang tangkeng pandagat na pagmamay-ari
ng Petron na naglalaman ng dalawang milyong litro ng
langis na tumaob sa laot ng dagat sa Guimaras noong
Agosto11, 2006. Patuloy na tumagas ang langis na
daladala nito sa bilis na 250 litro kada oras. Isang bapor
galing sa bansang Hapon ang tumulong sa pagtanggal
ng lumubog na barko sa pamamagitan ng mga
makabago nitong kagamitan.
Ayon kay Gob. Joaquin Carlos Nava, umabot na sa15
hanggang 16 kilometro kuwadrado ng bahura, 105 ektaryang
bakawan,42 ektaryang taniman ng mga halamang dagat at
11,080 tao ang naapektohan ng tumagas na langis. Ayon sa
tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, nagpadala na sila ng
mga bangka upang tumulong sa operasyon ng pag-alis ng
naturang langis. Ang mga residente naman ng Guimaras ay
nangalap ng mga buhok upang makatulong sa pagsipsip ng
mga tumagas na langis.
Mga Tanong
1. Anong barko ang tumaob?
2. Saan tumaob ang barko?
3. Kailan ito nangyari?
4. Ano ang naging epekto nito sa karamihan?
5. Anong bansa ang tumulong upang malinis
ang langis sa dagat?
Paglinang sa kabihasaan

Panuto: Unawain ang maikling


teksto at sagutin ang mga tanong.
Si Melvil Dewey ay isang Amerikanong nakatira sa
New York. Nang masunog ang paaralang kaniyang
pinapasukan, sinagip niya ang mga libro sa silid-
aklatan. Makailang ulit siyang naglabas-masok sa silid
aklatan upang maiwas ang mga libro sa pagkakasunog.
Sanhi ng kanyang pagsagip sa mga aklat, nakalanghap
siya ng usok na naging dahilan upang magkaroon siya
ng ubo.
Sinabi ng doctor na malala ang sakit niya. Nang
marinig ni Melvil Dewey ang sinabi ng doctor,
inayos niya ang mga libro. Dahil sa mabisa at
sistematikong pamamaraan ni Dewey, tinanggap
ito ng mga silid -aklatan sa Amerika at kalauna’y
buong mundo.
Tanong

Paano nagkaroon ng DCC o ang


Dewey Classification System?
Paglalapat

Paano nakakatulong ang pagkuha ng


impormasyon sa pamamagitan ng
pahapyaw na pagbasa sa inyong buhay?
Paglalahat

Ang pahapyaw na pagbasa naman ay ang


mabilisang pagbasa upang makuha ang
pangkalahatang ideya o mahahalagang
impormasyon sa teksto.
Pagtataya

Basahin at unawaing mabuti ang teksto


tungkol sa tamaraw.
Ang Tamaraw

Ang tamaraw na tinatawag sa Ingles na dwarf


water buffalo ay may hawig sa kalabaw kaya lang
ay mas maliit ito at ang sungay ay korteng titik
“V” at mas maikli. Mas makapal ang kulay kape
at itim na balahibo.
Ang tamaraw ang pinakamalaking mamal na
katutubo dito sa Pilipinas at sa Mindoro lamang
ito matatagpuan. Tipikal na tirahan ng tamarawa
ang damuhan na malapit sa gubat at may malapit
na sapa o ilog na maiinuman at malulubluban.
Kinakain nito ang iba’t ibang uri ng damo lalo na
ang mga bagong tubo.
Karaniwan itong makikitang nag-iisa maliban
lamang kung panahon ng pagtatalik kung saan
magkasama ang babae at lalaking tamaraw. Isa
lamang ang iniaanak ng babaeng tamaraw tuwing
makalawang taon. Sa gulang na 2 hanggang 4 na
taon ay humihiwalay na ang mga batang tamaraw
sa kanilang ina.
Agresibo at matapang, ang tamaraw ay
may malakas na pang-amoy at
nararamdaman nila ang kaaway kahit na
isang milya ang layo nito.
Noong mga huling taon ng 1800s ay karaniwan ng
makikita ang tamaraw sa halos saang gubat sa isla
ng Mindoro. Ngunit dahil sa pagtotroso,
pangangaso, pagkalat ng epidemya na dala ng
peste, pati na ang pagsulpot ng mga rancho at
sakahan sa kagubatan ng Mindoro ay unti-unti
nang nabawasan ang populasyon o bilang ng mga
tamaraw.
Ngayon, isa ang tamaraw sa mga mammal sa
buong mundo na pinangangambang tuluyang
mawala. Mula sa 10,000 na bilang noong mga
taong 1900s, ito ay bumaba sa bilang na 200
hanggang 300 ulo na lamang.
Upang mailigtas ang tamaraw sa tuluyan nitong pagkaubos,
ang Tamaraw Conservation Program ay itinatag ng
pamahalaan sa pakikiisa ng University of the Philippinas sa
Los Baños, Laguna, UPLB Foundation, Inc., at Lokal na
Pamahalaan ng Occidental Mindoro.
Layunin nitong makontrol ang mga naging sanhi ng mabilis
na pag-unti ng populasyon ng tamaraw at mapataas sa tamang
bilang ang populasyon nito. Layunin din ng programang ito
na maprotektahan at buhayin ang natural na tirahan ng
tamaraw sa Mindoro.
Panuto: Basahin ang mga tanong at
isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Anong hayop ang sa Mindoro lamang
matatagpuan na may hawig sa
kalabaw?
A. Baka
B. Tamaraw
2. Ano ang pagkakaiba ng sungay ng
kalabaw sa sungay ng tamaraw?
a. Ang sungay ng tamaraw ay korteng
titik V at mas maliit kaysa kalabaw.
b. Mas malaki ang sungay nito kaysa
sa kalabaw.
3. Kailan humihiwalay ang mga batang
tamaraw sa kanilang ina?
a. 1 hanggang 3 taon
b. 2 hanggang 4 na taon.
4. Bakit patuloy na nauubos ang mga
tamaraw?
a. Palipat-lipat na lugar
b. Pagtotroso, pangangaso, peste at
pagsulpot ng rancho o sakahan.
5. Ano ang layuhin ng pamahalaan sa
pagtatag ng Tamaraw Conservation
Program?
a. Makontrol ang pagkaubos ng
tamaraw at mapangalagaan ang
tirahan ng tamaraw.
b. Hayaang maubos ang mga tamaraw.

You might also like