Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Ang Aso at Ang Uwak

ANG ASO AT ANG UWAK

May ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw. Tinangay niya ito at
lumipad nang malayo.

Sa dulo ng sanga ng isang puno, sinimulan niyang kainin ang karne.

Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabi:


“Sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. “Walang kakumpara!”

Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak.

Ang nangyari ay nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung
saan kaagad sinunggaban ng aso.
 Tauhan:
Uwak– ang nakakita at tumangay sa karne na
nakabilad
Aso– ang pumuri kay uwak upang mapasa- kanya
ang karne

Tagpuan:
sa isang puno
sa bakuran
Suliranin:
- Nakakita si uwak ng nakabilad na karne habang siya
ay lumilipad. Ngunit nakita siya ni Aso habang kinakain
nya ang karne. Nag- isip si aso ng paraan kung pano
mapapasa-kanya ang kinakain ni uwak
Simula:
- Habang lumilipad si Uwak ay nakakita siya ng
karneng nakabilad. Tinangay niya ang karne at siya ay
lumipad ng malayo.

Gitna:
-Sinimulan ni uwak na kainin ang karne at siya ay
pumuwesto sa dulo ng sanga ng isang puno.

Kasiglahan:
-narinig ng uwak ang malakas na boses ng aso. “ Sa
lahat ng ibon, ang uwak ang pinakamagaling, walang
kakumpara”
 Kasukdulan:
-Natuwa si Uwak sa narinig. Ibinukas ang bibig upang tumawa.

Kakalasan:
-Sa kanyang pagtawa, nalaglag sa lupa ang karne mula sa kanyang
bibig .

 Katapusan;
-Ang nalaglag na karne ay sinunggaban ni aso.

 Tunggalian:
- Tao sa tao ( hayop sa hayop)
Uri ng Tauhan:
-tauhang lapad

Paraan ng Paglalahad:
-Patiyak

Paksang Diwa:
 Ang labis na papuri ay nagdudulot rin ng masama.

 Ang tiwala ay hindi basta-basta ibinibigay sa hindi pa lubos na


kakilala.

 Kaisipan
- Hindi lahat ng papuri ay totoo, maaaring ginagamit lamang ito
upang maisahan o malamangan ka.
Maraming Salamat sa Inyong Pakikinig…

Sinuri at iniulat ni:


MARISSA M. PASCASIO

You might also like