Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Pagsulat ng

Talata
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
Nakasusulat ng talatang:
-binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga
pangungusap;
-nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan,
-nagpapakita ng simula, gitna, wakas.
PANUTO: Basahin at unawain ang
bawat aytem. Isulat ang letra ng tamang
sagot.
1. Ang maikling kathang binubuo ng mga
pangugusap na magkakaugnay, may balangkas,
may layunin at may pag-unlad ang kaisipang
nakasaad sa pinakapaksang pangungusap na
maaaring lantad o di-lantad.
A. Paksa B. Idyoma
C. Tayutay D. Talata
2. Ang makapaghatid ng isang ganap na kaisipan sa
tulong ng mga pangungusap ay tumutukoy sa
_____.
A. Layunin ng Talata C. Talatang Panggitna
B. Talatang Panimula D. Talatang Pabuo
3. Ito tumutukoy sa unahan ng isang komposisyon,
nakasaad dito ang paksa.
A. Layunin ng Talata C. Talatang Panggitna
B. Talatang Panimula D. Talatang Pabuod
4. Ito tumutukoy sa pagpapaunlad o pagpapalawak
ng pangunahing paksa.
Binubuo rin ito ng mga sumusuportang ideya sa
paksa.
A. Layunin ng Talata C. Talatang Panggitna
B. Talatang Panimula D. Talatang Pabuod
5. Ito tumutukoy sa pagwawakas ng komposisyon,
nakasaad dito ang
mahahalagang kaisipang nabanggit sa gitnang
talata.
A. Layunin ng Talata C. Talatang Panggitna
B. Talatang Panimula D. Talatang Pabuod
Pagbasa ng
buod ng Epiko
1. D
2. A
3. B
4. C
5. D
Talata
-maikling kathang binubuo ng mga
pangugusap na magkakaugnay, may
balangkas, may layunin at may pag-unlad
ang kaisipang nakasaad sa pinakapaksang
pangungusap na maaaring lantad o di-
lantad.
Ang layunin nito ay makapaghatid ng isang
ganap na kaisipan sa tulong ng mga
pangungusap. Kailangan ito ay may isang
paksang diwa, buong diwa, may kaisahan,
maayos ang pagkakalahad at may tamang
pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga
kaisipan.
Bahagi ng Talata
A. Talatang Panimula
–ito ay matatagpuan sa unahan ng
isang komposisyon at nakasaad dito
ang paksa.
B. Talatang Gitna
-ito ay matatagpuan sa gitnang bahagi kung
saan kinakailangang tumutukoy sa
pagpapaunlad o pagpapalawak ng
pangunahing paksa. Binubuo rin ito ng mga
sumusuportang ideya sa paksa.
C. Talatang Pabuod
-ito ay matatagpuan sa pagwawakas ng
komposisyon, nakasaad dito ang
mahahalagang kaisipang nabanggit sa
gitnang talata at ito ay minsan ginagamit
upang bigyang-linaw ang kabuuan ng
komposisyon.
Tandaan
Ang talata ay binubuo rin ng lipon ng mga
pangungusap na may magkakaugnay na kaisipan at
ideya. Ang pagbibigay impormasyon, pagbabahagi ng
saloobin o pananaw ay salik din upang makabuo ng
isang mabuting talata. Sa bahaging ito nais kong
malaman ang iyong ideya mula sa komikstrip.
Panuto : Basahin at unawain ang komik
istrip. Mula rito ay bumuo ng maikling talata
na may simula, gitna at wakas.
__________________________
Pamagat
Talata:
____________________________________
____________________________________
________________________________
Pamantayan sa Pagbuo ng Talata
A. Magkakaugnay na Pangungusap------------------5 puntos
B. Pagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan--5 puntos
C. Paghahambing ng mga akda-----------------------5 puntos
D. Hikayat sa Madla------------------------------------5 puntos
Kabuoan---------------------20 puntos

You might also like