Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 50

MAGANDANG

UMAGA!
Balik Aral
Sino ang
pinaninibughuan ni
Florante?
Ano ang hiling ni
Florante sa
Diyos?
Ano ang nanaig na
damdamin ni
Florante?
Ang Nakaraan

Tatanggapin ni Florante ang mga


pagdurusa ngunit huwag lamang siyang
kalimutan ni Laura. Ang mga alaala
lamang nito ang tanging ligaya niya.
Sa kabila nito naroon pa rin kay
Florante ang pag-iisip na si Laura
ay nasa piling ni Konde Adolfo.
Sa alaalang ito nanaisin pa raw
niya ang kamatayan.
Ang kanyang paghihinagpis
at pagluha ay halos pumuno
sa katahimikan ng gubat.
Ano sa tingin mo?
Aralin 4
Halina, Laura
Ko
Awit ng Pag-
alala
Naalala niyo ba ang mga
magagandang ala-ala sa inyong
buhay kasama ang mahal sa
buhay?
Panuto:
Ibigay ang mga kasingkahulugan ng
mga salitang may salungguhit. Piliin
at isulat ang salitang may salungguhit
at ang inyong kasagutan.
 
1.Inihanda niya ang mga kagamitan para sa
pakikihamok.
A.Pakikipagtalo C. Pangangatwiran
B.Pakikipaglaban D. Pakikipagsapalaran
 
2. Tumahimik si Roy sa isang sulok
sapagkat nag-aapuhap siya ng kasagutan.
A.Nagtatanong C. Kumakapanayam
B.Nagsasaliksik D. Naglilihim
3. Hindi ka niya maunawaan sapagkat di
niya malimi ang iyong kasagutan.
A.Marinig C. Maabot
B.Malaman D. Masabi
 
4. Ikuwento mo na sa kanya lahat.
Hindi siya tutugot hangga’t di
malaman ang katotohanan.
A.Titigil C. Uurong
B.Hihinto D. Susulong
5. Hindi siya makangiti sapagkat
puno siya ng hapis.
A.Tuwa C. Lungkot
B.Ligaya D. Kaba
 
Mga Sagot
 
1.Pakikipaglaban
2.Nagsasaliksik
3.Marinig
4.Titigil
5.Lungkot
Karagdagang Kaalaman sa araling ito.
 
Plumahe---- panulat
Burok------- Pamula-mula
Gabay na Tanong
1.Ano ang bagay na di- akalaing magagawa
raw ni Laura kay Florante?
2.Paano tinitiyak ni Laura na hindi marumihan
ang damit ni Florante?
3.Paano masasabing may pagmamalasakit sa
Laura sa kasintahan?
4. Kung ikaw si Florante, paano mo
kakaharapin nag pagkawalay sa piling ng mga
mahal sa buhay?
5. Ano ang nais ni Florante kay Laura sa oras
na iyon ng kanyang paghihinagpis?
Halina, Laura
Ko
41. “ Katiwala ako’t ang iyong kariktan,
Kapilas ng langit anak’y matibay,
Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam
Na nag paglililo’y nasa kagandahan

42. “Di ko akalaing iyong sasayangin


Maraming luha mong iginugol sa akin,
Taguring madalas na ako ang giliw,
Mukha ko ang lunas sa madling hilahil.
43. “Di kung ako po ay utusag manggubat
Ng hari mong ama sa alin mang s’yudad,
Kung ginagawa mo ang aking sagisag,
Dalawa mong mata’y nanalong ng perlas.

44. “Ang aking plumahe kung itinahi


Ng parang korales na iyong daliri,
Buntung-hininga mo’y nakikiugali
Sa kilos ng gintong ipinananahi.
45. “Makailan, LAURANG sa aki’y iabot,
Basa pa ng luha bandang isuusot,
Ibinibigay mo ay naghihimutok,
Takot masugatan sa pakikihamok!

46. “Baluti’t koleto’y di mo papayagang


Madampi’t malapat sa kainh katawan
Kundi tingnan muna’t baka may kalawang
Ay nanganganib kang damit ko’y marumihan.
47. “Sinisiyasat mo ang tibay at kintab,
Na kung sayaran man ng taga’y dumulas,
At kung malayo na’y iyong minamalas
Sa gitna ng hukbo’y makilala agad.

48. “Pahihiyasan mo aking turbante


Ng Perlas, topasyo’t maningning na rubi,
Bukod ang magalaw na batong d’yamante,
Puno ng ngalan mong isnag letrang L.
49. “Hanggang ako’y wala’t nakikipaghamok,
Nag-aapuhap ka ng pang-aliw-loob,
Manalo man ako’y kung bagong nanasok,
Nakikita mo na’y may dala pang takot.

50. “Buong panagnib mo’y baka nagkasugat,


Di maniniwala kung di masiyasat,
At kung magkagurlis nang munti sa balat
Hinuhugasan mo ng luhang nanatak.
51. “ Kung ako’y mayroong kahapisang munti,
Tatanungin mo na kung ano ang sanhi
Hanggang di maligning ay idinarampi
Sa mukha ko ang rubi mong labi.

52. “ Hindi ka tutugot kung di matalastas,


Kakapitan mo nnag mabigla ang lunas,
Dadalhin sa hardi’t doon ihahanap
Ng ikaaaliw sa mga bulaklak.
53. “Iyong pipitasin ang lalong marikit,
Dini sa liig ko’y kusang isasabit;
Tuhog ng bulaklak ay sadyang salit-salit,
Pag-uupandin mong lumbay ko’y mapaknit.

54. “At kung ang hapis ko’y hindi masawata,


Sa pilikmata mo’y dadaloy ang luha,
Napasan ngayon ang gayong aruga,
Sa dala kong sakit ay di iapula?
55. “ halina, LAURA ko’t aking kailanagn
Ngayon, ang lingap mo nang naunang araw
Ngayon hinihingi ang iyong pagdamay,
Ang abang pagsinta mo’y nasa kamatayan.

56. “At ngayong malaki ang aking dalita,


Ay di humahanap ng maraming luha
Sukat ang kapatak na makaapula,
Kung sa may pagsintang puso mo’y magmula.
57. “Katawan ko ngayo’y siyasatin, ibig
Tingni ang sugat kong di gawa ng kilas,
Hugasan ang dugong nanalong sa gitgit
Sa kamay ko, paa’t natataling liig.

58. “Halina, irog ko’t ang damit ko’y tingnan,


Ang hindi mo ibig dapyuhang kalawang,
Kalagin ang lubid at iyong bihisan,
Matinding dusa ko’y nang gumaan-gaan.
59. “Ang mga mata mo Y IYONG ITITIG,
Dini sa nayo kong sakdalan ng sakit,
Upang di mapigil ang takbong mabilis
Niring abang buhay ay ikapapatid.

60. “ Wala na, LAURA’t ikaw na nga lamang


Ang makalulunas niring kahirapan;
Damhin ng kamay mo ang aking katawan
At bangkay man ako’y muling mabubuhay!
61. “ Nguni’t sa aba ko! Ay sa laking hirap!
Wala si LAURA’Y aking tinatawag!
Napalayu-layo’t di na lumiliyag,
Ipinagkanulo ang sinta kong tapat.

62. “ Sa ibang kandungan’y ipinagbiyaya


Ang pusong akin na, at ako’y dinaya
Buong pag-ibig ko’y ipinanganyaya,
Nilimot ang sinta’t sinayang ang luha.
63. “ Alin pa ang hirap na di nasa akin?
May kamatayn pang di ko daramdamin?
Ulila sa ama’t inang nag-aangkin,
Walang kaibiga’t nilimot ng giliw.

64. “ Dusa sa puri kong kusang siniphayo,


Palasong may lasong natirik sa puso;
Habag sa ama ko’y tunod na tumino
Ako’y sinusunog niring panibugho
65. “ Ito’y siyang una sa lahat ng hirap,
Pagdaya ni LAURA ang kumakamandag
Dini s abuhay ko’y siyang nagsasadlak
Sa libingang laan ng masamang palad.

66. “O, KONDE ADOLFO’Y inilapat mo man,


Sa akin ang hirap ng sansinukuban,
Ang kabangisan mo’y pasasalamatan,
Ang puso ni LAURA’Y kung hindi inagaw!
67. Dito naghimutoknang kasindak-sindak
Na umaalingawngaw sa loob ng gubat,
Tingay ang diwa’t karamdamang hawak
Ng bunting-hininga’t luhang lumagaslas.

68. Sa puno ng kahoy ay napayukayok


Ang liig ay supil ng lubid na gapos
Bangkay na mistula’t ang ulay na burok
Ang kanyang mukha’y naging puting lubos.
1.Ano ang bagay na di- akalaing
magagawa raw ni Laura kay
Florante?
Ang bagay na di- akalaing
magagawa ni Laura kay
Florante ay ang pandadaya o
pagtataksil.
 
2. Paano tinitiyak ni Laura
na hindi marumihan ang
damit ni Florante?
Tinitiyak ni Laura na hindi marumihan
ang damit ni Florante ay sa
pamamagitan ng pagtingin kung may
kalawang bago isuot. Sinisiyasat niya
itong mabuti ang tibay at kintab.
3. Paano masasabing may
pagmamalasakit si Laura
sa kasintahan?
Maraming paraan kung paano masasabing
may pagmamalasakit si Laura sa kanyang
kasintahan na si Florante. Sa pamamagitan
ng simpleng pagtingin kung may kalawang
sa damit, natatakot siyang baka masugatan
si Florante sa pakikihamok, papahiyasan
ang mga kagamitan ni Florante.
Inaaliw ang kasintahan kung may
kalungkutang nadarama at hindi
siya titigil upang malaman ang
sanhi ng kalungkutan. Tunay
siyang mapag-alaga sa taong
minamahal.
4. Kung ikaw si Florante,
paano mo kakaharapin ang
pagkawalay sa piling ng mga
mahal sa buhay?
5. Ano ang nais ni Florante
kay Laura sa oras na iyon ng
kanyang paghihinagpis?
Magsulat ng isang tula
tungkol sa paksang “
Mga Ala-ala nating
Nagdaan”.
Pamantayan 
Kahusayan- 30%
Orihinalidad-20%
Kaaayusan - 30%
Nilalaman - 20%
Total: 100%
KASUNDUAN
Basahin ang Aralin 5 saknong
69-83 ng Florante at Laura.
 
PAALAM!

You might also like