Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Ano ang Alamat?

Ang alamat o legend at folklore sa wikang Ingles ay


isang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Kung
minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa
tunay na mga tao at pook. Tumatalakay din ito sa mga
katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran.
Mga Elemento ng
Alamat
1. Tauhan

Ito ang mga nagsiganap sa kwento at

kung ano ang papel na ginagampanan ng

bawat isa.
2. Tagpuan
Inilalarawan dito ang lugar na

pinangyarihan ng mga aksyon at insidente,

gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.


3. Saglit na Kasiglahan

Ito ay naglalahad ng panandaliang

pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot

sa suliranin.
4. Tunggalian
Ito naman ang bahaging nagsasaad sa

pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng

pangunahing tauhan laban sa mga suliraning

kakaharapin.
5. Kasukdulan
Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan

maaaring makamtan ng pangunahing tauhan

ang katuparan o kasawian ng kanyang

ipinaglalaban.
6. Kakalasan
Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-

unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa

maigting na pangyayari sa kasukdulan.


7. Katapusan
Ito ang bahaging maglalahad ng magiging

resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o

malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.


Mga Bahagi ng
Alamat
1. Simula
Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento.

Sinu-sino ang mga gumaganap sa kwento at ano ang papel na

kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at

panahon ng pinangyayarihan ng insidente ay inilalarawan

din sa simula.
2. Gitna
Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan,

tunggalian at kasukdulan ng kwento. Ang saglit na

kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo

ng mga tauhan.
Ang tunggalian ay nagsasaad ng pakikipagtunggali o

pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang ang

kasukdulan ay ang bahaging nagsasabi kung

nagtagumpay o hindi ang tauhan.


3. Wakas

Kabilang naman sa wakas ang

kakalasan at katapusan ng kwento.

You might also like