Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Salitang

Magkakaugnay
Rizza A. Soriano
Applicant
Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
1. Makatutukoy ng mga salitang magkakaugnay
(F6PT-IVb-j-14)
2. Nakapapangkat ng mga salitang magkakaugnay
batay sa paksa at;
3. Makabubuo ng mga salitang magkakaugnay:
Pagpapangkat-pangkat at Pagsisingkahulugan
Panimulang Gawain
• Panalangin
• Pagbati
• Pagtatala ng lumiban sa klase
Balik-Aral

• Anu-Ano ang mga bahagi


ng salita na ating ginagamit
sa pakikipag-usap,
paggawa ng patalastas at
ulat?
Pagganyak

• Panuto: Pangkatin ang mga salitang


nasa loob ng ulap na magkakaugnay
sa bawat kolum sa tsart
• Tandaan: May mga salita na hindi
nabibilang sa kahit na anong kolum.
Piliing mabuti ang iyong mga sagot.
Pagganyak
Mga Uri ng Mga Uri ng Mga Gamit sa
Prutas na may hayop na may Kusina
mga buto Apat na Paa
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.
Pagpapakilala ng bagong aralin

• “Ikaw at Ako” sa aktibidad na ito


ang mga mag-aaral ay tatayo
upang hanapin ang kakulay ng
papel na kanilang hawak upang
mabuo ang mga salitang may
kaugnayan sa aralin sa araw na
ito
Pagtatalakay
• Ano ang inyong napansin sa
mga unang pangkat ng salita
na ating nabuo?
• Ano naman ang inyong
napansin sa pangalawang
grupo ng mga salita?
Pagtatalakay
Napalalawak ng talasalitaan ang
kasanayan sa pagtukoy sa salitang
magkakaugnay, magkakaparehas o
magkakapangkat.
Ang mga sumusunod ay
makatutulong upang ikaw, na isang
mahusay na mag-aaral ay matuto
tungkol sa Pag-uugnay ng mga Salita:
Pagtatalakay
* Pagpapangkat-pangkat
Ito’y pagtatala ng mga salitang magkakapangkat
sa ilalim ng isang punong salita o paksa. Dapat
pag-aralan ang tiyak na kahulugan ng mga salita
sa tulong ng isang diksyunaryo at pagtatanong
sa marurunong.
Mga halimbawa:
• Kulay- puti, pula, itim, bughaw, rosas, atbp.
• Bansa- Pilipinas, Indonesia, Malaysia,
Thailand, atbp.
Pagtatalakay
Pagsisingkahulugan
Ito’y pagtatala ng mga salita na
magkatulad ang kahulugan.
Mga halimbawa:
nabuwag, nasira, nawasak, nagiba,
gumuho mahirap, maralita, dukha,
salat, hikahos maganda, marilag,
marikit, maalindog
Paglalahat
Batay sa ating natalakay
• Ano ang ibig sabihin ng salitang magkaugnay?
• Ano ang dalawang paraan upang mapalawak
natin an gating kaalaman sa pag-uugnay ng
mga salita?
• Ano ang ibig sabihin ng pagpapangkat-
pangkat?
• Ano naman ang ibig sabihin ng
pagsisingkahulugan?
Paglalapat
Pangkatang Gawain
Ang Klase ay hahatiin sa dalawang pangkat
Pangkat I: Magtala ng limang (5) salitang iisa
ang ibig sabihin o parehas ang kahulugan
Pangkat II: Magtala ng tatlong(3) salitang nasa
ilalim ng punong salitang;
Mga Pagdiriwang:
Mga Trabaho:
Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang salitang hindi dapat mapasama
sa pangkat sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno.
1. masaya, maligaya, galak na galak, nag-uumapaw
na kasiyahan, nagdaramdam
2. doktor, pulis, guro, nars, klinika
3. petsay, santol, repolyo, ampalaya, kangkong
4. sagabal, hadlang, sagwil, kaakit-akit, balakid
5. kamay, ulo, kuko, taenga, mabait, buhok
Karagdagang Gawain
• Panuto A: Hanapin sa Hanay B
ang nararapat na bagay para sa
mga manggagawa na nasa
Hanay A. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa kuwaderno.
Hanay A Hanay B
1. Mangingisda a. pang-araro
2. Karpintero b. sabon
3. Barbero c. pisara
4. Mananahi d. tubo
5. Magsasaka e. lambat
6. Drayber f. sandok
7. Kusinero/Kusinera g. martilyo
8. Guro h. sasakyan
9. Labandero/Labandera i. gunting
10. Tubero j. sinulid
 
Takdang Aralin
Sumulat ng limang halimbawa ng
mg salitang magkakapangkat
halimbawa: Mga Bayan sa
Pangasinan: Basista, San Carlos , at
sumulat din ng limang salita na iisa
ang ibig sabihin halimbawa:
marahan-mabagal

You might also like