EKSPRESYON Ito ay mga ekspresyong may malalim na kahulugan at naglalarawan nang makasagisag. Sinasalamin nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng mga Pilipino sa
paggamit ng sariling wika sa
Halimbawa papamilansikin ang kalis ng poot – maghiganti
magsunog ng kilay - mag-aral nang
mabuti mababa ang luha - iyakin
ilista sa tubig - kalimutan na
Tayutay Ito ay salita o pahayag na ginagamit upang bigyang- diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o ‘di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang-diin ang saloobing ipinahahayag. Pagtutulad (Simile) Ito ay paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari, atbp. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng, atbp. Pagwawangis (Metaphor) Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi ito gumagamit ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng, atbp. Pagtatao (Personification) Ito ay pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa mga bagay.