Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pagpapahalaga sa

Bayan: Kailangan para


sa Kaunlaran
Mga Gawain ng Pagpapahalaga ng Mamamayan sa Pagtataguyod ng Pambansang Kaunlaran

PAGIGING PRODUKTIBO.
PAGLINANG NG SARILING
Maging malikhain at maabilidad upang matustusan ang sariling
KATALINUHAN AT KAKAYAHAN.
pangangailangan at makatulong sa iba. Hindi kailangang humingi palagi
Makabubuting linangin ng bawat isa ang
ng awa, mamalimos, o umasa sa iba upang makamit ang kasaganahan.
sariling galing at talento hindi lamang
Kung ang bawat isa ay marunong humanap ng sariling pagkakakitaan,
para sa sarili kundi para sa bayan.
magiging madali ang pag-unlad ng bayan.

PAGMAMAHAL SA BANSA AT KAPWA


PILIPINO.
PAGTULONG SA PAGTIGIL NG KATIWALIAN AT MALING
Ang pagtutulungan ay susi sa kaunlaran. Kung ang
GAWAIN SA PAMAHALAAN.
bawat Pilipino ay susuporta sa isa’t isa at hindi
Pinamamahalaan at pinamumunuan ng mga kabilang sa
maglalamangan, magiging masagana ang ating
pamahalaan ang kabang bayan, polisiya, at iba pang mga
bayan. Isa sa pinakakonkretong halimbawa nito
batayang serbisyo para sa bayan. Marapat lamang na tiyaking
ang pagtangkilik sa mga produktong Pilipino.
tapat at mahusay ang ating mga pinuno nang sa gayon ay
Liban sa malaki ang maitutulong nito sa pagbawas
magiging maayos ang takbo ng ating lipunan.
sa kahirapan, nakapagbibigay-kita at trabaho pa ito
para sa ating mga kababayan.
Sa makatuwid kapag sinabi nating kagalingang pansibiko, ito ay tumutukoy sa “mabuting kapakanan
ng mamamayan”, sa tulong ng mga sibilyan o “mamamayan”, komunidad at pamahalaan. Ito ay
binubuo ng dalawang mahalagang salita:
1. “Kagalingan” – o “welfare” sa salitang Ingles na ang ibig sabihin ay kapakanan
2. “Sibiko” – mula sa salitang Latin na nangangahulugang mamamayan

Bilang isang mamamayang Pilipino, tungkulin nating pahalagahan ang mga kagalingang pansibiko.
Narito ang mga salik upang makamit natin ito:
3. Pagkilala sa sarili
4. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
5. Pagtanggap at pag-unawa sa kapwa
6. Pagtulong sa komunidad
7. Paggawa ng Mabuti
8. Pagtulong sa kapwa
9. Pagsunod sa mga batas
10. Pagtanggap ng responsabilidad
11. Pakikilahok sa pagboto
Bakit mahalaga ang kagalingang pansibiko?
Ang kagalingang pansibiko ay ang mga gawaing lubhang makapagbibigay ng positibong epekto sa
isang bansa at makapagpapaayos ng takbo ng lipunan. Bilang isang mamamayang Pilipino mayroon
din tayong responsibilidad na gumawa ng mga hakbang upang mapaunlad ang ating bansa.
Ilan sa mga gawaing ito ay ang
pagtatanim ng mga puno para sa
patuloy na pagyabong ng ating mga
likas na yaman. Isa ring malaking
gawaing pansibiko ang pagkakaroon ng
mga clean-up drive sa iba’t ibang bahagi
ng bansa.
Makatutulong din ang pagsali sa
mga organisasyong mayroong mabuting layunin para
sa bansa at mga kapuwa katulad ng mga nagsasagawa
ng medical mission, relief operations, at pagbibigay ng ayuda
sa mga kapos palad na kababayan.
Hindi matatawaran ang kahalagahan ng kagalingang pansibiko.

You might also like