Q3-Week7

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Panimulang Panalangin

Diyos na Makapangyarihan sa lahat, lumalapit po kami sa araw


na ito.
Nagpapasalamat po kami sa buhay at kalakasan na taglay
naming ngayong araw.
Humihiling po kami na maunawaan at matutunan ang aming
mga leksyon sa online class.
Gayundin, patnubayan po ninyo ang aming mga guro para
makapagturo po sila ng maayos.
Ang lahat ng ito, pakisuyong tanggapin at dinggin tangi lamang
sa pangalan ni Jesus. Amen.
Checking of Attendance
ESP 6
Ikatlong Markahan
Ikaapat na Linggo
Kalikasan ay
Pagmalasakitan,
Mga Batas Sundin at
Igalang
5
LAYUNIN:

Nakapagpapakita ng tapat na
pagsunod sa mga batas pambansa
at pandaigdigan tungkol sa
pangangalaga sa kapaligiran

6
Balik-aral:
Panuto: Sabihin ang TAMA kung ang pangungusap ay tumutukoy sa
tamang paraan ng pangangalaga ng kalikasan at MALI kung hindi
ito nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran.

TAMA
_____ 1. Patuloy na magtanim ng mga halaman at puno.
TAMA
_____ 2. Palitan ang mga punong pinuputol sa kapaligiran.
TAMA
_____ 3. Sumunod sa mga panuntunan at batas na ipinatutupad
tungkol sa pangangalaga ng kapligiran.
7
TAMA
_____ 4. Iwasan ang paggamit ng bagay na nakakapolusyon
TAMA
_____ 5. Pasabihan ang ibang tao na pangalagaan ang
kapaligiran
MALI
_____ 6. Hayaan na nakakalat ang mga basura sa kalye.
MALI
_____ 7. Huwag magtanim ng mga halama’t puno.
TAMA
_____ 8. Huwag magtapon ng basura sa ilog o sapa.
TAMA
_____ 9. Gamitin muli ang mga bagay na maari pang gamitin
kagaya ng mga plastic cellophane.
MALI
_____ 10. Gumamit ng dinamita sa pangingisda.
8
Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid
sa atin na maaaring may buhay o wala. Ito ay
kinabibilangan ng mga puno’t halaman at lahat ng iba’t
ibang uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa malaki.
Ang tao at kalikasan ay magkaugnay. Ang kalikasan ang
nagkakaloob sa tao ng kanyang pangangailangan para
mabuhay. Ang tao naman ang nangangalaga sa
kalikasan upang mapananatili ito. Kailangan ng tao ang
kalikasan. Kailangan naman ng kalikasan ang tao.
9
Kapag napangalagaan natin ang kalikasan, matitiyak
natin na hindi lamang ang mga tao sa kasalukuyan ang
makakapamuhay ng maayos kundi pati na rin ang mga
tao sa susunod pang salinlahi.
At upang maisakatuparan ang pangangalaga sa
kalikasan, an gating pamahalaan maging ang buong
mundo ay may mga ipinatutupad na batas.
Bilang mamamayan kailangan nating suportahan at
sundin ang mga batas na ginawa para sa kalikasan.
10
Mga Batas Pambansa at Pandaigdig tungkol sa
Pangangalaga sa Kalikasan

● Batas Pambansa 7638 (Department of Energy


Act of 1992)
Pagtatag ng Department of Energy (DOE)
Layunin nitong isaayos, subaybayan, at isakatuparan ang
mga plano at programa ng pamahalaan sa eksplorasyon,
pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya.
11
● RA 8749 o “Philippine Clean Air Act”
Ang Philippine Clean Air Act ay naglalayong
panatilihing malinis at ligtas ang hanging nilalanghap ng
mga mamamayan. Layon din nito na ipagbawal ang mga
gawaing nagpapadumi sa hangin.

● RA 9275 o “Philippine Clean Water Act”


Ang batas na ito ay bilang pagkilala sa kalinisan ng
tubig para sa mamayan.
12
● RA 7586 (National Integrated Protected Areas System
Act of 1992)
Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga
lugar na kinikilalang luklukan ng mga uri ng hayop at
halaman na may kaunting bilang na lamang at nanganganib
na maubos.
Ang batas na ito ay isinakatuparan bilang pagkilala sa
pangangailangang mapanatili ang balance ng ekolohiya at
kalikasan.

13
● RA 9147 Wildlife Resources Conservation and
Protection Act
Konserbasyon
RA 9147 at pagbibigay proteksyon sa mga
maiilap na hayop at ang kanilang habitats upang
mapanatili ang ecological diversity.

14
● RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act
of 2000)

Tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod –


bukod ng mga solid waste sa mga barangay.

15
Panuto: Buuin ang bawat pangungusap. Piliin ang titik
ng tamang sagot.

1 . Ang RA 9147 ay tungkol sa________.


a. Pagdedeklara ng national park
b. Konserbasyon at pagbibigay ng proteksyon sa maiilap na
hayop
c. Pagkakaroon ng regulasyon sa pangongolekta at
pangangalakal ng maiilap na hayop
d. Tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod
ng basura 16
2. Ang Philippine Clean Air ay tungkol sa ______.
a. Pagpapanatili ng malinis at ligtas na hanging
nilalanghap ng mga mamamayan at pagbabawal sa mga
gawaing nagpapadumi sa hangin.
b. Pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mamayan.
c. Pagpapanatili ng Ecological diversity.
d. Pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity
ng bansa
17
3 . Batas Pambansa 7638 at ang pagtatag ng Department of
Energy (DOE) ay naglalayong ______.
a. Mapanatili at masuportahin ang buhay at pag-unlad ng tao
b. Pagpapanatili sa natural at biological physical diversities
c. Ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin
d. Isaayos, subaybayan at isakatuparan ang mga plano at
programa ng pamahalaan sa eksplorasyon, pagpapaunlad at
konserbasyon ng enerhiya.

18
_____ 4. RA 7586 (National Integrated Protected Areas
System Act of 1992) ay tungkol sa _____
a. Batas na bilang pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa
mamamayan
b. Pagkilala sa pangangailangang mapanatili ang balanse ng
ekolohiya at kalikasan
c. Pagtatag ng Department of Energy (DOE)
d. Paglalaan ng pundo sa pananaliksik upang mapanatiliang
biological diversity.
19
_____ 5. RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of
2000) ay naglalayon para sa _______.
a. Tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod
ng mga solid waste.
b. Pagpapanatili ng malinis na hangin
c. Pagpaplano ng mga pangmatagalang pamamaraan upang
epektibong mawaksi ang mga sanhi ng maduming hangin
d. Pagsasakatuparan ng mga plano at programa ng
pamahalaan sa eksplorasyon, pagpapaunlad at konserbasyon
ng enerhiya. 20
6. Sa mga bundok, dapat tayong ______________
a. Magtanim ng mga puno
b. Magkaingin, magtagpas at magsunog
c. Manghuli ng mga nanganganib na hayop
d. Magtatag ng maliit na kompanya ng logging

7. Upang maiwasan ang red tide, dapat _______


a. Linisin ang mga barko
b. Linising mabuti ang isda bago iluto.
c. Panatilihin ang kalinisan ng katubigan.
d. Isulong ang pagtatayo ng mga21 beach resort.
8 . Maraming kompanya ng konstruksiyon ang
kumukuha ng maraming bato at buhangin mula sa mga
bundok. Ang masamag epekto nito ay ________
a. Pagguho ng lupa
b. Pagyaman ng bansa
c. Pagbaha at lindol
d. Pagkatuyo ng mga bukal

22
9. Upang mas maraming mahulin at kitain ang mga
mangingisda, dapat nating pagsikapang mabuti na
_________.
a. Bigyan sila ng ibang trabaho
b. Tulungan silang mangisda buong araw.
c. Sabihan sila kung paano mangisda gamit ang dinamita
d. Tumulong sa pangangalaga ng karagatan upang
dumami ang mga isda.
23
10. Iminungkahi ng nanay mo na bumili ka ng korals para sa iyong
aquarium. Narinig niya na mayroong tindahan sa palengke na
nagbebenta ng korals sa mababang halaga. Ngunit nalaman mo sa
klase na hindi dapat kinukuha sa dagat ang korals dahil dito tumitira
ang kawan ng mga isda. Dapat sabihin mo sa nanay mo na
_________
a. Siya na lang ang bumili
b. Hindi dapat kunin sa dagat ang korals
c. Binalaan ka ng iyong guro tungkol sa maling gamit ng korals
d. Dapat siyang bumili nang marami upang ibenta sa iba ng

mas mataas na halaga 24


Susi sa Pagwawasto

1. b 7. c
2. a 8. a
3. d 9. d
4. b 10. b
5. a
6. a 25

You might also like