Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Interaksiyonal,

Personal, at
Imahinatibong
Tungkulin ng Wika
POTENSIYAL SA PAGPAPAKAHULUGAN
Ayon kay Halliday (1973), ang pagkatuto
ng wika ay pagkatuto kung paano bumuo ng
KAHULUGAN.
 Ang wika ay isang set ng tiyak at
magkakaugnay na sistema ng mga
semantikong pagpipilian na mauunawaan
sa pamamagitan ng pananalita.
“Kung gayon, hindi maihihiwalay ang
kultura at lipunan sa pagpapakahulugan ng
mga pahayag.”
Ang wika ay MODA ng pag-uugali
at hindi isang purong elementong
panggramatika. May panlipunang
papel na ginagampanan ang wika
upang maglinaw ng kahulugan
batay sa mga aktuwal na
sitwasyon at natural na tungkulin
nito upang tumugon sa
panlipunang konteksto.
INTERAKSIYONAL
 Ang wika ay may panlipunang gampanin na
pag-ugnayin ang isang tao at ang kaniyang
kapuwa sa paligid.
 Mabisang matatamo ang mahusay na
interaksiyon sa paggamit ng kilos, tuon ng
mata, at pagwiwika ng katawan (mga
muwestra o galaw ng kamay, pagkiling-
kiling ng ulo)
 Ekspresyon, tono at intonasyon na
nagpapahiwatig ng interes sa pakikipag-
usap.
PERSONAL
 Gampanin nito na palakasin ang
personalidad at pagkakakilanlan ng
isang indibwal
 Ginagamit ng isang tao ang wikang
personal upang ipahayag ang
kaniyang mga personal na
preperensiya, saloobin at
pagkakakilanlan.
IMAHINATIBONG
 Ipahayag ang imahinasyon at haraya,
maging mapaglaro sa gamit ng mga salita,
lumikha ng bagong kapaligiran o bagong
daigdig.
HALIMBAWA:
PICK-UP LINES
“Password ka ba?”- “Di kasi kita
makalimutan”
“Papupulis kita”- “Ninakaw mo kasi ang puso
ko.”
Lagyan ng angkop na diyalogo o
pahayag ang tatlong speech
bubbles na nagpapakita ng
tatlong tungkulin ng wikang
tinatalakay: Interaksyunal,
personal, imahinatibo.
PAGSUSURI SA WIKA NG INDIE FILM.
Suriin ito sa isang partikular na panlipunang
konteksto. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa
gamit ng wika sa isang indie film, mahalagang
tukuyin at tayain sa pagsusuri ang mga aspektong
nakatuon sa uri ng wikang ginagamit, layunin sa
paggamit, mga tungkulin ng wika (pokus sa
interaksiyonal, personal, at imahinatibo), at bisa
sa paglikha ng panlipunang ugnayan at
pagtupad sa tunguhin ng midyum.
700-1000 na salit, guamagamit ng font na
Arial 12 at double spacing. Ilagay sa
maikling bondpaper ang isusulat na
pagsusuri. Kailangang taglayin sa
sulatin ang mga nabanggit na aspekto
ng pagsusuti (uri ng wika, layunin,
tungkulin ng wika, at bisa ng midyum).
Panukatan Deskripsyon Iskor

Nilalaman

Paraan ng Pagsulat

Epektibong gamit ng
Wika
Paraan ng Pagsulat

Pormat

Kabuuan

You might also like