Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

PAGTUTUKOY NG

PAKSA O TEMA NG
TEKSTO, KWENTO O
SANAYSAY
Ikatlong Markahan
Modyul 2
BALIK- ARAL

Panuto: : Kumpletuhin ang pangungusap. Piliin ang


inyong sagot sa mga salita na nasa kahon.
opinyon damdamin palagay
Reaksiyon ang tawag kapag tumutukoy sa
_______________ ng tao bilang tugon niya sa isyu at
______________ naman ang tawag kung ito ay
tumutukoy sa sariling ____________, pananaw o
saloobin ng tao tungkol sa isyu o pangyayari.
PAG-AALIS NG BALAKID

Panuto: Ayusin ang mga letra para makabuo ng salita na may kinalaman sa
leksyon.

1. S A P A K PAKSA
2. I Y A D E IDEYA
3. PA N I S I K A KAISIPAN
4. H I N G N G U PA N A
PANGUNAHING
PAGGANYAK:

Ano ba ang ibig sabihin ng bawat salita?

1. PAKSA
2. IDEYA
3. KAISIPAN
4. PANGUNAHING
PAGLALAHAD:

Sa panahon ngayon, ang mobile


games ay isang laro na kinagigiliwan ng
maraming kabataan. Ang ilan sa kanila
ay nalulong na sa larong ito na nagdulot
ng kapabayaan sa kanilang pag-aaral at
kalusugan.
PAGTATALAKAY

1.Ano ang paksa ng iyong


binasang seleksiyon?
2.Ano ang isyu ukol dito?
PAGTATALAKAY

*Paksa ay bahagi ng pangungusap o


talata na pinag-uusapan o
pinagtutuunan ng pansin.
*Ang paksa ay pangkalahatang tema o
mensahe. Ito ay tinatawag na subject.
PAGTATALAKAY

*Upang makilala ang unang paksa, kailangang


makuha muna ang pangunahing ideya ng teksto.
*Ang pagbuo ng isang simpleng tanong na
“Tungkol saan ito?” ay isang estratehiya sa
pagkilala ng paksa.
*Ipagpatuloy ang pagtatanong sa sarili habang
binabasa ang teksto upang maging malinaw ang
sagot sa binuong tanong.
PAGLALAPAT:

Gawain 1:
Panuto: Basahin at tukuyin
ang paksa ng kwento. Isulat
ang titik ng tamang sagot.
PAGLALAPAT:

1. Si Mike ay gustong tumira sa isang


tahimik, malinis at preskong lugar kung saan
maaari rin siyang makapagtanim ng mga
prutas at gulay. Simple lamang ang buhay sa
bukid na puno ng kasiyahan at
pagmamahalan.
A. Sa Bukid C. Sa Bahay
B. Sa Siyudad D. Si Mike
PAGLALAPAT:

2. Ang Sepak Takraw ay isang laro na binubuo ng


dalawang koponang magkatunggali. Ang bawat koponan ay
binubuo ng tatlong manlalaro. May sariling posisyon ang
bawat manlalaro upang makagawa ng puntos, kailangang
mapabagsak ang bola sa lapag ng kabilang panig.
Labinlimang puntos lamang ang kailangan para manalo.
A. Sepak Takraw C. Manlalaro
B. Laro D. Koponan
PAGLALAPAT:

3. Ang ating mga ninuno ay may mataas na antas ng


kabihasnan sa sining.
Marunong silang magpinta. Nilalagyan nila ng tattoo ang
iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan. Marunong din
silang umukit ng mga estatwa sa kahoy, maghulma ng putik,
bato at ginto.
A. Pagpipinta
B. Ang ating mga ninuno
C. Kabihasnan sa sining
D. Tattoo
PAGLALAPAT:

4. Si Monico Florentino ay editor ng pahayagang


pampaaralan ng Paaralang Elementarya ng Bagong Ilog.
Siya ang naatasang kumapanayam kay Rodel Hernandez,
ang kampeon na manlalaro ng Sepak Takraw. Bago
kinapanayam ni Monico si Rodel binati muna niya ito dahil
sa pagkapanalo sa larong Sepak Takraw.
A. Paaralang Elementarya ng Bagong Ilog
B. Rodel Hernandez
C. Sepak Takraw
D. Monico Florentino
PAGLALAPAT:

5. Tekong at Apit Kiri ang tawag sa mga manlalaro ng Sepak


Takraw.Tekong ang tawag sa manlalarong nagseserbisyo ng
bola. Kapag nasa kabilang panig ng court ang manlalarong
tagahagis ng bola ang tawag sa kanila ay Apit Kiri .Kapag
ang kanang paa ang ginamit ng Tekong sa pagseserbisyo,
Apit Kiri naman sa kanang panig ang tawag sa tagahagis ng
bola.
A. Manlalaro C. Sepak takraw
B. Tekong at Apit Kiri D. Tekong
PAGLALAPAT:

Gawain 2: Basahing mabuti ang talata. Ibigay ang paksa nito.

Ang wastong nutrisyon ay ang pagkain ng sapat at


tamang uri ng pagkain para sa katawan upang lumaking
malusog at makalaban sa sakit.
Dito sa Pilipinas, karamihan sa mga tao ay kumakain ng
pangunahing pagkain sa murang halaga ngunit ito ay
masustansiya. Depende sa rehiyon, ito ay maaaring kanin,
mais kamoteng kahoy o patatas. Ito ang mga pangunahing
pagkain na kadalasang kailangan ng katawan sa araw-araw.
PAGLALAHAT:

Panuto: Kumpletuhin ang diwa ng pangungusap sa pamamagitan


ng pagsasaayos ng mga letra.

Nalalaman ko na sa pagtukoy sa ________


(S A K A P) mahalagang malaman ang
_______________________
(H I N G N A P A N G U) ______________
(I S I P K A A N) na nakapaloob sa kwento,
seleksiyon o usapan.
PAGTATAYA:

Panuto: Basahin at unawaing


mabuti ang kwento o sanaysay.
Tukuyin ang paksa at sulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang na
makikita sa bawat bilang
PAGTATAYA:

1.) Si Jandee ay palaging kumakain ng mga


masustansiyang pagkain tulad ng prutas at gulay.
Araw-araw siya ay umiinom ng gatas at madalas
din siyang nag-ehersisyo kaya siya ay malusog.
A. Ang Batang Mataba
B. Ang Batang Malusog
C. Ang Batang Matamlay
D. Ang Batang Maganda
PAGTATAYA:

2.) Ang ating mga likas na yaman ay


bigay sa atin ng ating Maykapal. Dapat
natin itong alagaan at ingatan para sa
ating kinabukasan.
A. kayamanan C. likas na yaman
B. kalusugan D. kahirapan
PAGTATAYA:

3.) Ang ating ina ay sinasabing ilaw ng tahanan. Siya ang


nag-aaruga at nagbabantay sa atin mula pagsilang hanggang
sa ating paglaki. Malaki ang naging kaugnayan niya sa atin.
Siya ang humuhubog sa ating pagkatao upang lumaking
isang mabuting bata. Sinisikap niyang ibigay ang lahat ng
ating pangangailangan.
A. Ilaw ng tahanan
B. Mabuting bata
C. Si Inay
D. Nag- aaruga at nagbabantay
PAGTATAYA:

4.) Ang Coronavirus Disease (COVID -19) ay isang


nakahahawang sakit na dulot ng nakamamatay na virus.
Karamihan sa mga taong may covid virus ay magkakaroon
ng impeksiyon at makararanas sila ng mga sintomas at
gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang
sintomas lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang
karamdaman.
A. Coronavirus disease (COVID -19)
B. Malubhang sakit
C. Malalang sintomas
D. Impeksiyon
PAGTATAYA:

5.) Isang malaking bahay na nasa gitna ng maluwang


na bakuran. bagama’t may kalumaan, kakikitaan pa
rin ng tibay at tatag. Naglalakihang punungkahoy ang
nasa paligid nito. Ang rehas na bakal ng tarangkahan
ay kinalawang na sa tagal ng panahong nakasara. Ang
mga bintana ay nananatiling nakapinid.
A. malaking bahay C. punong kahoy
B. tibay ay tatag D. rehas
TAKDANG – ARALIN/ KASUNDUAN:

Panuto:
Basahin at unawain. Tukuyin at bilugan ang paksa ng
kwento. Pagkatapos ay magbigay ng opinyon sa
sinalungguhitang bahagi. (5 pts.)

Ang paru-paro ay isang uri ng insekto at napakagandang


tingnan na nagliliparan sa aming hardin. Dapat nating
alagaan at ingatan ang paruparo.

You might also like