WIKA ARALIN : 1 Ano ba ang wika? Maari mong isagot na ang wika ang ginagamit natin kung may nais tayong hingin o nais nating lambingin ang magulang.
Ito rin ay ginagamit kung nais nating ipahayag ang
saloobin sa kaibigan o kung sino man.
Ito rin ang ginagamit kung may kaalaman hinggil
sa nakaraan gayundin ang hinaharap.
Sa madaling salita ginagamit natin ang wika upang
magbigay o kumuha ng saloobin, ideya o impormasyon. Samakatuwid, ginagamit natin ang wika bilang instrumento sa pakikipagtalastasan. Sa tradisyunal na pagpapakahulugan, ang wika ay isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at sinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng taong nabibilang sa isang kultura. HENRY GLEASON Thomas Caryle
Ang wika ay ang
saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kaisipan. Pamela Constantino at Galileo Zafra
Ang wika ay isang kalipunan
ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama- sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. Kahalagahan ng wika Midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon
Upang malinaw at epektibong maipahayag ang
damdamin at kaisipan ng tao.
Sumasalamin sa kultura at panahong kanyang
kinabibilangan.
Mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng
kaalaman. Iba’t ibang Katangian ng Wika ANG WIKA AY TUNOG Kapag tayo ay nagsasalita, gumagamit tayo ng mga berbal na simbolo upang ipahayag ang mga kaisipan o bagay na ating tinutukoy. Ang berbal na mga simbolong ito ay ang mga tunog na bumubuo ng wika. Hal. /a:so/ /dog/ Ang mga tunog ng isang wika ay nirerepresenta ng mga letra. Sa filipino, may 20 tunog na ginagamit sa mga katutubong salita; samantalang may 28 titik naman ang alpabetong filipino. ANG WIKA AY ARBITRARYO Sa dinami-rami ng mga tunog na nabibigkas at maaring gamitin, pinili lamang ng mga tao ang ilan na gagamitin nila ayon sa kanilang layunin. Isinasaayos din ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan ng grupo ng mga taong gagamit ng wikang ito.
Ang pagkakaayos o pagkakasunod-sunod ng
mga tunog ng isang wika ay hindi pareho, o kadalasang walang kahulugan sa isang wika. HAL. Bahay-tagalog uchi-hapon Casa-spanish house-ingles Maison-Frances ANG WIKA AY MASISTEMA Ang bawat wika ay may mga tiyak at maayos na sistema sa pagsasagawa ng lahat ng ito. Kung ikaw ay mag-aaral ng ibang wika kung gayon, hindi lamang ang pag-alam sa mga salitang bumubuo sa wikang iyon at kahulugan ng mga ito ang mahalaga.
Dapat ding pag aralan ang sistemang sinusunod
kung paano pagsasama-samahin ang mga ito gramatika o balarila ang tawag dito.
Hal. dalaga at maganda = dalagang maganda
Beautiful lady = lady beautiful Palaging nauuna ang pang-uri sa tinuturingan (ingles) ANG WIKA AY SINASALITA Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa tulong ng ibat ibang sangkap ng pagsasalita tulad ng labi, dila, ngipin, ilong, lalamunan at iba pa.
Bagaman, maraming tunog sa paligid na
makahulugan hindi ito maituturing na wika sapagkat hindi ito nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap sa pagsasalita.
Kung gayon, may pagkakataon na may wika na
hindi sinasalita. ANG WIKA AY KABUHOL NG KULTURA Ang kultura at wika ay dalawang bagay na hindi mapaghihiwalay. Ang wika ay aspekto ng kultura. Naisasalin ang mga kultura sa susunod na henerasyon sa pamamagitan ng komunikasyon, gamit ang wika.
Sa hipotesis ng reprosidad mula sa teoryang
language determinism nina Sapir at Whorf, binabanggit na hinuhubog ng wika ang kultura at hinuhubog naman ng kultura ang wika. Kung gayon, ang mga salita sa isang wika ay isang indikasyon sa uri ng pamumuhay at pananaw sa mundo ng mga nagsasalita ng wika. Ayon kay Maggay (2002) may mga halimbawa na binigay. Hal. Eskimo = 17 panawag sa salitang “snow”
Arabo = 6000 salita para sa kamelyo at sa
kabayo Sahara = 200 salita para sa prutas na dates = 20 paraan sa buhangin sa disyerto Pilipino= niyog =bigas ANG WIKA AY BUHAY O DINAMIKO Dahil sa patuloy na pagbabago ng panahon, nagbabago rin ang wika. Kung paano mabilis na nag babago ang panahon, gayon din kabilis nagbabago ang wika.-yumayaman ang wika. Hal. BOMBA
Ayon kina Paz, et.al.(2003), ang
pinakamadaling maapektuhan ng pagbabago sa wika ay ang bokabularyo nito.
Pagsakop ng ibang bansa
Pag-unlad ng teknolohiya at siyensya. ANG WIKA AY MALIKHAIN Dahil walang limitasyon ang bilang ng mga salitang maaring mabuo. Sa twing tayo ay mag sasalita, pinapahayag natin ang ating mga sarili sa ibat ibang paraan.
Ayon kay Chomsky(1965) nabanggit nina Paz,
et.al.(2003) ang dahilan kung bakit sinasabing ang wika ay pantao lamang. 1. Ang wika ay hindi kasanayan na matututuhan ng tao sa pamamagitan lamang ng pagkopya o pag gaya sa iba. 2. May kakayahan din ang wika na makabuo ng mga bagong salita ayon sa pangangailangan ng gagamit nito. ANG WIKA AY MAKAPANGYARIHAN Sino man ang epektibong gumagamit ng wika ay nakapagtatamo ng mga malaking impluwensya o kapangyarihan. 1. Binago ni Abraham Lincoln ang Amerika sa kanyang 267-salitang talumpati: The Gettysburg Address.”
2. Ipinahayag ni Shakespeare ang ideyal na kondisyong
pantao sa 363-salita sa obra maestrang Hamlet. “to be or not to be”
3. Marami sa dakilang relihiyon ay nagpatupad ng
kodang pangmoral sa 297-salita” the Ten Commandments.” ANG WIKA AY MAY KAPANGYARIHAN LUMIKHA Ang wika ay nag sisilbing kagamitan sa paglikha ng ating mundo sa pamamagitan ng pagtawag o pag leleybel sa ating mga karanasan.
Ang wika ay nag bibigay ng simbolikong behikulo
upang maipabot sa iba ang ating mga nilikha at natuklasan.
Ayon sa mga dalubhasa. Naniniwala sila na
lumikha rin tayo ng sarili nating mood at damdamin sa mga salitang ating ginagamit sa pagleleybel ng ating damdamin. ANG WIKA AY MAY KAPANGYARIHANG MAKA APEKTO SA KAISIPAN AT PAGKILOS Pamilyar tayo sa katotohanan na ang penomenon gaya ng pagkakaugnayan ng pamilya o sistema ng pagkilala ng kulay ay nag iiba mula sa isang kultura sa iba pa.
narito ang isang dramatikong halimbawa: ang
katuturan ng kung alin ang edible o maaring kainin ay nag iiba iba sa ibat ibang kultura. Sa ilang kultura, maraming varayti ng mga insekto gaya ng langgam at uod na kinakain at tinuturing na espesyal; samantala, sa ibang lugar itinuturing itong nakakalason. ANG WIKA AY MAY KAPANGYARIHANG MAKAAPEKTO SA POLISIYA AT PAMAMARAAN Ang wika ng tao ay sinasabing pinakadakila sa lahat ng imbensyon sa mundo.
Mas mahalaga pa sa apoy at gulong na
pinagsimulan ng sibilisasyon.
Gamit ang wika ay nagagawa ng tao na mag
pahayag ng kanyang nararamdaman at naiisip. Nagagawa din niyang maisakatuparan ang kanyang mga balakin at ang kanyang panaginip nagiging realidad. Tunay na makapangyahiran na ang wika, nagagawa nitong kontrolin, manipulahin at baguhin ang kilos ng tao. TANDAAN! ◦ Ang wika ay instrumentong gamit pang komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
◦ May tatlong katawagan sa taong may kasanayan
sa pag gamit ng wika. Ang monolinggwal, bilinggwal at polyglot.
◦ May mga katangiang dapat tandaan sa wika, ito
ay ang mga sumusunod:
a. Ang wika ay tunog, arbitraryo, sinasalita
kabuhol ng kultura, nagbabago, malikhain at makapangyarihan.