Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Mga hakbang sa

Paggawa ng Nachos
Mga kakailanganin
+ Malaking plato
+ Gadgaran ng keso
+ Kutsilyo
+ Sangkalan
+ Mangkok
Mga sangkap
+ 2 pirasong Kamatis
+ 1 katamtamang laki na Pipino
+ 80 gramo ng keso
+ 120 gramo ng keso
+ 90 gramo ng Nacho Chips
+ 2 lata ng Tuna Flakes in oil
Paraan ng Paghahanda
+ Balatan ang Pipino at hiwain.
+ Hiwain ang kamatis sa maliliit na piraso.
+ Alisan ng sabaw ang Tuna.
+ Paraan ng Pagluluto
+ Ilatag ang mga nachos sa inihandang lalagyan.
+ Ilagay nang pakalat ang mga hiniwang kamatis at
pipino.
+ Isunod ang tuna na inalisan ng sabaw.
+ Paraan ng Pagluluto
+ Isunod ang mustard sauce.
+ Budburan ng keso.
+ Ulitin ang proseso upang makabuo ng dalawang
patong.
+ Ihain habang bagong gawa upang maiwasan ang
pagkunat ng nacho flakes.
Tekstong
Prosidyural
+ Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang
tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang serye o
mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang
matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung
paano ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong
maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat
isagawa.
+ Sa panahon ngayong maraming mga bagay ang
sinasabi nilang do-it-yourself o 'yung mga bagay na
sa halip na kumuha ng iba pang gagawa ay ikaw na
mismo ang gagawa, nararapat lamang na marunong
tayong umunawa sa mga prosidyur na nakalakip
dito.
+
+ Ang wastong pag-unawa sa mga prosidyur ang
gagabay sa atin upang matagumpay na maisagawa
ang isang bagay.
+ Hindi sapat na marunong tayong umunawa sa mga
tekstong prosidyural, dapat ding magkaroon tayo ng
kakayahang sumulat ng isang prosidyur na
mauunawaan ng lahat. Sa pagsulat ng tekstong
prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman sa
paksang tatalakayin.
+ Nararapat ding malinaw at tama ang pagkakasunod-
sunod ng dapat gawin upang hindi malito o
magkamali ang gagawa nito.
+ Ang isa pang dapat tandaan ay ang paggamit ng
mga payak ngunit angkop na salitang madaling
maunawaan ng sinumang gagawa.
+ Nakatutulong din ang paglalakip ng larawan o
ilustrasyon kasama ng mga paliwanag upang higit na
maging malinaw ang Pagsasagawa sa mga hakbang.
+ Dapat pakaisiping layunin ng tekstong prosidyural
na maipaliwanag nang mabuti ang isang gawain
upang maisagawa ito nang maayos at tumpak, kaya
nararapat lamang na maisulat ito sa paraang simple,
malinaw, at mauunawaan ng lahat.
+ BASAHIN NATIN

Pag-aaplay ng Lisensiya sa
Pagmamaneho
+ Pag-usapan Natin
+ 1. Ano ang inilalahad ng binasang tekstong Prosidyural?
+ 2. Saan natin karaniwang nakikita ang ganitong uri ng
teksto?
+ 3. Bakit mahalaga ang tekstong prosidyural?
+ 4. Ano naman kaya ang mga dapat isaalang-alang sa
pagsulat ng ganitong uri ng teksto upang maunawaan ng
mga mambabasa?
+ GAWIN NATIN
+ Bumuo ng isang pangkat na binubuo ng 8-1o
miyembro.
+ Sumulat ng isang tekstong prosidyural ayon sa
paksa ibinigay ng guro.
+ Pangkat 1
+ Pagbubukas ng passbook savings account
+ Pangkat 2
+ Pag-bake ng Banana loaf
+ Pangkat 3
+ Pagluluto ng Afritadang Manok
+ Pangkat 4
+ Paggawa ng Dalgona Coffee
+ Iprisinta sa klase gamit ag Canva o Powerpoint
presentation.Sundin ang rubrik ng pagmamarka
+ Maikling Pagsusulit
+ Basahin ang mga sumusunod na mga pahayag. Sa puwang
bago ang bilang ay isulat ang TAMA kung ang pahayag ay
ayon sa binasa at Kung hindi ay isulat ang MALI.
+ _____1. Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye
ng gawain upang matamo ang inaasahan.
+ _____2. Hindi mahalagang maging malinaw ang
pagkakalahad ng mga hakbang na ito basta nasusundan.
+ _____3. Layunin ng tekstong prosidyural na maialok ang
produktong itininda,
+ _____4. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang
malawak ang kaalaman ng sumusulat tungkol sa ipapagawa.
+ _____5. Kailangang maayos at wasto ang pagkakasunod-
sunod ng mga hakbang nito upang sa tulong lamang ng
pagbabasa, kahit walang aktuwal na demonstrasyon ay
maisasagawa ito.
+
Maraming Salamat

You might also like