Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Paligsahan Pangkabataan:

Balik-tanaw sa Nakaraan
mula sa Pangkat-KAWAYAN
Ang gawain ay isang Palarong Pangkabataan na
nahahati sa dalawang kategorya: ang JUNIOR
para sa mga mag-aaral na nasa edad 8-12, at ang
YOUTH para sa mga mag-aaral na nasa edad 12-
17.
Maraming kabataan ang nahuhumaling sa makabagong teknolohiya at
nakakalimutan ang mga larong katulad ng tumabang preso, patintero,
banggit bola at iba pa. Kaya't ang proyektong ito ay naglalayong maipaalala at
maranasang muli ng mga kabataan sa ngayon ang mga larong tila nakalimutan na,
upang mabuksan ang kanilang kamalayan sa kahalagahan ng pisikal na aktibidad,
pakikipagkapwa, at pangkatang kasiyahan na hatid ng mga tradisyunal na laro. Sa
pamamagitan nito, mapapanatili nila ang kanilang kultural na pamana at
mapanatiling buhay ang diwa ng Pinoy. Sa kabilang banda, maraming mag-aaral
ang hindi nakakapasok dulot ng maraming kadahilanan. Isa dito ay ang kawalan
ng mga school supplies o di kaya naman ay walang makakain. Ito ang nagtulak
sa mga mag aaral ng Balayan Senior Highschool upang gawing gantimpala
ang mga school supplies at makapag-handog ng tulong sa mga lubos na
nangangailangan.
Ang "Paligsahan Pangkabataan: Balik-tanaw sa Nakaraan" ay isang espesyal
na pagkakataon para sa mga batang kasapi ng komunidad na maibahagi at maipamalas
ang kanilang kahusayan sa mga tradisyunal na palarong pambata ng nakaraan. Sa
pamamagitan ng paligsahang ito, ang mga batang kalahok ay nagkakaroon ng
pagkakataon na maalala at maipakita ang mga larong tinatamasa ng mga naunang
henerasyon. Ito ay isang pagdiriwang ng kultura at tradisyon na naglalayong mapanatili
ang mga yaman ng ating nakaraan at ipasa ito sa mga susunod na henerasyon ng mga
kabataan.
Ang proyektong ito ay may kabuuang badyet na Php. 11, 448 nakatala
ang mga kailangan sa proyekto.
 
MGA KAILANGAN BILANG NG PRESYO KABUUANG PRESYO
KAILANGAN (PHP) (PHP)

MATERYALES:

Bola (pang sekpak takraw) 2 239.00 478.00

Bola (pang banggit bola) 5 30.00 150.00

Chalk  1 box  45.00 45.00

Lubid  2 58.00 116.00


PAGKAIN - nakalaan sa mga kalahok 

SNACKS (Hapon):

Juice  30 kahon  93.00 2,790.00

Tubig  13 pakete  153.00 1,989.00

Tinapay  30 pakete  76.00 2,280.00

Peanut butter 30 120 3,600


MARAMING SALAMAT!!

You might also like