Professional Documents
Culture Documents
Filn3 Report
Filn3 Report
1:
Pelikulang
Panlipunan
Ang mga Elementong Kailangan para Makabuo ng
Pelikula ayon pa rin kina Baquiran., et., al.
1. AKTOR
Ang laging inaabangan ng mga manonood sa isang pelikula bukod sa
kuwento nito ay ang mga aktor na gumaganap sa nasabing pelikula.
Kung minsan nga, ang artistang gumaganap ang pinakahabol lamang ng
ilang manonood.
Kapag pelikula ang pinag – uusapan, maraming mga aktor at aktres ang
pumatok na sa takilya tulad nina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon
Cuneta, Maricel Soriano, Eddie Garcia, Richard Gomez, Fernando Poe
Jr., at marami pang iba.
Tulad ng ibang akdang pampanitikan, maaari ding makita sa pelikula
ang mga uri ng tauhang maaari nating maklasipika bilang bilog at
tauhang lapad, o hindi naman kaya’y protagonist, antagonista, at
anti – hero. Isa – isahin natin ang mga ito gamit ang iba’t ibang
pelikulang tumatak sa masa.
0
TAUHANG BILOG
tumutukoy sa pagkakaroon ng puso ng tauhan sa kuwento dahil
nagbabago ang kaniyang katangian depende sa sitwasyong
0
1 2
kaniyang kinalalagyan
Ito ang mga bidang realistiko sapagkat pantao at makatao ang
0 0
karaktiresasyon.
TAUHANG LAPAD
tumutukoy sa pananatili ng katangian ng isang tauhan mula
ANTAGONISTA
Siyang nagbibigay – buhay sa kuwento dahil siya ang sumusubok sa
kakayahan ng mga bida sa kuwento. Siya ang nagbibigay ng sumpa at parusa
sa bida. Siya ang balakid na kailangang labanan at lagpasan.
Ang pinakatangyag na kontrabida sa pelikulang Filipino ay sina Pacquito
Diaz at Eddie Garcia na madalas na makikita sa mga pelikula ni FPJ.
ANTI-HERO
Ibig sabihin, ang pagpapakikilala talaga sa kaniya ay masama o
kontrabida sa buhay ng iba ngunit ang totoo, may dahilan kung bakit
ganoon ang kaniyang inasal tulad na lamang ng mga tauhan sa “Suicide
Squad” o sa “Joker,”
2. ISKRIP AT DIYALOGO
Ang iskrip ayon sa Center for New Cinema ay “isang mapang naglalaman ng
mga element sa pelikula at ang kuwentong bumubuo sa pamamagitan ng
aksiyong ginagawa ng tauhan.” Kung wala ang iskrip, malamang ay wala ring
magiging diyalogo ang mga tauhan sa kuwento.
Bilang aktor, kailangang tandaang ang nasa iskrip, tulad ng sinabi sa
naunang talata ay isang mapa lamang. Ibig sabihin, ang kailangan ay pag –
nternalize sa papel na ginagampanan at pag – familiarize sa kontekstong
nagaganap sa eksena.
Ang iskrip ay hindi laging nakasulat. May mga pelikulang walang nakasulat
na verbatim na iskrip gaya kapag gumagawa ng plelikula si Brilliante
Mendoza. Tinatawag na dulang pampelikula ang iskrip.
Hindi rin dapat mawala ang pagsasaalang – alang ng kultura sa pagbubuo ng
iskrip. Ayon muli sa Center for New Cinema, ang kultura ang sumasalamin sa
ating katauhan at katangian – mabuti man o masama.
3. SINEMATOGRAPIYA
Ang sinematograpiya sa pelikula ay ang paggamit ng kamera at lahat na
makukuha ng paningin ng manonood na makakapaglarawan sa kuwento. Dito
papasok ang wastong paggamit ng unang dalawang sangkap ng pelikula –
ang ilaw at kamera.
Sa sinematograpiya makikita kung gaano kamalikhain ang pagkakaedit ng
isang pelikula. Madalas, ito ang tinitingnan ng madla at nagiging
pamantayan nila ng magandang pelikula sunod sa kuwento nito.
ILAW
Pinakamahalaga at pinakahindi mawawalang batayang kagamitan sa
sinematograpiyadahil ito ang nagbibigay – lente sa kamera at
pinoproseso sa isang emulsion. Ang emulsion ayon sa Longman Dictionary
ay isang bahagi ng film na sensitibo sa ilaw. Samakatuwid, kung wala
ang ilaw, wala ring mabubuong larawan sa pelikula.
Walang pelikula kung pulos dilim lamang ang makikita mulang umpisa hanggang
dulo nito. O maging ng kabaligtaran, walang pelikulang pulos ilaw lamang at
wala ni isang dilim na bahagi nito. Isa pang dahilan kung bakit ito ang
pinakamahalaga dahil ang imaheng binubuo rito ang magbibigay – kabuluhan sa
pelikula.
KAMERA
Kailangan ang kamera upang makita ang iba’ t ibang anggulo ng nasabing
pelikula, nagsisilbi itong mata na nakakarekord ng mga imahen ayon kin
aBaquiran, et. al., at sa kamera din makikita ang iba’t ibang anggulo ng
kinuhaan ng kamera man na makakatulong pagdating sa pag edit ng pelikula.
Ang mga anggulo ring ito ang may ibinibigay na implikasyon at effects na
magpapaanggulo pa s akuwento ng pelikula.
4. EDITING
Kapag sinabi nating editing o pag – edit, ang pag – aalis ng mga hindi
mahahalagang eksena sa pelikula o pagdaragdag ng mga bagay o elementong
makakapagpabuhay sa nasabing pelikula. Maaaring pagtanggap ng pagkakamali
at ilalagay na lamang sa blooper o hindi naman kaya ay pagdaragdag ng mga
background para magmukhang lumilipad ang bida sa pelikula.
Tandaang ang editing sa pelikula ay nangyayari sa pagsusunod – sunod ng
putol na shots.
Isa sa pinakamahusay na editing ay ang mga pelikula tungkol sa mga
superhero tulad ng “Avengers,” “Wonder Woman,” “X Men,” o hindi naman kaya
ay ang mga pelikulang animated tulad ng “Frozen,” “Detective Pikachu,” at
iba pa. kinakailangan dito ng mahusay na editing upang maging suwak ang
kuwento at sinematograpiya.
Tandaang ang editing ay ginagawa lamang pagkatapos ng aktuwal na shooting
sa pelikula. Wala namang maaaring maedit kung wala pang eksenang
naisasagawa. Ito rin ang madalas na nakakapagpatagal at nakapagpapabagal sa
pagbubuo at pagpapalabas ng pelikula dahil mabusisi itong ginagawa o
tinatrabaho.
MGA KARANIWANG ANGGULO AT KUHA NG KAMERA
1. Establishing/Long Shot
1. SEQUENCE SCRIPT
Ito ay pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari s aisang kuwento sa pelikula.
Ipinapamals nito ang tunay na layunin ng buong pelikula.
Ito ang ginagampanan o isinasabuhay ng mga artista sa tulong ng director.
Epektibo ang pagganap kung matagumpay na nagawa ng artistang mapaniwala ang
mga manonood sa taunhang kaniyang inilalarawan, malinaw ang mga motibong
nagpapakilos sa tauhan, at nauunawaan ang mga ugnayang personal at sosyal ng
tauhan.
2. SINEMATOGRAPIYA
Ito ay pagkuha sa wastong anggulo ng kamera sa mga eksena o mismong lugar
upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong
timpla ng ilaw at lent eng kamera.
Ang sinematograpiya ay epektibo kung matagumpay na naisalarawan ang nilalaman
sa pamamagitan ng angkop na pag – iilaw, komposiyon, galaw, at iba pang
kaugnay na teknik ng kamera.
3. TUNOG AT MUSIKA
Ang tunog sa pelikula ay epektibo kung naisalin itong buhay na buhay ang
diyalogo, musika, epektibong tunog at katahimikan, at ang mga ito ay
naisaayos sa malikhain at pinag – iisipang paraan.
4. PANANALIKSIK O RISERTS
Ito ay isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil
sa pammagitan nito ay naihaharap nang mahusay, mabusisi, at makatotohanan
ang mga detalye ng palabas.
2. Pangkaisipan/Sikolohikal
Pagsusuri sa kabuuang kaisipan o mensahe hango sa tunay na pangyayari
sa buhay.
3. Kalagayang pang-ekonomiya
Pagsusuri sa kalagayan at kabuhayan ng tauhan sa pelikula.
4. Pansarili/Personalisasyon
Pagsusuri sa napanuod batay sa kaugnayan nito sa sarili o personal na karanasan
at kalagayan sa buhay.
5. Pangkasaysayan/Historikal
Pagsusuri sa kaugnayan sa nakalipas na pangyayari o sa kasaysayan.
Kabilang sa mga impormasyong ito ang pamagat ng pelikula, ang mga nagsisiganap,
director, prodyuser at taon ng pagkakalabas, at marami pang iba.