Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Aralin 6 – Ligtas at

Responsableng
paggamit ng ICT.
Joseph A. Galapon
Teacher I
M.S. Garcia Elementary School
ALAMIN NATIN
1. Anu-ano ang mga
kagamitang nakikita mo sa
bahay, paaralan, at mga
lugar pasyalan na mga
produkto ng makabagong
teknolohiya?
2. Makatutulong ba ang
pagkakaroon ng mga
kagamitang ito? Bakit?
Tumutukoy ang Information Technology sa
mga pamamaraan, kasangkapan, at
teknolohiya na tumutulong sa mga tao
upang makakuha ng
impormasyon,maproseso ito,maitago at
maibahagi.Itinuturing din itong sining at
agham ng pagtatala,pag-iingat ,pagsasaayos
at pagpapalaganap ng impormasyon.
Kasiyasiyang Gawain ang
paggamit ng computer internet at
email. Ngunit kalakip nito ang
malaman at maliwanagan ang
wastong pamamahagi ng mga
dokumento at media file na
nabuo mula dito.
Pangkatin ang mga mag-aaral sa
tatlo. Pumili ng taga pag-ulat at
ipasagawa ang sumusunod:
Unang grupo:
Gawain A:Tseklis ng mga panuntunan sa
pamamahagi ng dokumento at media file.
Piliin ang mga panuntunan sa wastong
pamamahagi ng dokumento at media file
na nakasulat sa mga strip ng kartolina.
Idikit sa manila paper at ipaskil sa pisara.
Ipaliwanag sa klase ng napiling tagapag-
ulat sa grupo.
TSEKLIS NG MGA PANUNTUNAN SA
PAMAMAHAGI NG DOKUMENTO AT MEDIA
FILE
1.Humingi ng pahintulot sa
kinauukulan bago mamahagi ng mga
dokumento at media file.
2.Siguraduhin na ang ipamamahaging
dokumento at media file ay
pinahintulutan ng tunay na nag mamay-
ari nito.
3.Upang maiwasan ang pagkakaroon ng
virus ng iyong computer device i-scan
muna ang removable device na
gagamitin gamit ang anti-virus software.
4.Gumamit ng ibat ibang aplikasyon sa
internet sa pamamahagi ng dokumento
at media file
5.Tiyakin na ang gagamiting device ay
ligtas sa anumang virus na nakapaloob
dito.
6.Kung sakaling may matagpuang virus
sa loob ng device, tiyaking alisin muna
ang virus sa loob nito bago gamitin.
7.Maging responsable dahil anumang
virus na nasa loob ng removable device
ay maaaring mailipat din kasama ng
dokumento at media file na nais
ipamahagi.
8.Siguraduhin ding mailagay kung sino o
kanino nagmula ang ipamamahaging
dokumento o media file.
9.Tiyakin na ang dokumento at media
file naipamamahagi ay hindi naglalaman
ng anumang uri ng detalye na maaring
makapanira o makapagpapagalit sa mga
taong makakatanggap nito.
10.Gumamit ng mga aplikasyon tulad ng
7-zip at win zip kung ang media file o
doumento ay naglalaman ng sensitibong
impormasyon upang i-encrypt ang file.
Ikalawang grupo:
Gawain B: Artista ka na!
Maghanda ng SKIT o maikling
dula na magpapaliwanag sa mga
wastong panuntunan sa
pamamahagi ng dokumento at media
file.
Ikatlong grupo:
Gawain C:Talakayan
Magkaroon ng maikling talakayan ang
mga mag-aaral sa mga sumusunod na
tanong:
• Anu-anong panuntunan sa pamamahagi
ng dokumento at media file ang
ipinaliwanag sa maikling dula-dulaan?
Bakit ito ang napili ninyo?
•Bakit kailangang
maliwanagan ang mga
wastong panuntunan sa
pamamahagi ng dokumento
at media file?
PAGLALAHA
T
• Ano-ano ang wastong panuntunan sa
pamamahagi ng dokumento at media
file?
• Magbigay ng isa sa mga panuntunan at
ipaliwanag ito sa ibat ibang pamamaraan
( paawit, patula, tumatawa, umiiyak,
nag rarap at iba pa)
PAGTATAYA

Isulat sa sagutang papel ang T kung


tama ang ipinahahayag na
panuntunan sa pamamahagi ng
dokumento o media file at M kung
mali.Ipaliwanag kung bakit mali ang
kasagutan.
__1.Ilagay kung sino o kanino nagmula ang
ipamamahaging dokumento o media file.

__2.Gumamit ng removable device ng hindi


nag i-scan.
__3. Tiyakin na ang dokumento at media file
naipamamahagi ay hindi naglalaman ng
anumang uri ng detalye na maaring
makapanira o makapagpapagalit sa mga
___4.Huwag humingi ng pahintulot sa
kinauukulan bago mamahagi ng mga
dokumento at media file.
___5. Anumang virus na nasa loob ng
removable device ay hindi mailipat na
kasama ng dokumento at media file na
nais ipamahagi kaya ayos lang na
balewalain ito.
PAGPAPAYAMAN SA
GAWAIN

• Magsulat ng isang maikling


sanaysay tungkol sa kahalagahan na
maliwanagan ang mga panuntunan
sa pamamahagi ng dokumento at
media file.

You might also like