Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

Region 8

Region VIII
(Silangang visayas)
• Ang Silangang Visayas o Rehiyon VIII ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Pilipinas.
Isa ang Rehiyon ng Silangang Visayas sa tatlong rehiyon na nag-uugnay sa Luzon at
Mindanao sa pamamagitan ng National Maharlika Highway. Naliligiran ang rehiyon ng
Surigao Channel ng Mindanao sa timog; San Bernardino Strait sa hilaga; ng mga dagat
ng Maqueda, Camotes at Bisaya; ng Gulpo ng Leyte at Karagatang Pasipiko sa silangan.

• Binubuo ng tatlong mayor na pulo ang Rehiyon ng Silangang Visayas; sa mga pulong ito
nakapaloob ang mga lalawigang bubuo sa rehiyon:
- Biliran sa Isla ng Biliran;
- Silangang Samar,
- Kanlurang Samar,
- Hilagang Samar sa Isla ng Samar;
- at Leyte, at Timog Leyte sa Isla ng Leyte.
Lalawigan at kabisera

LALAWIGAN KABISERA

Leyte Tacloban City

Biliran Naval

Hilagang Samar Catarman

Silangang Samar Borongan City

Kanlurang Samar Catbalogan City


Mga magagandang tanawin

Rice Terraces sa Biliran

macarthur landing memorial national park


Mga pagkain at produkto
Mga pagkain at produkto

Mga Hanapbuhay sa Rehiyon


• pagsasaka
• pangingisda
• pagmimina
• paghahabi ng banig
• paghahayupan
• pagtotroso
• pagpapatubo ng perlas
• paggawa ng pataba
• pagpapatubo ng jellyfish at cottage ind
ustry
Mga wika
• Waray/Winaray o Waray-waray -
Dominanteng wikang sinasalita ng mgatao
sa rehiyongi to.
• Baybayanon
• Cebuano Abaknon
• Boholano
mga festival
KASAYSAYAN NG
PANITIKAN
• Tinaguriang "Luklukan ng Kasaysayan" dahil sa mga
makasaysayang pangyayari sa rehiyong ito.

• Pagdating ni Magellan - Marso 17, 1521


• Unang misa sa Pilipinas - Marso 31, 1521
• Ang pagbabalik ni Gen. Douglas Mac Arthur - October
20, 1944
• KasaysayanngPanitikan
KASAYSAYAN NG
PANITIKAN
Binansagan itong panitikang Waray o panitikang nakasulat sa
wikang Waray.

Ang panitikan ng Silangang Visayas ay mahaba at


makasaysayang tradisyon bago pa man dumating ang
mga kolonyalistang Kastila.

Ayon kay Dr. Victor Sugbo


KASAYSAYAN NG
PANITIKAN
Ipinanganak sa Tacloban,Leyte
-Propesor ng Komunikasyon at Literatura sa
U.P Visayas.
Ginawaran ng Gawad Pambansang Alagad ni
Balagtas(2016), Taboan Literary Award (2013) atbp.
Dr. Victor Sugbo -Makata sa wikang Ingles at Waray.
Ilan sa mga akda niya ay:
Inintokan
TaburosHan Dagat
ILAN SA MGA KILALANG
MANUNULAT
1. MERLIE N. ALUNAN
Isa sa mga manunulat na baba sa Silangang Bisaya na nakilala bilang makata sa Ingles. Marami sa mga
tula niya ay napaloob sa antolohiya ng mga tulang Pilipino. Isa sa kanyang tulang nagwagi ng
gantimpala ay "Heartsone of Sacred Tree*. Marami sa mga tula niya ay napaloob sa antolohiya ng mga
tulang Pilipino.

2. ONOFRE BALDEMOR
Isa sa mahuhusay na makata na nagmula sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagpalipat-lipat bilang
manunulat sa dyaryo, editor at public relations consultant ng iba't ibang publikasyon.

3. JAIME C. DE VEYRA
Isa siyang manunulat, iskolar at pulitiko. Siya ang kauna-unahang nanungkulan bilang patnugot ng
Surian ng Wikang Pambansa simula 1937-1941. Nagsulat siya sa El Renacimiento at naglingkod bilang
director ng Pambansang Aklatan noong 1925.
ILAN SA MGA KILALANG
MANUNULAT
4. ILUMINADO LUCENTE
Ay kinilalang mandudula sa literaturang Waray. May pagkasarkastiko ang himig ng mga sinulat
niyang saynete at sarswela at pumupuna sa moral at mga kahinaan o kabiguan ng mga Waray. Ilang
sa kanyang mga akda ay ang: Up Limit An Gugma (Love is Off Limit Too), Abugho (Jealousy),
Diri Daraga, Diri Bulo, Diri Imasaw-an (Not a Maiden, Not a Widow, Not a Married Woman).

5. LEON OGARO TY
Nagsulat tungkol sa Panginoon at ang magandang buhay na kanyang dinanas. Karamihan sa
kanyang mga sanaysay ay nailathala sa Free Press. Ilan sa mga hindi malilimutang ada niya ay ang
The Little Girl in Bacolod at The Magsaysay Story.
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG
REHIYON
Titigohon (Huhulaan) VIII
Maiksing tula at ur ng bugtong na may dalawang linya at naglalarawan sa isang bagay sa
pamamagitan ng paghahambing o metapora.

Tigotigo
Larong bugtong na nilalaro sa tuwing naglalamay sa patay upang hindi antukin.

Balac/Amoral/Ismayling
Tula ng pag-ibig sa pagitan ng isang babe at isang lalaki.
Tumatalakay sa mga bagay na ukol sa puso na kadalasan ay pakanta.

Kwento (Susumaton)
Tumutukoy ang kanilang mga kwento sa paggunita ng mga karanasan at pangyayaring
ginagamit upang turuan ang mga bata ng mabubuting asal.
Awiting Bayan NG REHIYON
VIII
- Ang awiting bayan ng rehiyon ay tumutukoy sa maraming karanasan, sa kalikasan, hangin, lupa at dagat, damdamin,
estado sa buhay, komunidad at lupang sinilangan. Ilan sa mga awiting bayan ng rehiyon na naging tanyag rin sa ibang
bayan ay ang: Lawiswis ng Kawayan, Ang Alibangbang, Dandansoy, O Bulan, An Iroy Nga Tuna ay An Abaniko.

Balad -
Ito ay isang tulang metaporiko. Tumatalakay ito sa mga bagay a may kaugnayan sa pag-ibig.

Ambahan -
Ito ay ang pinakakilalang katutubong tula sa Leyte.
Ang ambahan ay binubuo ang dalawang taludtod na binubuo naman ng pitong pantig bawat taludtod.
Ito ay madalas awitin sa mga pagdiriwang.

Siday -
tawag sa tula na nagging tradisyon na rin sa Samaranon.
Region
IX
LALAWIGAN KABISERA

Zamboanga del Norte Dipolog City

Zamboanga del Sur Pagadian City

Zamboanga Sibugay Ipil


Zamboanga Peninsula
Ang rehiyong nasa katimugan ng Pilipinas ay ang Rehiyon IX. Ang Zamboanga del Norte,
Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay at Basilan ang bumubuo ng rehiyong ito. May
apat itong Lungsod ang Dapitan,Dipolog,Pagadian at Zamboanga. Ang sukat ng buong
rehiyon ay humigit kumulang sa 15,997.3 kilometrong parisukat. Ito ay mabundok na
rehiyon at sa Zamboanga del Norte matatagpuan ang pinakamataas na bundok Dabiah.
Matataas ang kinikita sa pagsasaka dahil sa kalakihan ng rehiyon subalit mababa ang
establisyemento.Pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito ang pangingisda lalo na sa
Basilan. Sa Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte naman ay
pagsasaka,paghahayupan at kaunting pangingisda. Hanapbuhay rin dito ang panghuhuli ng
mga pawikan o pagong at ang pangongolekta ng mga itlog nito.Sa mga nakalipas na
panahon dahil sa maraming suplay ng pangkagubatang produkto, nakilala ang rehiyon
bilang angkatan ng mga kahoy.Sa kasalukuyan ang mga troso na mula pa noong unang
panahon ay nanggagaling na sa matandang kagubatan ay unti unti na ring nawawala.Ang
lungsod ng Zamboanga ang sentro ng kalakalan ng rehiyon. Ang Basilan ang itinuturing na
may pinakamaraming produksyon ng goma sa buong mundo ng Pilipinas at ang Zamboanga
del Sur naman ay kinilala sa pagtotroso.
Zamboanga Peninsula

Ang Zamboanga na tinaguriang “Zambangan” na lalong kilala sa tawag na Lupain ng mga Bulaklak
ay tinanghal bilang primera klaseng lungsod. Noong ika-6 ng Hulyo, 1952 ang lupain ng mga
bulaklak ay nahati sa dalawang probinsya ang Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Ang
Zamboanga del Norte ay mayaman sa mga yamang mineral na kadalasan ay non-metallic . Ito ay mga
durog na bato, asbestos, buhangin, graba at iba pa. Dipolog ang kabisera ng lalawigan. May
magaganda rin itong tanawin ang Aplaya o tabing dagat tulad ng Sinipang Bay at may mahiwagang
kwebang matatagpuan dito tulad ng Manuban, Katipunan, Roxas at Labason. Isa sa mga mahalaga at
makasaysayang lugar ng probinsya ay ang Dapitan Shrine kung saan pinatapon bago pinatay si Dr.
Jose Rizal. Ang Zamboanga del Sur ay galing sa salitang Malay na ang ibig sabihin ay paso o
lalagyan ng bulaklak. Pagadian City ang kabisera nito na mas kilala sa tawag na Little Hongkong ng
Pilipinas dahil sa heograpikal na pagkakatulad ng lokasyon sa Hongkong. Naitatag ito sa bisa ng RA
Blg. 711 noong Septyembre 17, 1952. Mayroon ding produksyon ng mineral ang lugar na ito pero
karamihan ay metallic tulad ng aluminum, ginto, tanso, tingga, nickel, chromite, pyrite, hematitie, at
zinc. Ang mga non-metallic naman ay uling,asin, lupa, buhanging, graba, asbestos, marmol, silica at
iba pa.
Zamboanga Peninsula

May magagandang tanawin dito tulad ng Pasonanca Park, ang tatlong daang taong Fort Pilar na kung
saan naroon ang grotto ng Lady of Pilar,ang Sta. Cruz na isang islang may magagandang baybay-
dagat at makukulay na mga korales at ang Barter Trade Market na bilihan ng mga gamit pang Muslim.
Rehiyon ito ng magaganda at makukulay na mga vinta at layag.Matatagpuan sa rehiyon ng Tangway
ng Zamboanga sa Mindanao ang Zamboanga Sibugay. Ipil ang kabisera nito. Ito ay ganap na naging
lalawigan sa bisa ng Batas Republika Bilang 8973 noong 22 Pebrero 2001 at binubuo ng 16
munisiplidad. Ang ikahuli ay ang Basilan na matatagpuan

sa katimugang bahagi ng Zamboanga del Sur. Dati itong bahagi ng Zamboanga del Sur subalit ng
lumaon ito’y inihiwalay sa pamamagitan ng Presidential Decree Blg.356 noong Disyembre 27, 1973.
Ito ang pinakamaliit sa apat na lalawigan ng Rehiyon IX at binubuo ito ng tatlong munisipalidad ang
Isabela, na siyang kabisera nito, Lamitan at Maluso.
Pangkat Etniko
SUBANON
Ang mga subanon ay mga katutubong naninirahan sa mabundok na parte
ng Zamboanga Del Sur at Misamis Occidental sa Mindanao.

BADJAO
Mara sa mga Badjao ang naninirahan sa mga bangkang-bahay. Madalas
silang nakikita sa karagan ng Sulo.

TAUSUG
Ang mga Tausug o Suluk ay isang pangkat-etniko sa Pilipinas at Malaysia.
Mga Tao at Kultura
Marami sa mga naninirahan dito ay mga Muslim, Pagano at mga Kristiyano. May ibat ibang pangkat
ng Muslim gaya ng Tausog, Subanon, Yakan at Samal na naninirahan sa Basilan. Maraming mga
Sebuano ang naninirahan dito kaya’t Cebuano ay isa sa mga diyalektong sinasalita.

Mahilig sila sa mga musika at mga sayaw sa saliw ng mga gong. Makukulay ang mga kasuotan. May
iba’t-ibang wikain tulad ng Bagjao, Cebuano, Kalibugan, Tausog, Subanum, Sanduka, Sibuku, Sama
at Chabakano.
Ang mga Muslim ay may tradisyong tinatawag na Ramadan o Pausa. Ito ay ang hindi pagkain ng
mahabang panahon bilang sakripisyo at alay kay Allah, ang diyos ng mga Muslim. Matapos ang
mahabang panahon ng hindi pagkain o sakripisyo ay nagdiriwang naman sila ng kapistahan na kung
tawagin ay Hariraya Hadji. Mayroon pa rin silang isang tradisyon na ginaganap isang buwan sa isang
taon at apat na beses sa isang buwan tuwing Huwebes. Ang mag-aanak ay sabay-sabay na maliligo sa
dagat. Ang tawagdito ay Tulak Bala.
Mga Tao at Kultura
May paniniwalang ang mga Muslim na ang isang namatay ay dapat suotan ng kanyang paboritong damit at
bigyan o pabaunan ng tubig at pagkain dahil malayo ang lalakbayin nito.

Ang mga Muslim ay hindi kumakain ng baboy dahil para sa kanila ito ay marumi. Dito rin matatagpuan ang
mga Samals na magagaling sa paggawa ng Bangka na ang tawag ay Vintas. Itinuturing silang matatapang na
mandirigma sa dagat. Magaling din silang magsaka ng lupa at balita rin sa paggawa ng tanso. Nanatili pa rin
ang kaugalian ng mga Tausog na ang mga magulang ang mag-aasikaso upang makasal ang kanilang mga anak
kahit na hindi pa nila halos kilala ang bawat isa. Dapat na magbigay ng dote ang lalaki sa magulang ng babae
na maaring alahas, pera, lupa o mga ani.

Nararapat na magsuot ang mga babaeng muslim ng damit na mahaba ang manggas at ang tabas ng damit sa
leeg ay makipot o “closed neck”. Ang kanilang palda ay sarong. Ang mayamang muslim ay nagsususuot ng
sedang sarong na magaganda ang kulay at disenyo na may palamuting perlas. Sa mga lalaki naman ang
mahigpit na jacket at mahigpit na manggas. Ang pantalon ay koton, may mahabang sash na nakapalibot sa
kanilang baywang. At kapag sila ay nagtatrabaho sa init ng araw ay nagsusuot sila ng sarong na sumbrerong
kahawig ng salakot.
Mga produkto

• Niyog
• Citrus
• Baboy
• mais
• kabayo
• Isda
• Kambing
Mga dinarayong lugar

Isla sa Sta. Cruz Lungsod Isla ng Dakak - Lungsod ng


ng Zamboanga Dapitan, Zamboanga Del Norte
Mga dinarayong lugar

Rizal Shrine - Dapitan City, Zamboanga


Vintas - Zamboanga Del Norte
Mga sining
SUA-SUA-
isang sayaw sa pag-iisang dibdib,
\

SINGKIL
ang sayaw ng isang prinsesa na pinapayungan habang
madamdaming humahakbang sa apat na kawayan. Halos katulad ito
ng Tinikling; at ang

KAPRANGKAMANIS -
ay sayaw panghukuman.
Panitikan
May ibat-ibang anyo ng Panitikan ang rehiyong ito tulad ng mga sumusunod:

• Iringa o Kwentong Bayan


Hal. Si-amo ago si bowaya at Manik Buangsi
• Kwentong Subanon
• Alamat ng Yakan
• Kabaraperanga-mga tulang papuri sa bayani ng digmaan.
• Panaroon - mga salawikain
• Antoka-bugtong (sa Tausog Tigum-Tigum)
• Dedao so wata-awit sa pagpapatulog ng bata.
mGA ALAMAT AT KWENTONG
BAYAN
MGA ALAMAT
Anghel sa Kalangitan
-(alamat kung bakit umuulan)
Ang Dalawang Bundok
-(alamat ng dalawang bundokna nakatayo sa karatagan sa pagitan ng Zamboanga at Jolo.)

KWENTONG BAYAN

Manik Buangsi
- ito ay kwento tungkol sa isang imortal.

Awiting Bayan
• INAKU DURINGDING (Awiting Bayan mula sa Zamboanga)
BUGTO
NG
Tigumtigum/Tukotukod ang tawag sa bugtong ng mga Tausug.
Ito ay may 2 uri:
1. Patanong kaswal
2. Inaawit sa okasyon
Halimbawa ng bugtong
Kahuykahuy baubid - Isang pirasong kahoy na maliit
Kahuy batang baibid - Na halaman na mayroong maliit na sanga
Di'magtugbu ha biid - Hindi tumutubo sa burol
Subya ha gi'tung tawid - Subalit sa ginta ng dagat
Karbahal Itim na koral
Tubig ha liyung-liyung - Tubig sa loob ng butas, walang dahon
Di'kapakpakan dahong - Pwedeng mahulog dito
Butung - Niyog
Ang Bugtong ng Rehiyon IX
Ayon kay Charles Francis Potter ay isang mahalagang metapora at ito ay resulta ng pangunahing prosesong
mental ng pagsasama-sama, at ito ay pagkakahawig, at persepsyong pagkakapareho at pagkakaiba. Ang
bugtong ay isang paligsahan ng kaalaman at isang paraan upang madebelop ang talas ng pag-iisip at
obserbasyon.
Para naman kay Allan Dendes at Robert Georges ang bugtong ay isang tradisyonal na ekspresyon na
naglalaman ng isa o o mahigit pang elementong naglalarawan, pares na ang isa ay tutol na nangangailangan ng
kasagutan na maaring hulaan.

Ang bugtong ay isa sa pinakaunang porma ng pag-iisip.Ang mga primitibong tao ang nagsimula nito.Subalit
noon ito ay kilala bilang isang sagrado at pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihan. Ito ay isang berbal
na laro o isang paligsahan sa talas ng kaisipan na naging popular na libangan. Ang tawag ng mga Tausog sa
bugtong ay “tigumtigumo tukodtukod” na mula sa salitang tukod na ang ibig sabihin ay hulaan. May dalawang
uri ng bugtong ang mga Tausog:ang isa ay ang tinatanong sa isang kaswal na pag-uusap at ang ikalawa ay ang
inaawit sa isang okasyon.Subalit sa parehong kaso, ang taong pinagtatanungan o taong kinakausap ay
kinakailangang magbigay ng kasagutan.Subalit ang mang-aawit na siyang umaawit ng bugtong ang siyang
magbibigay ng kasagutan pagkatapos manghula ng mga manonood.
Mga Manunulat ng Rehiyon IX
Antonio Descallar
Isinilang sa Sindangan Zamboanga noong Hunyo 15, 1952.Nag-aral sa isang pampublikong paaralan at
nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Misamis Occidental Institute at sa College of law sa AU.Nagwagi siya ng
unang gantimpala sa timpalak ng pagsulat ng tula na ginanap noong 1949.Kauna-unaha niyang tula na
napalimbag ay ang “Now Before the Conqueror”.

Antonio Enrique
Siya ay sumulat ng mga maikling kwento tungkol sa mga kristiyano at mga Muslim sa Timog na nakatagpo at
nakasalamuha niya sa buhay,tungkol sa probinsya,bayan at mga baryong kanyang tinitirhan at binibisita at
tungkol sa mga obserbasyon at mga karanasan.Tumanggap siya ng dalawang gantimpala sa Palanca sa
kanyang maikling kwento sa

Ingles,ikatlo noong 1969,una noong 1973.Pinalimbag ng writers Association of Dumaguete City ang kanyang
unang aklat ang “Spot On Their Wings”.
Mga Manunulat ng Rehiyon IX
Ignacio Alvarez Enrique
Pinanganak sa Zamboanga City kung saan din niya tinapos ang kanyang pre-college education. Pumunta sa
AU,kung saan niya natapos ang AB degree(1951) at matapos iyon ay nag-aral siya sa University of
IOWA.Bilang iskolar narrating niya ang University of Madrid. Pinagkalooban siya ng salapi ng pamilya
Zobel de Ayala. Mula noon sinimulan niyang sulatin ang kanyang nobelang “ The House Juan” na hindi
naipalimbag.Dalawa sa kanyang maikling kwento ay nagwagi sa Philippine Free Press Short Story
Contest.”Death of a House”, ikalawang gantimpala, 1951 at “The Doll”,ikatlong gantimpala. Noong Pebrero
20, 1971 ay ipinalabas sa UE sa Auditorium ang dulang “As Between Two Mirrors” na kanyang isinulat at
hinango sa kanyang nobela.Ang iba pang aklat niya na naipalimbag ay ang “Three Philippine Epic,Plays at
House of Images”(1953), at ang The White House of Ali at Other Stories”(1985).
Mga Manunulat ng Rehiyon IX
Olivia Acas
Baguhan pa lamang siya sa larangan ng pagsusulat ng tula ngunit ang kanyang mga naisulat ay naipalimbag na sa palimbagan.
Ibrahim A. Jubair
Siya ang kauna-unahang fictionist ng Zamboanga na ginantimpalaan ng Presidential Certificate of Merit in Literature for Teaching
the Filipino-Muslim sa kanyang panahon.Bukod sa pagiging manunulat ng tula at mamamahayag isa rin siyang kolumnista sa isang
pahayagan ng Zamboanga City at editor ng Cresent Review.Ang aklat I Jubaira ay ipinalimbag hindi lang ng Free Press Pacific
Quarterly(South Korea) at ng The Times of Ceylon.

Gonzalo Villa
Isang manunulat ng maikling kwento at mananalaysay,ipinanganak sa Zamboanga City ng isang maykayang pamilya .Naging news
editor siya ng Atenean ,isang pampaaralang pahayagan na siyang pinaglathalaan ng ilang mga akda niya.Una niyang kwento ang
“When Death Struck”.Nagwagi siya sa Pambansang Paligsahan sa pagsulat ng sanaysay noong 1946,ito’y pinamagatang “The Role of
America in the Rehabilitation of the Philippines”.Kabilang sa mga sinulat niyang nagwagi ng gantimpala ay ang Footnoteof America at
pinalitan niya ng “Death of Illusion”, “Barrio Miracle”, “A Voice of Rama”.
Mga
sanggunian:
https://www.scribd.com/document/432522243/Panitikan-Ng-Rehiyon-8

https://www.studocu.com/ph/document/st-anthonys-college/literatures/gec-111-
handouts-15-rehiyon-viii-silangang-bisayas/15954034

https://prezi.com/p/o1sasn9envr5/panitikan-sa-rehiyon-8-at-9/

http://rehiyonixzamboangapeninsula.blogspot.com/2014/04/ang-panitikan-ng-
rehiyon-ix.html

You might also like