Segundaaasss Report

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

HAKBANG SA

PANANALIKSIK:PAGBUO NG
LAGOM,KONGKLUSYON,AT
REKOMENDASYON
KAALAMAN
Ang lagom,kongklusyon, at rekomendasyon ay
mahalagang bahagi ng pananaliksik. Dito tuwirang
makikita ang pagpapasya ng mananaliksik kung saan
ihahanay ang mga datos o impormasyon. Sa bahaging
ito, sistematikong ilalahad ang natipong impormasyon
na may kasamang pagpapasya sa kung ano ang naging
bunga ng pag aaral na sinamahan ng mga mungkahi
upang maipagpatuloy,mapagtibay,at mapabuti ang
pananaliksik.
PAGBUO NG LAGOM
■ Ang lagom o buod ay pagbuo o paggawa ng
pangkalahatang idea hango sa teksto para sa
madaliang pag-unawa sa nilalaman ng isinasagawang
pananaliksik. Sa pagbuo ng lagom nailalahad ang
mahalagang detalyeng makukuha sa teksto.
Makatutulong ang lagom na gamitin ang mga
detalyeng nabanggit upang maiugnay sa mga
karanasang bunga ng obserbasyon o dili kaya’y nabasa
ng mambabasa.
HAKBANG SA PAGLALAGOM
1. Basahin o pakinggan nang mabuti ang pananaliksik at suriin ang pinakadiwa o
konsepto nito.
2. Magtala ng mga mahahalagang impormasyon habang nagbabasa o nakikinig.
3. Himay-himayin at isulat nang muli ang mga naitalang mahahalagang
impormasyon. Huwag maglahad ng mga pansariling opinyon. Marapat na ang
itinala ay buhat sa impormasyong nakuha mula sa masinop na pananaliksik.
4. Palitan o huwag nang isama ang mga bahaging magiging hadlang lang at
makakagulo sa mas mabisang pag-unawa ng mga mambabasa.
5. Pagkumparahin kung tiyak at orihinal ang pagkakasunod-sunod ng mga idea at
konseptong isinulat.
6. Muling basahin at alamin kung mapaiikli pa ang mga isinulat na pahayag.
PAGBUO NG KONGKLUSYON
■ Ang kongklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa nais na
maipahayag ng buong pananaliksik. Makikita sa kongklusyon
ang kasagutan sa mga itinampok na katanungan sa
isinasagawang pagsusuri o pag-aaral. Kadalasang nasa anyong
pabuod ang kongklusyon na binuo batay sa natuklasang
kaalaman. Sa bahaging ito, ipapakita ng mananaliksik ang
reyalisasyon o kanyang mga napagtanto sa paksang sinaliksik.
Mula sa kongklusyon huhugot ng payo o rekomendasyon tungo
sa bago o pagpapatuloy ng isinasagawang pag-aaral o
pananaliksik.
PAGBUO NG REKOMENDASYON
■ Ang paggawa ng rekomendasyon ay ang pagbibigay ng isa o ilang mga solusyon
sa paglutas ng kinakaharap na suliranin sa isang pag-aaral o pananaliksik. Ang
isang rekomendasyon ay kinakailangang may kaakibat o sinusuportahan ng
masusing pag-aaral at mga datos nito.
– Ang rekomendasyon ay dapat na naglalayong lutasin ang suliranin na natuklasan
sa pag-aaral.
– Hindi dapat gumawa ng rekomendasyon sa suliraning hindi nakita sa ginawang
pag-aaral.
– Maglatag ng rekomendasyong ideyal. Gayunpaman, nararapat din na magbigay
ng kaakibat na rekomendasyong praktikal, naisasagawa at makatotohanan.
– Dapat ay may lohikal na paliwanag ang mga rekomendasyon.
– Kung may mabubuting natuklasan sa pag-aaral, dapat ay magbigay rin ng
rekomendasyon sa pagpapanatili nito.
HAKBANG SA PAGBUO NG
KONGKLUSYON
■ 1. Balikan ang suliranin, layuni, at iba pang bahagi ng
pananaliksik kung tumutugma ang mga nakuhang
impormasyon.
■ 2. Mula sa nakuhang impormasyon na ibinunga ng analisis o
pagsusuri, ipahayag ang pagpapasya upang palutangin ang
natuklasang kaalaman o impormasyon.
■ 3. Ilahad ang pananaw na pinagtibay ng ugnayan ng datos,
teorya, at patunay sa malinaw at makabuluhang pagpapasya sa
napagtanto sa isinagawang pag-aaral.
■ 4. Tiyaking magkaugnay ang kongklusyon sa itinalagang
paglalagom.
HAKBANG SA PAGBUO NG REKOMENDASYON

■ 1. Pagtugmain ang mensahing nais iparating ng datos o


impormasyon mula sa suliranin at layunin na pinagmulan ng
lagom at kongklusyon.
■ 2. Ikategorya ang mga mungkahing angkop sa suliranin at
layunin.
■ 3. Tiyaking ang tono ng mungkahi ay nagbibigay-daan sa
pagpapaunlad ng pananaliksik sa pamamagitan ng
paglalahad bg polisiya o programa, patakaran at iba pang
kaugnay na paksa na maaaring ipagpatuloy bilang
pagpupuno sa pagpapayaman ng paksang sinuri sa
pananaliksik.

You might also like