Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Mga Tayutay

A. Pagtutulad (Simile)
• Paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao,
pangyayari at iba pa.
• Ginagamitan ng mga pariralang katulad ng, gaya ng,
para ng at iba pa.
HALIMBAWA:
Ang ugali ng batang iyon ay katulad ng
panahon, madaling magbago.
B. Pagwawangis (Metaphor)
• Naghahambing din ito tulad ng pagtutulad ngunit
ito at tiyakang naghahambing.
• Hindi gumagamit ng pariralang tulad ng, gaya ng, at
iba pa.
HALIMBAWA:
- Ang kamay ng ama ay bakal sa tigas.
- Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa
aking pisngi.
C. Pagmamalabis (Hyperbole)
• Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na
kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.

HALIMBAWA:
- Bumaha ng luha sa burol ng ama dahil sa
matinding pagsisisi ng anak.
- Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
D. Pagbibigay –katauhan
(Personification)
• Pagbibigay-katangian ng isang tao sa isang
bagay na walang buhay.
HALIMBAWA:
- Lumuha ang langit nang masawi ang
kanyang lola.
- Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa
atin.
E. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)

• Pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa


bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at maari namang
ang isang tao ang kumatawan sa isang pangkat.
HALIMBAWA:
- Dalawang mapagpalang kamay ang humubog sa
pagkatao ng batang iyan.
- Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa
Inang Bayan.
F. Pagtawag (Apostrophe)
• Tila pakikipag-usap sa karaniwang bagay o isang
dinaramang kaisipang para bang nakikipagusap sa isang
buhay na tao o isang taong gayong wala naman ay
parang naroo’t kaharap.

HALIMBAWA:
- Pag-ibig, halika at punuin mo ng pagmamahal
ang lahat ng puso ng tao.
- Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang
aking kapighatian..
G. Pag-uyam (Irony)
•Pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga
salitang kapuri-puri ngunit kabaligtaran naman ang
kahulugan. Pananalitang nangungutya.
HALIMBAWA:
a.) Kay bait mong anak. Pagkatapos kitang tulungan sa
iyong mga kagipitan ay nagawan mo pa akong
pagsinungalingan.
Paghihimig/Onomatopoeia
Ang paglalarawan sa isang bagay gamit ang
tunog nito.

Halimbawa:
• Dumadagundong ang kulog.
• Ang lakas ng “kokak” ng palaka.
• Ang lakas ng potpot ng tren.
ENSAYO PO TAYO!

Pagtutulad Pagpapalit-saklaw
Pagwawangis Pagtawag
Pagbibgay-katauhan
Pag-uyam Pagmamalabis
Paghihimig
Magaling mga Agila!

You might also like