Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

MAHABANG

PAGSUSULIT
1. Sino sa sumusunod na manunulat ang may-akda ng tekstong
“Bunga ng Kasalanan”?
A. Cirio H. Panganiban B. Liwayway Arceo
C. Lualhati Bautista D. Severino Reyes

2. Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakukuha ng iba’t ibang


kaalaman. Maaari nilang gamitin ang kaalaman na ito sa kanilang
mga buhay. Nalilinang din nito ang bokabularyo ng mambabasa. Ano
ang pangunahing kaisipan na maaaring mahinuha mula sa
pahayag?
A. Marami kang natututuhan na salita.
B. Mahalaga sa kalusugan ang pagbabasa.
C. Kawili-wiling gawain ang pagbabasa araw-araw.
D. Mayaman sa kaalaman ang taong mahilig magbasa.
3. Ito ay tumutukoy sa mensaheng nais ipabatid ng awtor.
A. kaisipan B. pananaw
C. saloobin D. tema
4. Bakit mahalaga ang pagtukoy sa mga kaisipang nakapaloob sa isang teksto?
A. upang lumawak ang ating kaalaman
B. upang makapulot ng magagandang aral
C. upang mabatid ang kahalagahan ng akdang binasa
D. upang malaman ang nais iparating na mensahe ng teksto

5. Maraming kapangyarihan ng musika ang natuklasan ng mga siyentipiko.


Alin sa sumusunod na pansuportang kaisipan ang hindi angkop sa pahayag?
A. Kayang magpaalis ng stress sa isang tao ang pakikinig nito.
B. Nakapagpapagaan ito ng utak tulad ng memorya, emosyon at iba pa.
C. Nakatutulong ito upang mapalawak ang kaalaman sa iba’t ibang
larangan.
D. Nakagagamot ito ng problema sa puso, depresyon at insomnia o di
pagkatulog.
6. Alin sa mga pahayag ang pangunahing kaisipan?
A. Napakabait na bata ni Julius.
B. Madaling utusan ang batang iyan.
C. Magalang siyang makipag-usap sa tao.
D. Masunurin siya sa kaniyang magulang.

7. Ito ay karaniwang matatagpuan sa unahang bahagi o pamaksang


pangungusap ng teksto.
A. paksang pangungusap B. pangunahing kaisipan
C. pantulong na kaisipan D. sumusuportang detalye

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang angkop na pantulong na kaisipan sa pahayag na


ito? “Ang mabait kong mga magulang ay kayamanang ibinigay sa akin.”
A. Ginagabayan nila ako sa lahat ng desisyon na aking ginagawa.
B. Hindi matatawaran ang kanilang sakripisyo para sa kanilang
anak.
C. Ang magulang ay isa sa pinakamagandang regalo na
ipinagkaloob sa mga anak.
D. Lubos na pagmamahal ang ipinadarama sa atin ng ating mga
magulang.
9. Ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa pantulong na
kaisipan, maliban sa _______________________.
A. ito ay itinuturing na sentrong bahagi ng akda.
B. ito ay nakatutulong upang mapalitaw ang pangunahing
kaisipan.
C. sa tulong nito ay mas nauunawaan ng mambabasa ang diwa
ng teksto.
D. maaaring bumuo ng mga tanong na may kaugnayan sa
pangunahing kaisipan upang matukoy ang mga ito.
10.Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon tulad ng
pangalan, lugar, paglalarawan, datos at iba pa upang pagtibayin ang
pangunahing kaisipan.
A. paksang pangungusap B. pangunahing ideya
C. pansuportang detalye D. pantulong na kaisipan
11. Ang kamatis na napagkakamalang gulay ay isa palang masustansiyang prutas
na nagtataglay ng Bitamina A at C. Ayon sa mga dalubhasa, ang madalas na
pagkain ng kamatis ay nakatutulong upang makaiwas sa kanser sa bituka (colon
cancer). Ano ang pangunahing kaisipan ng pahayag?
A. Ang kamatis ay isang uri ng prutas.
B. Ang kamatis ay nagtataglay ng mga bitamina.
C. Mahalaga sa kalusugan ng tao ang pagkain ng kamatis.
D. Makatutulong ito upang maiwasan ang kanser sa bituka (colon cancer).

12.Alin sa sumusunod na salita ang hindi ginagamit bilang pantukoy ng pantulong


na kaisipan?
A. Ano B. bakit C. ilan D. sino

13. Ang mga pahayag ay ukol sa pangunahing kaisipan, maliban sa __________.


A. may mga pagkakataong hindi ito lantad sa teksto.
B. ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon.
C. karaniwan itong matatagpuan sa unahang bahagi ng akda.
D. ito ay ang mensahe na nais ipahiwatig ng awtor sa mga mambabasa.
14.Ito ay tumutukoy sa kung tungkol saan ang teksto.
A. detalye B. ideya C. opinyon D. paksa

15. Ang sampaguita ay mabangong bulaklak. Gustong-


gusto ko ang amoy nito. Tuwing Linggo ay bumibili nito ang
nanay ko sa labas ng simbahan. Ang sampaguita ay
paborito kong bulaklak. Ano ang pangunahing kaisipan ng
pahayag?
A. Paborito ko ang amoy ng sampaguita.
B. Mabangong bulaklak ang sampaguita.
C. Laging bumibili ng sampaguita ang nanay ko.
D. Natatangi ang sampaguita sa lahat ng uri ng bulaklak.
16. Ang mga panghalip ay inihahalili maliban sa
__________.
A. pangngalan B. bagay
C. hayop D. lugar
17. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang
maging malinaw at maayos ang kaisipan ng isang teksto?
A. cohesive devices B. talasalitaan
C. istruktura D. talata
18. Sa paggamit ng reperensiyang anapora, saan ito
makikita sa pangungusap?
A. gitna B. hulihan
C. unahan D. kabilaan
19. Ito ay isang uri ng kohesyong gramatikal na
ang paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na
muling ulitin ang salita.
A. Leksikal B. Reperensiya
C. Pang-ugnay D. Substitusyon
20. Sa kohesyong gramatikal, may binabawas na
bahagi ng pangungusap subalit inaasahang
magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang nais
ipahiwatig sa nawawalang salita.
A. Substitusyon B. Pang-ugnay
C. Leksikal D. Elipsis
21. Ito ay inihahalili sa ngalan ng tao, pook, bagay o hayop. Anong bahagi ng
pananalita ang tinutukoy nito?
A. Pandiwa B. Pangatnig
C. Panghalip D. Pangngalan

22.Alin sa mga pahayag ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat?


A. Nagiging mas malinaw at maayos ang daloy ng kaisipan ng
isinusulat.
B. Nagiging maganda ang nilalaman gamit ang mga ito sa pagsulat.
C. Nagiging malawak ang paglalahad sa paksa.
D. Nakaaakit basahin ang isang teksto.

23. Sa paggamit ng reperensiyang katapora, saan ito makikita sa pangungusap?


A. gitna B. hulihan
C. unahan D. kabilaan
24. Ang paggamit ng cohesive devices ay upang maiwasan ang pag-
uulit ng:
A. pangungusap B. parirala
C. mensahe D. salita

25. Anong bahagi ng pananalita nabibilang ang anapora at katapora?


A. Pangngalan B. Pang-abay
C. Panghalip D. Pandiwa

26. Si Teodoro ay isang binata na may edad labingwalo. Siya ay payat,


mahilig mag-basketball at nais niyang may aksiyon sa lahat ng
kaniyang ginagawa.
A. Katapora B. Leksikal
C. Anapora D. Elipsis
27. Ang “at” sa tambalang pangungusap ay nagsisilbing:
A. Pang-ugnay B. Pangatnig
C. Panghalip D. Pandiwa

28. Sa panahon ng ECQ lahat ng mamayang Pilipino ay abala sa


paghahanda ng pagkain, gamot, alchohol, sanitizer, at mapanatili
ang kalinisan ng loob at labas ng bahay.
A. Pag-uulit B. Kolokasyon
C. Pag-iisa-isa D. Pagbibigay kahulugan
29. Ipaglaban mo ang karapatan mo, sumulat ka ng kuwento, at
yakapin mo ang iyong mga magulang. Napagod silang lahat para
makatapos kayo.
A. Anapora B. Katapora
C. Kahulugan D. Pag-iisa-isa
30. Sa gitna ng pandemya, dapat lamang na
pag-ingatan ang kalusugan sa lahat
ng oras dahil ito ay walang pinipili, mayaman
man o mahirap, may pinag-aralan o
wala, at bata man o matanda.
A. Elipsis
B. Kolokasyon
C. Pang-ugnay
D. Substitusyon
PANUTO:
Basahing mabuti ang bawat
pahayag. Tukuyin kung anong uri ng
pagpapahayag ang sumusunod. Isulat
sa iyong sagutang papel kung
PAGSASALAYSAY, PAGLALARAWAN,
PANGANGATWIRAN, o PAGLALAHAD.
1. Sa takot ni Pilato na maalis siya sa tungkulin bilang
gobernadora, nagpakuha siya ng tubig at sa harap ng mga
tao ay nagsabing “Wala akong kasalanan sa dugo ng
banal na taong iyan. Kayo ang bahala”.

2. Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa


pagsusulit ang mag-aaral ay sapagkat hindi siya nagbalik-
aral.

3. Nakipagsiksikan ako sa pawisan, at ngayo’y amoy-suka’t


amoy-anghit ng mga taong nakapaligid sa kung anong
kasiya-siyang tanawin.
4. Noong una talaga, nagdadalawang isip ako
kung paniniwalaam ko ba ang mga naririnig ko,
ngunit nang makita ko kung ano ang naging
epekto ng apoy na galing sa espada ng mga
anghel, naiintindihan ko na ang lahat dahil ito ay
pagpapakita ng pakikipaglaban sa kasamaan.

5. Ang ibig sabihin ng paglalakbay ay pag-alis at


pagpunta sa isang lugar upang maranasan ang
mga kultura rito.
6. Ayon sa Department of Social Welfare and
Development, mahigit sa apat na milyong
mga bata ang napipilitang magtrabaho sa halip na
mag-aral at maglaro.

7. Kaming nga bantay-kanto ay kinatutuyuan daw


nila ng dugo dahil mababaw raw
ang aming kaligayahan.
8. Ang tagumpay ng mga anak sa kinabukasan ay
nakasalalay sa pagpapalaki sa
kanila ng kanilang magulang.
8. Ang tagumpay ng mga anak sa
kinabukasan ay nakasalalay sa
pagpapalaki sa
kanila ng kanilang magulang.

9. Pasyahan na ang kababaihan ay dapat


magkaroon ng pantay na Karapatan o
ekwalidad sa kalalakihan sa lahat ng
aspekto sa buhay.
10. Nakatulala na lamang ang
mga tao, nagbubulungang tila
hindi malaman ang
mainam na gagawin maliban
sa mandilat, umismid at
manuro kay Indong.

You might also like