Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Mga Batas na

Nangangalaga sa
mga Karapatan ng
Manggagawa
ARTIKULO XIII – KATARUNGANG PANLIPUNAN
AT MGA KARAPATANG PANTAO PAGGAWA
Ano nga ba ang layunin nito?

Sek. 3. Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa


lokal at sa ibayong dagat, organisado at di-organisado, at dapat itaguyod
angpuspusang employment at pantay na mga pagkakataon sa
trabaho/empleyo para sa lahat.

Dapat na may karapatan ang mga manggagawa sa katatagan sa trabaho, sa


makataong mga kalagayan sa trabaho, at sa sahod na sapat ikabubuhay.
HANDBOOK
UKOL SA MGA
BENEPISYO
AYON SA BATAS
Republic Act No.6727
(Wage Rationalization Act)
• Nagsasaad ng mga mandato para sa pagsasaayos ng
pinakamababang pasahod o minimum wage na
naaangkop sa iba’t ibang pang-industriyang sektor na
kinabibilangan.
DAGDAG NA BAYAD TUWING PIYESTA OPISYAL
(Holiday Pay – Artikulo 94)
• Tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa na katumbas ng
isang (1) araw na sahod kahit hindi pumasok sa araw ng
piyesta opisyal.

DAGDAG NA BAYAD TUWING ARAW NG PAHINGA O


SPECIAL DAY (Premium Pay –Artikulo 91-93)
• Karagdagang bayad sa manggagawa sa loob ng walong (8)
oras na trabaho sa araw ng pahinga at special days.
DAGDAG NA BAYAD PARA SA TRABAHO NG LAMPAS
SA WALONG ORAS (Overtime Pay – Artikulo 87)
• Karagdagang bayad sa pagtatrabaho na lampas sa walong (8) oras sa
isang araw.

DAGDAG NA BAYAD SA PAGTATRABAHO SA GABI


(Night Shift Differential -Artikulo 86)
• Karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa gabi na hindi bababa 13 sa
sampung porsiyento (10%) ng kaniyang regular na sahod bawat oras
ipinagtrabaho sa pagitan ng ika-sampu ng gabi at ikaanim ng
umaga.
SERVICE CHARGES (Artikulo 96)
• Lahat ng manggagawa sa isang establisimyento o kahalintulad
nito na kumokolekta ng service charges ay may karapatan sa
isang pantay o tamang bahagi sa walumpu’t limang porsiyento o
bahagdan (85%) na kabuuang koleksiyon.

SERVICE INCENTIVE LEAVE (SIL – Artikulo 95)


• Ang bawat manggagawa na nakapaglilingkod nang hindi
kukulangin sa isang (1) taon ay dapat magkaroon ng karapatan
sa taunang service incentive leave (SIL) na limang (5) araw na
may bayad.
MATERNITY LEAVE (RA 1161, as amended by RA 8282)
• Ang bawat nagdadalang-taong manggagawa na nagtatrabaho sa
pribadong sektor, kasal man o hindi, ay makatatanggap ng maternity
leave na animnapung (60) araw para sa normal na panganganak o
pagkakunan; o pitumpu’t walong (78) araw para sa panganganak sa
pamamagitan ng caesarian section.

PATERNITY LEAVE (RA 8187)


• Maaaring magamit ng empleyadong lalaki sa unang apat (4) na
araw mula ng manganak ang legal na asawa na kaniyang kapisan;
Para sa layuning ito, ang “pakikipagpisan” ay tumutukoy sa
obligasyon ng asawang babae at asawang lalake na magsama sa
iisang bubong.
PARENTAL LEAVE PARA SA SOLONG MAGULANG
(RA 8972)
• Ipinagkakaloob sa sinumang solong magulang o sa indibidwal na napag-
iwanan ng responsibilidad ng pagiging magulang

LEAVE PARA SA MGA BIKTIMA NG PANG-AABUSO LABAN


SA KABABAIHAN AT KANILANG MGA ANAK (Leave for
Victims of Violence Against Women and their Children – RA 9262)
• Ang mga babaeng empleyado na biktima ng pang-aabusong pisikal,
seksuwal, sikolohikal, o anumang uri ng paghihirap o harassment ay
may karapatang gumamit ng leave na ito.
SPECIAL LEAVE PARA SA KABABAIHAN (RA 9710)
• Kahit sinong babaeng manggagawa, anoman ang edad at
estadong sibil, ay may karapatan sa special leave benefit.

THIRTEENTH – MONTH PAY (PD 851)


• Lahat ng empleyo ay kinakailangang magbayad sa lahat ng kanilang
rank-and-file employees ng thirteenth-month pay anumang estado
ng kanilang pagkakaempleyo at anuman ang paraan ng kanilang
pagpapasahod. Ang thirteenth-month pay ay ibinibigay sa mga
empleyado nang hindi lalagpas ng ika-24 ng Disyembre bawat taon.
BAYAD SA PAGHIWALAY SA TRABAHO
(Separation Pay – Artikulo 297-298)
• Kahit sino mang manggagawa ay may karapatan sa separation pay kung siya
ay nahiwalay sa trabaho sa mga dahilan na nakasaad sa Artikulo 297 at 298
ng Labor Code of the Philippines. Ang karapatan ng manggagawa sa
separation pay ay nakabase sa dahilan ng kaniyang pagkakahiwalay sa
paglilingkod.

BAYAD SA PAGRERETIRO
(Retirement Pay - Artikulo 3015)
• Ang sinumang manggagawa ay maaaring magretiro sa sandaling umabot
siya sa edad na animnapung (60) taon hanggang animnapu’t limang (65)
taong gulang at nakapagpaglilingkod na ng hindi kukulangin sa limang (5)
taon.
BENEPISYO SA EMPLOYEES’ COMPENSATION
PROGRAM (PD 626)
• Isang programa ng pamahalaan na dinisenyo upang
magbigay ng isang compensation package sa mga
manggagawa o dependents ng mga manggagawang
nagtatrabaho sa pampubliko at pampribadong sektor
sakaling may kaganapang pagkakasakit na may kaugnayan
sa trabaho, pinsala, kapansanan, o kamatayan.
BENEPISYO SA PHILHEALTH (RA
7875, as amended by RA 9241)
• Ang National Health Insurance Program (NHIP), dating
kilala bilang Medicare, ay isang health insurance program
para sa mga kasapi ng SSS at sa kanilang dependents
kung saan ang walang sakit ay tumutulong sa pananalapi
sa may sakit, na maaaring mangangailangan ng
pinansiyal na tulong kapag sila ay na-ospital.
BENEPISYO SA PAG-IBIG
(Republic Act No. 9679)
• Ang Home Development Mutual Fund, na kilala bilang
Pag-IBIG (Pagtutulungan Sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko,
Industriya sa Gobyerno) Fund ay isang a mutual na
sistema nang pag-iimpok at pagtitipid para sa mga
nakaempleyo sa pribado at pamahalaan at sa iba pang
grupo na kumikita.
TAYAHIN
1. Nakapaloob didto na artikulo na dapat magkaloob ang Estado ng lubos na
proteksyon sa paggawa, at pantay na mga pagkakataon sa trabaho/empleyo para
sa lahat. Ano ang artikulo na ito?

a. Artikulo Xl – KATARUNGANG PANLIPUNAN AT MGA KARAPATANG


MAKATAO SA PAGGAWA
b. ARTIKULO XIII – KATARUNGANG PANLIPUNAN AT MGA
KARAPATANG PANTAO PAGGAWA
c. ARTIKULO XX – KATARUNGANG PANLIPUNAN AT MGA
KARAPATANG PANTAO PAGGAWA
d. ARTIKULO XIII - KATARUNGANG LIPUNAN AT MGA KARAPATANG
SA PAGGAWA
TAYAHIN
2. Ang batas na ito ay nagsasaad ng mga mandato Para sa pagsasaayos ng
pinakamababang pasahod o minimum wage na Naaangkop sa iba’t ibang pang-
industriyang sektor na kinabibilangan.

a. DAGDAG NA BAYAD TUWING PIYESTA OPISYAL (Holiday Pay – Artikulo 94)


b. DAGDAG NA BAYAD TUWING ARAW NG PAHINGA O SPECIAL DAY
(Premium Pay -Artikulo 91-93)
c. Republic Act No.6727 (Wage Rationalization Act)
d. SERVICE CHARGES (Artikulo 96)
TAYAHIN
3. Ibinibigay nang hindi lalagpas sa ika-24 ng Disyembre bawat taon sa
mga Manggagawang nakapaglingkod ng hindi bababa sa isang buwan sa
isang taon.
A. 13th Month Pay C. PAG-IBIG Benefits
B. Service Charges D. SSS Benefits

4. Alin sa mga ito na kinokolekta ang mga hotel, restaurant,


night club at iba pa na Ang 85% ay ipinamahagi ng pantay sa
lahat ng manggagawa nito?
 A. Bonus C. Service Charges
B. SIL D. Holiday Pay
 
TAYAHIN
5. Ibinibigay sa mga manggagawang nagdadalang-tao, kasal man o hindi.
 A. Special leave for Women C. Maternity Leave
 B. Parental leave for Solo Parent D. Paternity Leave

6. Kahit sinong babaeng manggagawa, anoman ang edad at estadong sibil


kay makatanggap nito.
7. Ang sinumang manggagawa ay maaaring magretiro sa sandaling
umabot siya sa edad na animnapung (60) taon hanggang animnapu’t
limang (65) taong gulang.
TAYAHIN
8. Limang araw na may bayad na ipinagkaloob sa manggagawang
nakapaglingkod ng hindi bababa sa isang taon.

A. Service Charges C. Service Incentive Leave


B. B. Wage Rationalization Act D. 13th Month Pay

You might also like