Modyul 7 Ang Impormal Na Sektor

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

ANG IMPORMAL

NA SEKTOR: MGA
DAHILAN AT
EPEKTO NITO SA
EKONOMIYA
ANO NGA BA ANG
IMPORMAL NA
SEKTOR?
 (W.ARTHUR LEWIS)
-uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga
bansang papaunlad pa lamang (developing
countries)
-uri ng trabahong hindi bahagi ng
makabagong sektor ng industriya.
 (KEITH HART)
-uri ng hanapbuhay ng tao.
 INTERNATIONAL LABOR
ORGANIZATION
-binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng
pagbuo ng produkto at serbisyo na may
layuning makalikha ng empleyado o trabaho
at magdulot ng kita sa taong lumalahok dito.
 (CLEOFE S. PASTRANA)
- nakatutulong sapagkat nakapagbibigay
ito ng empleyo o trabaho sa mga
mamamayan
- nagdudulot din ng pagkakalikha ng mga
produkto at serbisyong tutugon sa ating mga
pangangailangan.
DAHILAN AT
EPEKTO NG
IMPORMAL NA
SEKTOR
DAHILAN:
 Makaligtas sa pagbabayad ng buwis ng pamahalaan
 Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na
proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan o
bureaucratic red tape
 Mapangibabawan ang matinding
kahirapan
 Kawalan ng regulasyon sa pamahalaan
 Makapaghanapbuhay nang hindi
nangangailangan ng malaking capital o
puhunan
EPEKTO:
 Pagbaba ng halaga ng nalikom na buwis
 Banta sa kapakanan ng mamimili
 Paglaganap ng mga illegal na Gawain
MGA BATAS,
PROGRAMA AT
PATAKARANG PANG-
EKONOMIYA KAUGNAY
SA IMPORMAL
REPUBLIC ACT 8425
 Kilala din bilang Social Reform and Poverty Alleviation
act of 1997
 Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na
sektor bilang isa sa mga disadvantaged sektor ng
lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa
pamahalaan sa aspektong panlipunan, pang-ekonomiko,
pamamahala at maging ekolohikal.
REPUBLIC ACT 9710
 Nilagdaan noong Agosto 14, 2009 at kinilala
bilang Magna Carta for Women
 Kumikilala ito sa ambag at kakayahan ng
kababaihan para itaguyod ang pambansang
kaunlaran
REPUBLIC ACT 9710
 Sa ilalim ng batas na ito ay inaalis ang lahat
ng anumang uri ng diskriminasyon laban sa
kababaihan, kinikilala at pinangangalagaan
ang kanilang karapatang sibil, politikal, at
pang ekonomiya gaya na lamang ng
karapatan ng pagkain at mga
pinagkukunang-yaman.
PRESIDENTIAL DECREE 442
 Ito ay mas kilala bilang Philippine Labor Code
 Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng bansa para
sa mga manggagawa.
 Ito ay naglalaman ng mga probisyon para sa “espesyal
na manggagawa”—kabilang ang mga Industriyal
homeworker, kasambahay, batang manggagawa at
kababaihan na kabilang sa impormal na sektor.
REPUBLIC ACT 7796
 Ito ay ang Technical Education and Skills Developmant
Act of 1994
 Layunin ng batas na ito na hikayatin ang kabuuang
partisipasyon at pakikiisa ng iba’t ibang sector ng
lipunan gaya ng industriya, paggawa, lokal na
pamhalaan, teknikal at bokasyon na mga institusyon
upang mapaghusay ang mga kasanayan para sa
pagsasabatas o pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao
ng ating bansa.
REPUBLIC ACT 8282
 Ito ay tinatawag din bilang Social Security Act of
1997
 Itinadhana ng batas na ito na tungkulin ng estado
na paunlarin, pangalagaan at itaguyod ang
kagalingang panlipunan at seguridad ng mga
manggagawa higit sa lahat ay dumanas ng
pagkakasakit, kapansanan, panganganak, pagsapit
ng katandaan.
SOCIAL SECURITY SYSTEM
(SSS)
 Ahensiya ng pamahalaan na may
tungkulin para itaguyod ang
Panseguruhan ng Kapanatagang
Panlipunan ng mga Pilipino.
REPUBLIC ACT 7875
 Kilala bilang National Health Insurance Act of 1995
 Sa pamamagitan nito naitatag ang Philippine Health
Insurance Corporation(PHILHEALTH)
Na naglalayong mapagkalooban ang lahat ng mga
mamamayang Pilipino ng isang maayos at
sistematikong kaseguruhang pangkalusugan
 R. A. 7607
-Magna Carta for Small Farmer
 R.A. 6977
-Magna Carta for Small Enterprise
 R.A 9178
-Barangay Microbusiness Enterprise
PROGRAMA AT
PROYEKTO NG
PAMAHALAAN PARA
SA MGA MAMAMAYAN
NA BUMUBUO SA
IMPORMAL NA
1. DOLE INTEGRATED
LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)
 Ipinatutupad ng Department of Labor and
Employment (DOLE) na nauukol sa
pangkabuhayang pangkaunlaran sa
pamamagitan ng pagsasanay ng mga
mamamayan particular na para sa mga self-
employed at mga walng sapat na hanapbuhay
2. SELF-EMPLOYMENT
ASSISTANCE KAUNLARAN
PROGRAM
 Isa sa mga pangkabuhayang programa ng (SEA-K)
DSWD na
nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay upang
mapaunlad ng mga mahihirap na pamilya ang kanilang
mga kasanayan at makapagsimula ng sariling
negosyong pangkabuhayan at pagtatayo ng mga
samahang panlipunan na maaaring mapgpautang sa mga
kasapi gaya ng Self-Employment Kaunlaran Association
(SKA’s)
3. INTEGRATED SERVICES FOR
LIVELIHOOD ADVENCEMENT OF
THE FISHERFOLK (ISLA)
 Ito ay para sa mga munisipalidad o bayan na ang
pangunahing ikinabubuhay ay pangingisda.
 Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mangingisda sa
pamamagitan ng pagkakaloob ng mga pagsasanay
upang mas mapahusay pa nila ang kanilang
hanapbuhay
4. CASH FOR WORK PROGRAM
(CWP)
 Ito ay programa ng DSWD na kung saan sa ilalim nito ang
mga biktima ng kalamidad o mga evacuee ay bibigyan ng
kabayaran kapalit ng serbisyong kanilang isasagawa o
pagtulong sa panahon ng rehabilitasyon o rekunstruksiyon ng
mga nasalantang lugar.
 Ipinatupad ng pamahalaan bilang pansamantala o
alternatibong mapagkukunan ng kabuhayan o kita ng mga
taong nawalan ng hanapbuhay.
BENEPISYO SA
PAGRERETIRO
 Ang sinumang manggagawa ay maaaring
magretiro sa sandaling umabot siya sa edad
na animnapung taon (60) taon hanggang
animnapu’t anim (65) taong gulang at
nakapaglingkod na ng hindi kukulangin sa
limang taon.
BENEPISYO SA EMPLOYEES’
COMPENSATION PROGRAM (PD
 Isang programa ng pamahalaan na dinisenyo upang626)
magbigay ng isang compensation package sa mga
manggagawa o dependents ng mga manggagawang
nagtatrabaho sa pampubliko at pampribadong sector
sakaling may kaganapang pagkakasakit na may
kaugnayan sa trabaho, pinsala, kapansanan o
kamatayan.
BENEPISYO SA PHILHEALTH
 Ang National Health Insurance Program dating
kilala bilang Medicare ay isang health insurance
program para sa mga kasapi ng SSS at sa kanilang
dependents kung saan ang walang sakit ay
tumutulong sa pananalapi sa may sakit na
maaaring mangangailangan ng pinansiyal na
tulong kapag sila ay naospital.
BENEPISYO SA PAG-IBIG (R.A.
9679)
 Isang mutual na Sistema nang pag-iimpok at pagtitipid
para sa mga nakaempleyo sa pribado at pamahalaan at
sa iba pang grupo na kumikita, na suportado sa
pamamagitan ng parehas na ipinag utos na mga
kontribusyon ng kani-kanilang mga may-pagawa na
ang pangunahing investment ay pabahay.

You might also like