Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

PAGSULAT

NG
ISPORTS
MGA LAYUNIN:
01 02
Naipakikita ang Naipaliliwanag ang
kaalaman sa batayang katuturan,katangian, uri at
nilalaman ng balitang mga paraan ng pagsulat ng
pampalakasan; balitang pampalakasan;

03 04
Naipakikita ang kaalaman Naipakikita ang
sa paraan ng pagkuha ng kaalaman sa pagsulat ng
ulat para sa balitang isang mahusay na
pampalakasan; balitang pampalakasan.
:
Ang balitang pampalakasan
(sports news) ay isang uri ng
natatanging balita ukol sa iba’t
ibang uri ng laro na salig sa
tuwirang balita subalit karaniwa’y
nasusulat sa pamaraang action
story.
Katangian ng Balitang
• PAMPALAKASAN
Sumasagot sa 5 W at sa • Gumagamit ng natatanging uri
H - Ano? (what), Sino? ng talasalitaan (sports lingo)
(who?),Saan? (where?), na hindi kaagad mauunawaan
Kailan? (when?), ng karaniwang mambabasa.
Bakit? (why?)at
Paano?(how?).
• Gumagamit ng makulay na
• Nagtataglay ng salita, maraming pang-uri,
kapana-panabik na mahahabang pangungusap
pasimula na na di ginagawa sa pagsulat
naglalarawan ng kilos ng tuwirang balita.
at paglalaban.
MGA URI NG
BALITANG
PAMPALAKASA
N
1. Paunang Balita (Advance News)

 Nagbabalita ng napipintong
labanan. Ito'y naglalaman ng mga
nakaraang paglalaban ng bawat
koponan at mga manlalaro, ang
kanilang kakayahan at kahinaan
na maaaring gawing saligan
upang hulaan ang magiging
kalalabasan ng laban.
1. Paunang Balita (Advance News)
Sa pagsulat ng paunang balita,
karaniwang isina-sama ang mga
sumusunod:
1. Kahalagahan ng laro. Ito ba'y
torneo, ligiran (round robin), tampok
na labanan, kampeonato o larong
eksibisyon?
2.Tradisyon at kasaysayan.
1. Paunang Balita (Advance News)
3. Talaan ng mga kasapi sa bawat
panig ng maglalaban.
4.Pagsusuri ng lakas at kahinaan ng
bawat manlalaro o koponan.
5. Kalagayang pisikal at kaisipan ng
mga kalahok.
6. Kalagayan ng panahon.
1. Paunang Balita (Advance News)

7. Paraan ng paglalaro ng bawat


panig.
8. Pook at kapaligiran ng
pagdarausan ng laro.
9. Ang mga tinatayang manonood.
10. Sino kaya ang makakalamang?
11. Naiibang pangyayaring katangi-
tangi.
2. Kasalukuyang Balita (Actual Coverage)

Ito'y nag-lalahad ng nagaganap na laro.


Naglalaman ito ng mga mahalagang ulat
tulad ng:
1. Kinalabasan ng Iskor. Sino ang
nanalo? Ilan ang iskor ng bawat koponan?
Nagkaroon ba ng kagu-luhan, o nahinto
ba ang laro dahil sa ulan? Nagkaroon ba
ng patas (tie)? Lubhang mahalaga ang
kinalabasan.
2. Kasalukuyang Balita (Actual Coverage)

2.Kahalagahan ng Kinalabasan
(Significance of the outcome). Ano
ang nakalaan? Isang kampeonato?
Ligiran? Torneo? Eksibisyon o isang
tampok na laro?
Nagkaroon ba ng "see-sawing" iskor?
Sinong nagkamit ng tropeo?
2. Kasalukuyang Balita (Actual Coverage)

3. Natatanging Laro (Spectacular


Game) – Bakit nagwagi ang
koponan? Banggitin ang huling
sandaling garambolahan.
2. Kasalukuyang Balita (Actual Coverage)

4. Paghahambing ng Koponan o ng
Manlalaro. (Comparison of Teams and
Players)
- Suriin ang kanilang taas, timbang,
kahusayan at karanasan. Sa anong bahagi
ng paglalaro nakalamang ang mga
nagwagi? Saang bagay naman mahina ang
natalo?
2. Kasalukuyang Balita (Actual Coverage)

5. Natatanging Manlalaro o Tampok na


Mania-Taro (Individual Star Players)
- Sino ang nagdala ng koponan upang
manalo? Paano niya ginawa ito? Sino-sino
ang mga tampok na manlalaro? Matatag ba
ang kamay ng pitcher sa sopbol o beisbol?
2. Kasalukuyang Balita (Actual Coverage)

6. Kalagayan ng Panahon (Weather


Condition)
Umuulan ba? Matindi ba ang sikat ng araw?
Maputik ba o maalikabok?
7. Ang mga Manonood at ang Pagdiriwang
(Crowd and Celebration)
- Magulo ba ang mga manonood?Gaano sila
karami?
Paraan ng Pagkuha ng Ulat Para sa Balitang
Pampalakasan/Isports
Bago ang
Laro:
1. Pag-aralang mabuti ang mga tuntunin, paraan, pag-
iiskor at estratehiya ng laro.
2. Kapanayamin ang mga mahahalagang taong may
kinalaman sa gaganaping palaro.
3.Alamin ang buong pangalan ng mga kalahok, ang
kanilang numero sa harap at likod, tungkulin sa laro,
timbang, taas, atbp.
Paraan ng Pagkuha ng Ulat Para sa Balitang
Pampalakasan/Isports
A. Bago ang
Laro:
4.Kung maari, dumalo sa mga pagsasanay upang
makilala ang mga manlalaro at ang kanilang
tagaturo (coach).
5.Itala ang mga nakuhang ulat. Isama rito ang
maha-
halagang anekdota na maaaring banggitin sa
isusulat na balita
Paraan ng Pagkuha ng Ulat Para sa Balitang
Pampalakasan/Isports
B.Sa Panahon ng
Paglalaro:
1. Pumili ng isang magandang puwesto nang hindi
makaligtaan ang mga tampok na pangyayari. Tan-
daan na ikaw ay isang reporter at hindi isang taga-
hanga (fan) na pumapalakpak.
2. Itala ang mga kapana-panabik, mahahalaga at di-
inaasahang pangyayari. Talasan ang paningin sa
mga mahahalagang laro at nakatutuwang
pangyayari.
Paraan ng Pagkuha ng Ulat Para sa Balitang
Pampalakasan/Isports
B.Sa Panahon ng
Paglalaro:
3. Matyagan ang mga sumusunod na bagay
tulad ng:
a. Mahalagang laro na nakapagbigay-aliw sa mga
mambabasa.
b. Di-inaasahan at di-pangkaraniwang pangyayari
tulad ng isang baguhan na nagpamalas ng gilas.
Paraan ng Pagkuha ng Ulat Para sa Balitang
Pampalakasan/Isports
B.Sa Panahon ng
Paglalaro: kagalingan ng mga manlalaro tulad ng
c.Pansariling
pinakamaraming rebounds, liban sa may
pinakamataas ng puntos (highest pointer).
d. Nakatatawang pangyayari, ngunit hindi "korni"
e. Ang binigkas ng manlalaro, tagaturo at mano-
nood hinggil sa pinakamatampok na bahagi ng
paglalaban.
f.Tanyag o kilalang taong nanonood ng laro.
g.Iskor na dapat maging tumpak.
Paraan ng Pagkuha ng Ulat Para sa Balitang
Pampalakasan/Isports
C. Pagkatapos ng Laro:
1. Kunin ang opisyal na iskor sa mga kinauukulan.
2. Kapanayamin ang tagaturo (coach) o ang
tanging manlalaro nang makuha ang kanilang
palagay sa laro, kung paano sila nakalamang,
natalo, atb.
3. Alamin din ang inasal ng mga nanonood.
4. Kunin ang inside story tulad ng dahilan ng
kanilang pagwawagi o pagkatalo.
Paraan ng Pagkuha ng Ulat Para sa Balitang
Pampalakasan/Isports
C. Pagkatapos ng Laro:
5. Huwag kaliligtaang kunin ang lahat ng pangalan
at ng mahalagang iskor, minuto at segundo na
kailangan sa isusulat na balita; gayon din sa iskor
sa assist, foul, rebound, kung sa basketball; foul
ball, strike out sa softball atb., bago umalis sa lugar
na pinaglalaruan.
6.Isama na rin ang tuwirang sinabi ng coach o ng
manlalaro. Magbibigay ito ng pansariling ulat at
drama sa balita.
Paraan sa Pagsulat ng Balitang Pampalakasan/Isports

a. Ang Pamatnubay b. Ang Katawan ng c. Wakas


Balita
Ang pamatnubay ay Ang katawan ay naglalahad Buuin ngayon ang mga ito
maaaring magbigay ng buod ng mga detalye at iba pang sa paraang natural. Kung
ng pangyayari. Karaniwang sangkap ng hindi gaanong nais ilahad ang
sumasagot ito sa mga naipaliwanag sa unang pinakamahalagang pangyari
tanong na Ano?, Sino?, talata. mula sa simula hanggang sa
Kailan?, Bakit?, at Paano?. wakas, isulat ang balita sa
Huwag ilagay kaagad ang Ang talang isusulat ay dapat pinakamahalagang bahagi o
lahat ng ito. Pilin lamang na magtaglay ng mga sumu- pangunahing paksa. At
yaong sa iyong palagay ang sunod na sangkap na maaari ring isulat sa pama-
pinakamahalaga. inihanay ayon sa kanilang raang baligtad na piramide
MGA KATAWAGANG
PAMPALAKASAN
1. Basketbol - kwintet, gol o buslo, dribol, bantay,
unang kalahati, pagbubuslong, pagkalawit, rebaun,
teknika! pawl, hooksyat, leyap, 30-saglit na patakaran.
2. Beisbol at Sopbol - pitser, katser, straykawt, ining,
ampayr, homran, playingbol, rolingbol, bant, slayd,
short-stap,pilder, pawlbol
3 Balibol - spaik, pleysing, kil, walop, streytset,
spayker,netbol, serber, tagasalag.
MGA KATAWAGANG
PAMPALAKASAN
4. Takbuhan - takbuhang malapitan (100-200-80-m), tak-
buhang malayuan (800 at 1500-m; takbuhang may
hadlang: (110-m mataas, 400-m mababa at 8-m mababa);
takbuhang abutan; ipinasa ang baton or relay (4 x 100 at 4
× 400).
5. Linang (field) - inihagis ang dyabelin, inihagis ang
shatput,
inihagis ang diskas, kandirit-hakbang-lundag, brodjamp,
longjump, polbot .
Note: Maaari na ngayong gamitin ang English sports
terms sa pagsulat ng mga sulating isports sa Filipino.
Iba't ibang Artikulong Mailalalathala sa
Pahinang
Pampalakasan
1. Lathalain (features); a) pangkatauhang dagli (personality sketch); b)
panayam (interview story); c) pang-kasaysayan,(historial feature)
gaya ng kasaysayan ng olimpiyada o ng larong basketbol; d)
lathalaing panlibang (entertainment feature); at e) lathalaing
nagpapabatid (informative features) gaya ng kung papapaano nilalaro
ang patintero o ang sungka.
2. Nakapupukaw-damdaming kwento o salaysay (humaninterest story)
3. Tudling (editorial column)
4. Pangulong tudling sa palakasan (sports editorial)
5. Maaari ring ilathala sa pahinang palakasan ang editoryal kartun at
ang mga larawan o ilustrasyon hinggil sa laro.

You might also like