Aralin 25 Kalakalang Panlabas

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Aralin 25

Kalakalang Panlabas
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Panimula
• “No man is an island.” Nagpapatunay ito na
sa buhay ay kailangan natin ng karamay o
kasama.
• Ang konseptong ito ay hindi lamang akma sa
tao kundi maging sa isang bansa.
• Sa larangan ng mga bansa, ang kasabihang
ito ay makikita sa pampolitika, panlipunan, at
sa pang-ekonomikong usaping na
masasalamin sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan.
Kalakalang Panlabas
• Ito ay tumutukoy sa
pakikipagkalakalan
(pagbili at pagbebenta ng
kalakal) ng isang bansa
sa ibang bansa.
• Ito ay nagaganap
sapagkat walang bansa
ang maaring makatugon
ng lahat kanyang
pangangailangan ng
walang tulong mula sa
ibang bansa.
Batayan ng Kalakalang Panlabas
• Absolute Advantage
• Comparative Advantage
Absolute Advantage
• Ang isang bansa ay masasabing may
absolute advantage sa pagprodyus sa isang
kalakal kung nakakalikha ito ng mas
maraming bilang ng produkto gamit ang mas
kaunting salik ng produksyon kumpara sa
ibang bansa.
• Aling bansa ang may absolute advantage sa
produksyon ng wheat?
• Aling bansa ang may absolute advantage sa
produksyon ng DVD?
Comparative Advantage
• Ang isang bansa ay masasabing may
comparative advantage sa pagprodyus sa
isang kalakal kung ito ay magkakaroon ng
espesyalisasyon sa paglikha ng kalakal.
• Masasabi na ang isang bansa ay may
comparative advantage sa paggawa ng
isang kalakal kapag kaya niyang gawin ang
kalakal na mas efficient kompara sa ibang
bansa.
Comparative Advantage
• Ang mga bansa ay dapat na
magpakadalubhasa at mag-export ng mga
kalakal kung saan siya ay may comparative
advantage at mag-import na lamang ng mga
kalakal na wala siyang comparative
advantage sa pagprodyus.
• Aling bansa ang may espesyalisasyon sa
produksyon ng wheat?
• Aling bansa ang may espesyalisasyon sa
produksyon ng DVD?
• Dapat pa bang mag-import ng DVD ang South
Africa sa Japan?
Export
• Pagluluwas o pagbebenta ng produkto sa
ibang bansa.
Import
• Pag-angkat o pagbili ng produkto sa ibang
bansa.
Balance of Trade (BOT)
• Tumutukoy sa
kalagayan ng kabayaran
ng pagluluwas (export)
at kabayaran sa pag-
aangkat (import).
• Mayroong trade deficit
kung mas mataas ang
import sa export
samantalang trade
surplus naman kung
mas mataas ang export
sa import.
Kabutihan ng Pakikipagkalakalan
• Mas maraming produkto ang mapagpipilian
sa pamilihan.
• Napapataas nito ang kalidad ng mga
produkto na mabibili sa pamilihan.
• Nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga
mamamayan ng bansang
nakikipagkalakalan.
• Lumalawak ang pamilihan ng mga produkto
sa bansa.
Di-kabutihan ng Pakikipagkalakalan
• Nagiging palaasa ang mga mamamayan sa
produktong imported.
• Hindi nalilinang ang pagkamalikhain ng mga
mamamayan dahil umaasa na lamang sila
sa mga produktong gawa sa ibang bansa.
• Pagkawala ng sariling pagkakakilanlan
bunga ng pagpasok ng dayuhang kultura sa
lipunan.
Film Viewing:
SALAM – Knowldege Channel
• Anu-anong mga problema na dulot
ng globalisasyon (malayang
kalakalan) ang ipinapakita sa
video? Ano ang epekto nito sa
ating ekonomiya?
• Ano ang maaring gawin ng
pamahalaan upang malutas ang
mga suliraning ito.
Samahang Pandaigdigang Pang-
ekonomiko
World Trade Organization
• Pormal na pinasinayaan at
nabuo noong Enero 1, 1995. Ito
ay kinikilala bilang samahang
namamahala sa pandaigdigang
patakaran ng sistema ng
kalakalan o global trading
system sa pagitan ng mga
kasaping estado o member
states. Sa kasalukuyan, ito ay
binubuo ng 160 bansang
kasapi.
World Trade Organization
• Layunin nito ang:
• Pagsusulong ng isang maayos at malayang
kalakalan sa pamamagitan ng pagpapababa sa
mga hadlang sa kalakalan (trade barriers);
• Pagkakaloob ng mga plataporma para sa
negosasyon at nakahandang magbigay tulong-
teknikal at pagsasanay para sa mga papaunlad
na bansa (developing countries);
• Mamagitan sa mga pagtatalo ng mga kasaping
bansa kaugnay sa mga patakaran o magpataw ng
trade sanction laban sa isang kasaping hindi
umaayon sa desisyon o pasya ng samahan;
Asia-Pacific Economic Council
(APEC)
• Ito ay isang samahang may
layuning isulong ang
kaunlarang pang-ekonomiya
at katiwasayan sa rehiyong
Asia-Pacific kaugnay na rin
ng pagpapalakas sa mga
bansa at pamayanan nito. Ito
ay itinatag noong
Nobyembre 1989 at ang
punong himpilan nito ay
matatagpuan sa Singapore.
Asia-Pacific Economic Council
(APEC)
• Layunin ng APEC ang mga sumusunod:
• Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at
pamumuhunan
• Pagpapabilis at pagpapadali ng
pagnenegosyo
• Pagtutulungang pang-ekonomiya at teknikal
Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN)
• Itinatag noong August 8, 1967.
Ang samahang ito ay
naglalayong paunlarin ang
ugnayan ng mga bansa sa
Timog-Silangang Asya.
• Sa aspektong pang-
ekonomiko, ang samahang ito
ay naglalayong paunlarin at
isulong ang malayang
kalakalan sa bawat kasapi ng
ASEAN pati ang mga bansang
dialogue partner nito.
Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN)
• Upang maging ganap ang pagnanais na ito, ay
nagkaroon ng kasunduang tinawag na ASEAN
Free Trade Area (AFTA) na nilagdaan noong
January 28, 1992 sa Singapore.
• Ito ay nakabatay sa konsepto ng Common
Effective Preferential Tariff (CEPT) o ang
programang nagsusulong ng pag-aalis ng taripa
at quota upang maging ganap ang pagdaloy ng
produkto sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
TAKDA:

PAGPAPAHALAGA

• Bakit nagkakaroon ng kalakalan sa


pagitan ng mga bansa?
• Paano binago ng pag-unlad ng pag-
aaral ng ekonomiks ang kaisipan
tungkol sa kalakalang panlabas?
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like