Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

PAGBASA AT PAGSUSURI SA

IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO


SA PANANALIKSIS
Aralin 8

Teksto ng mga Paraan


(Prosidyural), Mga
Detalyeng Sunod-sunod at
May Kaisahan
PAMBUNGAD NA GAWAIN

Isang mahalagang pangyayari na


nagturo ng aral sa atin ukol sa
paghahanda at kaligtasan ang
nakaraang storm surge o daluyong,
malaking along likha ng matinding
hangin na dala ng isang bagyo.
Ang lungsod ng Tacloban ang pinakanapinsala ng storm
surge sanhi ng bagyong Yolanda. Hanggang sa
kasalukuyan ay pilit at untiunting bumabangon ang ating
mga kababayan sa sakunang kanilang sinapit.

Ayon sa Climate Change Commission ng ating bansa,


dahil sa lumalalang kalagayan ng ating panahon bunga
ng climate change, mahalagang maging handa tayo sa
daluyong lalo na at taon-taon tayong hinahampas ng
malalakas na bagyo.
Teksto ng mga Paraan
Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na pagkakasunod-
sunod ng paglalahad ng mga pangyayari upang hindi
makalikha ng anumang kalituhan. Ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga hakbang mula sa una
hanggang sa huling detalye ay makatutulong upang higit
nating maunawaan ang mga napakikinggan o nababasa.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Teksto ng mga Paraan
1. Layunin Ano ang gusto mong matamo sa
iyong sulatin? Magbigay ng malinaw na panuto
upang buong tiwalang maisasagawa ng mga
mambabasao mga nakikinig ang isang gawain.

2. Tagatanggap -Para kanino ka nagsusulat? Sa


guro ba, mga kapwa-mag-aaral, grupo ba?

3. Pagkakakilanlan Sumusulat ka ba bilang


awtoridad o eksperto sa paksa
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Teksto
ng mga Paraan

1. Layunin Ano ang gusto mong matamo sa iyong


sulatin? Magbigay ng malinaw na panuto upang
buong tiwalang maisasagawa ng mga
mambabasao mga nakikinig ang isang gawain.

2. Tagatanggap -Para kanino ka nagsusulat? Sa


guro ba, mga kapwa-mag-aaral, grupo ba?

3. Pagkakakilanlan Sumusulat ka ba bilang


awtoridad o eksperto sa paksa?
Mga Katangian ng Mabisang Teksto ng mga
Paraan

Layunin ng teksto ng mga paraan na ipabatid sa mga


mambabasa o mga nakikiig Kung paano gawin ang isang
bagav. Inilalahad ang mga impormasyon sa lohikal na
pagkakaayos ng mga pangyayari at nahahati sa mas
maliliit pang detalye. Kadalasang binubuo ng apat na
bahagi ang isang proseso.

1. Layunin. Ano ang dapat gawin?

2. Mga kagamitan. Nakatala ito ayon sa pagkakasunod-


sunod ng gamit nito sa proseso.
3. Metodo. Ito ang mga pamamaraan o serye ng mga
hakbang.

4. Ebalwasyon. Paano masusukat ang tagumpay ng


isang pamamaraan o paraan?
Mga Gabay sa Pagsulat ng Teksto ng mga
Paraan

1. Karaniwan nang isinusulat ang teksto sa simple at


pangkasulukuyang panahon.

2. Tumuon sa pangkalahatan sa halip na sa sarili ("una,


kunin mo" sa halip na "una, kukunin ko"). Ang tinutukoy
na pangkalahatan ay ang mambabasa.

3. Gumamit ng mga salitang nagsasaad ng kilos


(putulin, hatiin, tupiin, hawakan, kunin, at iba pa.)
4. Gumamit ng cohesive devices upang mapagdugtong
ang mga teksto.

5. Isulat ang pamamaraan sa detalyadong


pagkakaayos (maingat na gamitin ang gunting); saan
(mula sa itaas pababa); kailan (matapos kumulo).

6. Magdagdag ng detalyadong paglalarawan ng mga


bagay (hugis, laki, kulay, dami)
Makatutulong din ang sumusunod na cohesive devices sa
pagsulat ng tekstong prosidyural:
MGA COHESIVE
LAYUNIN DEVICES
-GANOON DIN/GAYUNDIN
1.PAGDARAGDAG -AT/ATSAKA
-BILANG KARAGDAGAN/DAGDAG PA
RITO/RIYAN/ROON

2.KABAWASAN SA -MALIBAN SA/SA MGA/KAY/KINA


KABUUAN -BUKOD SA/ SA.MGA/KAY/KINA
-BILANG HALIMBAWA
3. HALIMBAWA -ILAN SA MGA HALIMBAWA

4. PAG-UUGNAY NG - KAUGNAY NITO/NIYAN


MGA PANGUNGUSAP -ILAN SA MGA HALIMBAWA
O TALATA

5. PAGSUSUNURAN
NG KALAGAYAN --KASUNOD NITO
--KASUNOD NIYAN
O PANGYAYARI
Upang mapaunlad o malinang ang ating kaalaman sa
pagsulat ng tekstonhg prosidyural, mahalaga ang
organisasyon ng mga bahagi nito. Nakatutulong ito sa
pagsusunod-sunod ng mga impormasyon sa lohikal na
ayos. Tandaang ang mga salita ay nararapat na angkop na
terminolohiya para sa disiplinang paggagarnitan ng
tekstong prosidyural.
TEKSTO NG MGA PARAAN
Ang pagkakasulat ng paliwanag
Detalyadong sa isang tekstong prosidyural ay
pagkakaayus at nararapat na detalyado at
paglalarawan
maayos na naglalarawan ng
gagawin.

Ang paggamit ng tamang


cohesive devices
cohesive devices ay lubos na
makatutulong upang maisaayos
sa lohikoal na pagkakasunod-
sunod ang pamamaraang
babanggitin
Ang paggamit ng payak at
Simpleng salita madaling intindihin na mga
salita at angkop na
terminolohiya ay
makatutulong upang ang
gawain ay maisakatuparan
nang maayos ng babasa rito.

Proseso sa
pangkahalatang Makabubuti rin ang maayos
konsepto na pagpapaliwanag sa buong
prosesd upang makatiyak ang
babasa at magsasagawa ng
gawain na tama ito.
SALAMAT SA PAKIKINIG
🤗🤗🤗🤗🤗🤗🤗🤗

You might also like