Mahigit na tatlong daang pananakop ng mga Kastila at Masasabing “nakatikim” ang sambayanang Pilipino ng kalayaang sibil. Lumaya ang isipan at damdamin ng mga Pilipino mula sa makipot at malupit na mga dogma at doktrina ng mga Kastila lalo na ng mga pare. ▪Tunay na ang mga Pilipino’y may “bagong panginoon” ngunit kung ihahambing sa “dating malupit na panginoon,” ang mga Amerikano’y nagdulot ng mga kaluwagang sa mga nasanay maalipin sa loob ng daang-daang taon ay hindi na sukat mapaniwalaan. Mga Katangian ng Panitikan sa Panahong Ito ▪Tatlong pangkat ng mga manunulat ang kumakatawan sa panahong ito: 1) Ang mga manunulat sa Kastila ay naging mahilig sa pagpapahayag ng damdaming makabayan at pagpaparangal kay Rizal at sa iba pang naging bayani ng lahi. 2) Ang mga manunulat sa Tagalog ay nagpatuloy sa maligayang pagpapahayag na may daing sa kaapihan ng bayan at may pagpapasigla, pagmamahal at pagtatangi sa sariling wika. 3)Ang mga manunulat sa Ingles ay nagtataglay ng mababaw na panunulad sa pamamaksa at pamamaraang Amerikano. Ngunit sa kalahatan, ang Panitikang Filipino sa panahong ito ay sumusunod sa romantisismo ng Europa. Naging palasintahin ang himig ng halos lahat ng mga naisulat na sa bayan, sa kapwa at iba pa.
Ang Romantisismo sa Panitikan
▪Naging isang mabisang kasangkapan ng mga Amerikano ang pagpapalaganap ng romantisismo sa kanilang lahatan at mabi- lisang pagbabago sa katutubong kamalayang Pilipino. ▪Ito ang uring nahihimig sa romantisismo ng Kanluran- lubhang Emosyonal, (kaya’t tuwina’y tigmak ng luha) malabis ang pagkamoralistiko, (kaya’t ang himig ay sermon sa pulpito) sadyang sumusumang sa hindi kayang abutin ng isipan, dumadakila sa kagandahan at kapangyarihan ng kalikasan, gumagamit ng matayog na imahinasyon o guniguni at bumabandila ng tungkol sa kalayaang sarili.
Mga katangiang romantiko na napapaloob sa mga
pampanitikang sulatin noon: 1) Ito’y tungkol sa pag-iibigan ng isang mahirap at mayaman. -Napapaloob din dito ang pag-aalitan ng pamilya ng dalaga’t binata na siyang paksa ng Romeo and Juliet ni Shakespeare. 2) Pagpaksa sa katutubong buhay sa mga lalawigan, lalong-lalo na sa malalayong nayon. 3)Pinalutang din ang mga tauhang kahanga-hanga, ang mga maiinam na katangian o iyong tinatawag na mga romantikong bayani. Ang pangunahing tauhang lalaki ay laging makisig, marangal, matipuno, maaasahan, may prinsipyo at tapat sa pag-ibig. Ang pangunahing tauhang babae naman ay lagi nang kaibig-ibig, maganda ang pag-uugali, mapagtiis, maunawain, balingkinitan ang pangangatawan, matimtiman at higit sa lahat, tapat sa pag-ibig. - Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang panitikang romantiko ay yaong nagbibigay ng aral batay sa mga ipinangangaral ng relihiyong Kristiyanismo. Sa tuwi-tuwina, ikinikintal sa isipan na ang masama’y pinarurusahan at ang mabuti’y tumatanggap ng karampatang gantimpala. Ito’y makakamtan kung hindi man dito sa lupang ibabaw ay doon sa kabilang buhay. Ito ang tinatawag na tamang kaayusang pangkalahatan at siyang maituturing na tinetema ng mga itinuturing na dakilang kathang pandaigdig. Panitikan sa Kastila ▪SiDr. Jose Rizal ang naging inspirasyon ng mga manunulat sa Kastila hindi lamang sa kaniyang pagiging makabayang lider kundi dahil pa rin sa kaniyang naisulat na dalawang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Panitikan sa Tagalog
Ang “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas at “Urbana at Felisa” ni
Modesto de Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat na Tagalog. Tatlong Uri ng Makatang Tagalog 1) Makata ng Puso – Lope K. Santos, Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes, Amado V. Hernandez at iba pa. 2) Makata ng Buhay – Lope K. Santos, Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes, Amado V. Hernandez at iba pa. 3)Makata ng Dulaan – Aurelio Tolentino, Patricio Mariano, Severino Reyes at iba pa.
Lope K. Santos – “Apo” ng mga mananagalog.
▪Ang nobelang “Banaag at Sikat” ang ipinalalagay na kaniyang obra-maestra. ▪Ang tulang “Pagtatapat” ay malimit niyang bigkasin tuwing hihingian siya ng tula. Amado V. Hernandez - “Makata ng Mga Manggagawa” ▪Masasalamin sa kaniyang mga tula ang marubdob na pagmamahal sa mga dukhang manggagawa. ▪”Ang Panday” ang tulang pinaka-obra-maestra niya.
Florentino Collantes - Isang batikang “duplero”. Siya ang unang
makatang Tagalog na gumamit ng tula sa panunuligsang pampulitika sa panahon ng mga Amerikano. Kilalang-kilala siya sa sagisag na “Kuntil Butil” at ang kaniyang obra maestra ay ang “Lumang Simbahan”.