Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang Panitikan sa Kasalukuyan

▪Ang kalagayan ng Panitikan sa Panahong Ito


-Bagamat iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na
Republikang Pilipinas ay may mababakas nang pagbabago sa ating
panitikan. Ang mga pagbabagong ito ay nadarama na sa ilang tula, awiting
Pilipino, sa mga pahayagan, sa mga sanaysay at talumpati, at maging sa
mga programa sa telebisyon.

▪Ang Panulaang Pilipino


-Ang mga tula ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng
tunay na damdamin ng mga makata, ang kanilang mga tuwirang pagpuri sa
mga nanunungkulang nakagagawa ng kabutihan sa bayan at panunuligsa
naman sa tiwali ang gawa.
Giting ng Bayan
ni Francisco Soc. Rodrigo

Akala ni Marcos, ay pampalagiang


Kaniyang mabobola’t mapaglalaruan
Ang dati’y maamo at sunud-sunurang
Mga matiisin nating taong bayan.

Salamat sa Diyos, ngayon ay gumising


Itong Bayang dati’y waring nahihimbing
Salamat at ngayo’y sumiklab ang giting
Nitong Bayang dati ay inaalipin.

Kaya nama’t ngayon ay taas ang noo


Nating Pilipino sa harap ng mundo
Pagkat tayo’y laang magsakripisyo
Sa ngalan ng laya ng tama’t totoo.
▪Ang mga manunulat na nakatamo ng kalayaan sa pamamahayag ay
walang pagsidlan sa tuwa at galak. Walang pakundangan nilang
naipahayag ang kanilang nais ipahayag tulad ng mga nilalaman ng tulang
ito.
Lumaya ang Media
(Hango sa Taliba, Abril 16, 1986)

Noong dineklara ni Apo Ferdinand


Noong setenta’y-dos (1972) ang Batas militar
Kinontrol ang media’t mga pahayagan
Hindi tinulutang siya’y mapintasan
At pati ang “rumor mongering ay bawal.

Ngayong diktadura’y nilansag ni Cory


Ang lahat ng media’y malaya at libre
Na mangagsipuna kahit umatake
Sa mga minister, opisyal kawani
At maging sa Bise at sa Presidente.

▪Ang Awiting Pilipino


-May mga awiting Pilipino na naririnig natin ngayon, at habang inaawit ito sa
telebisyon, ipinakikita naman ang makasaysayang tagpong naganap sa
sambayanang Pilipino na hinangaan sa sandaigdigan. Ang mga ito ay ang
“Magkaisa”, Handog ng Pilipino sa Mundo” at “Bayan Ko”.
-Iminungkahi ng Constitutional Commission na gawing pangalawang
pambansang awit ang “Bayan Ko” dahil sa pagiging makasaysayan nito sa
nakaraang matahimik na rebolusyon.
▪Maging sa mga sanaysay, damang-dama ang labis na katuwaan ng mga
Pilipino sa nakamit na bagong kalayaan.
▪Ang mga programa sa radyo at telebisyon ay nakapagpahayag na ng mga
tunay na niloloob nang walang takot at pangamba ang mga tagapagsalita.
sa radyo at mga lumalabas sa telebisyon.

-Ang DZRH na isang istasyon ng radyo rito sa ating bansa ay kasalukuyang


tumataguyod sa isang programang “kabayan” na ang mga tao’y nabibigyan ng
kalayaang magsalita at magbigay ng kani-kanilang opinyon o kurokuro!
Gayundin ang “People Power” na isa ring pagsasadula sa apat na araw na
matahimik na rebolusyong naganap sa ating bansa.
-Mayroon ding ilang mga dulang katatawanang ipinalalabas sa telebisyon ang
nagsasadula ng mga nakaraan at kasalukuyang pangyayari sa ating bansa.
▪Maraming bagong pahayagan ang nagsulputan sa panahong ito. Kabilang
ang Midday, Malaya, Daily Inquirer, Masa, Daily Mirror, Veritas, Pilipino
Ngayon, at iba pa.
▪Ang Timpalak-Palanca ay patuloy pa rin sa taunang pagbibigay ng gantimpala
sa mga pinakamahuusay na akda. Ginanap ang pagbibigay-gawad sa Manila
Peninsula Hotel noong Setyembre 4, 1986 sa harap ng Pangulong Corazon
Aquino bilang panauhing tagapagsalita.
Ang interes ng Pangulong Aquino na lalong mapag-ibayo ang pagtangkilik
sa panitikan at kultura ng ating lahi ay kaniyang binanggit sa kaniyang
talumpati.

You might also like