Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

For all purpose

WHISTLEBLOWING

2022 June 8
ikatlong grupo
WHISTLEBLOWING

Ang whistleblowing ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula


sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong
organisasyon/korporasyon. Whistleblower naman ang tawag sa taong
naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling asal,
hayagang pagsisinungaling, mga immoral o ilegal na gawain na naganap
sa loob ng isang samahan o organisasyon. Nangyayari ito mula sa hindi
patas o pantay na pamamalakad, korapsiyon at iba pang ilegal na gawaing
sumasalungat sa batas.

2
WHISTLEBLOWING

Hindi madali para sa isang simpleng empleyado ang lumantad at mag-


akusa laban sa kaniyang amo o boss na pinaglingkuran. Maaaring ang
mabigat na kapalit nito ay ang sapilitang pagkatanggal sa trabaho o
pagkabagsak ng kabuhayan. Ngunit sa panahong tulad nito, hindi na ang
usapin ay kung tama ang hayagang pagbunyag sa publiko, ang mahalaga
ay kailan at paano ilalahad o ipapaalam ang lahat sa mga tao.

2
WHISTLEBLOWING

Ano ang reaksiyon mo sa isang news flash sa radio o


telebisyon tungkol sa rebelasyon na may kinalaman sa
napapanahong isyu sa lipunan - ang korapsiyon?

2
For all purpose

SUBUKIN NATING SURIIN


ANG ISANG DILEMANG
MORAL NA ITO

2022 June 9
Full Name
Malaki ang utang na loob ni Rudy sa kaniyang Ate Cecil na isang Head Nurse
sa malaking ospital sa Maynila. Dahil sa paghanga rito, kumuha rin siya ng
kursong Nursing. Nang siya ay nakatapos, tinulungan siya ng kaniyang ate na
makapasok at mapabilang sa ospital na pinapasukan nito. Lalo siyang
nagkaroon ng mataas na pagtingin at respeto sa kaniyang kapatid dahil sa laki
ng naitulong nito sa kaniya. Nagkaroon ng pagkakataon at nagkasama sila sa
isang department sa pareho ding shift, ang night shift. Sa mga pang-araw-araw
na routine sa ospital, napapansin niya na sa kanilang pag-uwi ay laging may
uwing bag ng mga gamot ang kaniyang ate.
3
Lingid sa kaalaman niya, matagal na palang ginagawa ni Cecil mula pa
noong siya ay nag-aaral pa lamang. Ibinebenta ito ni Cecil sa isang maliit na
pharmacy malapit sa pamilihan sa kanilang lungsod. Dumating ang
pagkakataon at nalaman niya ang maling gawaing ito ng kaniyang ate. Nang
minsan silang nagharap tungkol sa isyung ito, umamin si Cecil sa kaniya na
totoong nagpupuslit ito ng mga gamot at ito rin ang naging daan at paraan
upang makatapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo. Dapat bang isiwalat ni Rudy
ang maling gawain ng kaniyang kapatid?

3
For all purpose

MGA TALAAN

2022 June 9
Full Name
ANO ANG PIPILIIN MO?

3
3
3
3
WHISTLEBLOWING

Ang pagpapahayag ng katotohanan ay tunay na mabuti at matuwid na


gawain at walang pasubali na isa itong moral na obligasyon ng bawat tao.
Ngunit kung iuugnay sa tunay na mga kaso o tiyak na sitwasyong moral,
may mga bagay na dapat bigyang-pansin at hindi dapat balewalain bago
magpahayag o magsiwalat ng katotohanan. Kung magkaroon man ng
problema sa lugar na pinagtatrabahuan, makatuwiran lamang na malaman
ito ng amo o "boss" upang magkaroon ng isang mainam na solusyon o pag-
aayos sa loob ng kaniyang nasasakupang organisasyon o korporasyon.
Kung mabibigong gawin ito, saka pa lamang magiging makatuwiran ang
whistleblowing.
2
For all purpose

MGA HAKBANG BAGO


ISIWALAT ANG MGA
KATOTOHANAN
SA KOMPANYANG PINAGTATRABAHUAN

Full Name
1. Siguraduhin na ang kilos o piniling pasiya ay ayon sa batas moral.
Isiping mabuti kung kapakanan ito ng nakararami. Magkalap ng
impormasyon tulad ng kasalukuyang mga batas kaugnay ng
sitwasyong kinakaharap - halimbawa ang karapatang nilabag sa iyo,
mga posibleng multa sa ginawang paglabag at iba pang mga
katibayan o impormasyon na maaaring gamitin.

2
2. Harapin nang buong tapang ang taong nakatataas sa iyo na gawin
ang isang bagay na hindi mo ginawa - halimbawa, pagtatapon sa
nakalalasong kemikal o pandaraya sa mga dokumento atbp. at
ipagbigay-alam ito sa kaniya. Kung mabibigong gawin ito, maaaring
idulog ito sa may awtoridad at ipaliwanag na ang kilos ay mali at
masama. Maaring hindi alam ng kompanya o organisasyon ang
ganitong kalakaran o sistema, ngunit may pagnanais silang bigyang-
solusyon ang isyu o problema sakaling ipaalam sa kanila ito nang
maayos at malinaw.
2
3. Kung ang lahat ng paraan ay ginawa na ngunit nabigong
isakatuparan ang mga ito, isiping maigi kung dapat na ba itong
ihayag sa publiko o midya. Sa ganitong sitwasyon, maaring piliing
manahimik at magtrabaho na lamang.

2
4. Kung ilalantad ang isyu sa publiko, dapat na ito ay gawin at
isakatuparan nang buong tapang. Ngunit mas higit na dapat
mangibabaw ang interes at kabutihan ng nakararami kaysa sa
pansariling interes lamang.

2
Sa iyong personal na pagsusuri, ano ang mga pagbabagong iyong
napapansin sa kapuwa mo kabataan na lubhang umakap sa
napakagandang alok na kasiyahan at kaaliwan ng internet at social
media? Paano nito naapektuhan ang katapatan pagdating sa
katarungan at halaga ng katotohanan sa impormasyon at orihinalidad
ng isang obra?

2
SALAMAT!

You might also like