Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

I.

Kabanata 27:
Ang Prayle at ang Estudyante
II. Pagsusuri sa pamagat:

• Sa kabanatang ito, naganap ang isang makahulugang talakayan sa


pagitan nina Padre Fernandez at Isagani.
III. Tauhan
•Padre Fernandez
-Isang prayle na nagmula sa Orden ng mga Dominiko. Sa usapin,
umaakto siya bilang kinatawan ng mga prayle at nagsasalita
batay sa kanilang pananaw.
•Isagani
-Siya ay isang estudyanteng Pilipino na nagpapahayag ng
kanyang saloobin at hinaing laban sa mga prayle, partikular sa
mga Dominiko. Sa usapin, lumilitaw si Isagani bilang simbolo ng
Pilipinong nagpupunyagi para sa karapatan sa edukasyon at
kalayaan.
lV. Tagpuan

-maaaring sa isang silid sa loob ng isang paaralan o


simbahan.
V.  A- BALANGKAS NG PANGYAYARI
Buong tapang na ibinahagi ni Isagani ang kanyang mga hinaing laban sa mga prayle, lalo
na ang mga Dominikano sa akademya.

Inilarawan niya ang mga ito bilang mga nagmamay-ari ng karunungan, nagdidikta kung sino
ang karapat-dapat na mag-aral, at nagpapatahimik sa mga Pilipinong gustong magsalita laban
sa kanila.

Sa kabila ng pagpapaliwanag ni Padre Fernandez na ang edukasyon ay dapat naipagkaloob


lamang sa mga karapat-dapat, iginiit ni Isagani na ang mga prayle ang nasa likod ng kanilang
kasalukuyang sitwasyon.

Sa dulo, bagaman kinilala ni Padre Fernandez ang kanyang pagkatalo sa talakayan,


ipinahiwatig ni Isagani na hindi maaaring maging kanlungan ng mga prayle ang pamahalaan
para sa kanilang mga gawa.
B- TALASALITAAN 

•Saloobin – Damdamin o opinyon


•Hinaing – Reklamo
•Kagipitan – Kahirapan o suliranin
•Kalagayan – Kasalukuyang sitwasyon o kondisyon
•Magkunwari – Umasta na hindi totoo o tunay
•Inaalipin – Ipinagkait ang kalayaan o ginawang alipin
•Pinulaan – Binatikos o tinuligsa
VI. TEMA
Wala sa edad o katayuan sa buhay ang pagiging tama
o nasa katuwiran. Hindi naibibigay ng edad ang
pagkamulat bagkus ang mga karanasan at
pinaniniwalaan ang siyang ugat ng pagiging matuwid.
V. SIMBOLISMO
•May mga paring umunawa na nangunguhulugang
hindi lahat ng prayle ay hindi mabuti ang intensyon sa
mga Pilipino. Mayroong nais magpakita ng
pagmamalasakit sa kabila ng hindi nila kalahi ang ating
kapwa Pilipino

You might also like