Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Ang ABS-CBN at ang

kasaysayan nito.
BY: GROUP 2
• Ang ABS-CBN (isang daglat para sa dating pangalan
nito, ang Alto Broadcasting System - Chronicle
Broadcasting Network) ay isang Pilipinong himpilang
pankomersiyal (commercial broadcast network) (na
binubuo ng himpilang pantelebisyon sa pamamagitan
ng terestriyal, telebisyong kable o telebisyong
pansetalyt, radyo at bagong midya sa pamamagitan
ng streaming media, internet o onlayn) at sindikasyon,
tagapamahagi ng programa, at kumpanya ng
produksyon (sa ilalim ng ABS-CBN Entertainment), na
siyang pagmamay-ari ng ABS-CBN Corporation, isang
kompanya sa ilalim ng Lopez Group.
• Nakahimpil ang kalambatan sa 
ABS-CBN Broadcasting Center sa Lungsod
Quezon, na may mga dating tanggapan at mga
pasilidad sa 25 pangunahing lungsod sa
Pilipinas, kabilang ang Baguio, Naga, Bacolod,
Iloilo, Cebu, at Dabaw. Angipasilidad para sa mga
produksyon ng ABS-CBN ay matatagpuan sa 
Horizon IT Park sa San Jose del Monte, Bulacan
 na nagbukas taong 2018.
• Pormal na tinutukoy ang ABS-CBN
bilang "The Kapamilya Network"[note 1], na unang
inilunsad noong 1999 at ginawang opisyal noong 2003
sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo nito. na ginamit
hanggang sa paglisan nito sa ere noong Mayo 5, 2020.
Sa kalagitnaan nito, pinalitan ng ABS-CBN ang
katukuyan nito bilang Kapamilya Forever bilang
pagsuporta sa pagpapanibago ng prangkisa nito noong
Mayo 13, 2020.[6]Ito ang pinakamalaking kalambatang
pantelebisyon sa bansa kung pag-uusapan ang kita, ari-
arian, at pandaigigang sakop nito.
• Ang ABS-CBN ay ang kauna-unahan at
pinakamatandang himpilan sa Timog-silangang
Asya at isa sa pinakamatandang himpilang
telebisyon sa Asya. Ito rin ang nangungunang
himpilang pantelebisyon sa Pilipinas na may kita
na 21.2 bilyong piso sa taong pananalapi ng
2015.
Kailan kaya ang kauna-unahang
pagsasahimpapawid ng ABS-CBN?
• Ang kauna-unahang pagsasahimpapawid ng ABS-
CBN ay nangyari noong Oktubre 23, 1953, bilang Alto
Broadcasting System (ABS) sa DZAQ-TV, tatlong
buwan lamang pagkatapos sumahimpapawid ang NHK
General TV at Nippon Television sa bansang Hapon.
Ano ang ilan sa mga palabas na umere sa
telebisyon sa ABS-CBN.
• Ito ay kinabibilangan ng mga lokal na drama, mga
anime at cartoons na isinalin sa Tagalog, mga pang-
aliw, mga palaro, paligsahan at realidad na palabas,
mga balita at dokumentaryo, mga pangtalakayan at
komedya, mga pangkaalaman, edukasyon, sining at uri
ng pamumuhay.
That’s all… Thank you for listening! 

You might also like