Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Disenyo at Pamamaraan ng

Pananaliksik
Aralin 12
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan

• Maipaliwanag ang kuwantitatibo at kuwalitatibong


pananaliksik
• Maisa-isa at matutuhan ang iba’t ibang disenyo ng pananaliksik
• Malaman ang metodolohiya ng pananaliksik
Daloy ng Talakayan

• Kuwantitatibo at Kuwalitatibong Pananaliksik


• Iba’t ibang Disenyo ng Pananaliksik
• Metodolohiya ng Pananaliksik
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
• Ang bahaging ito ng pananaliksik ay kadalasang naglalaman ng paraan ng
pangongolekta, presentasyon, at pagsusuri ng datos. Ayon sa Business
Dictionary (2011), ang disenyo ng pananaliksik ang detalyadong balangkas
kung paano isasagawa ang imbestigasyon. Kadalasang nilalaman nito kung sa
paanong paraan mangangalap ng datos ang mananaliksik, ano at paano
gagamitin ang napiling instrumento, at ang mga pamamaraan kung paanong
susuriin ang datos.
Kuwalitatibo at Kuwantitatibong Pananaliksik
Kuwantitatibo Kuwalitatibo
• Ang kuwantitatibong pananaliksik ay • Ang kuwalitatibong pananaliksik naman
tumutukoy sa sistematiko at empirikal na ay kinapapalooban ng mga uri ng
imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at
penomenong panlipunan sa pamamagitan ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang
matematikal, estadistikal, at mga teknik na unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga
pamamaraan na gumagamit ng kompyutasyon. tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang
Kadalasang ginagamitan din ito ng mga disenyong ito ay pinapatnubayan ng
nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan sa
pananaliksik gaya ng sarbey, eksperimentasyon, paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay
at pagsusuring estadistikal. Kapaki-pakinabang laging nakabatay sa mas malawak na
ang kuwantitatibong pananaliksik sa mga kontekstong pinangyayarihan nito at ang
mananaliksik na nais mag-aral at mag-imbestiga mga panlipunang realidad gaya ng kultura,
ng mga malakihan at pangkalahatang padron institusyon, at ugnayang pantao na hindi
ng pagkilos at pag-uugali ng tao.
maaaring mabilang o masukat.
Iba’t Ibang Disenyo ng Pananaliksik
Deskriptibo
• Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang
ginagawa, pamantayan, at kalagayan.
• Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan, saan, at
paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral.
• Hindi ito makatutugon sa mga tanong na “bakit” sapagkat
naglalarawan lamang ito ng tiyak at kasalukuyang kondisyon ng
pangyayari at hindi ng nakalipas o hinaharap.
Iba’t Ibang Disenyo ng Pananaliksik
Disenyong Action Research
• Kaiba sa deskriptibong pananaliksik, inilalarawan at tinatasa ng isang
mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at
iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan.
• Habang isinasagawa ang pananaliksik ay bumubuo rin ng mga plano at
estratehiya ang mananaliksik kung paanong makapagbibigay ng
makabuluhang rekomendasyon. Kailangan din ang mga serye ng ebalwasyon
kung nakakamit o hindi ang ideyal na awtput.
• Angkop na gamitin ang Action Research sa larangan ng edukasyon upang
mapabuti ang mga programa o pamamaraan sa pagtuturo.
Iba’t Ibang Disenyo ng Pananaliksik
Historikal
• Ang historikal na pananaliksik ay gumagamit ng iba’t ibang pa mamaraan
ng pangangalap ng datos upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa
nakaraan.
• Batay sa mga datos at ebidensiya, pinalalalim ang pag-unawa sa nakaraan,
kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay, at ang pinagdaanang
proseso kung paanong ang nakaraan ay naging kasalukuyan. Mabuting
gamitin ang historikal na disenyo upang maglatag ng konteksto ng isang
tiyak na bagay o pangyayari.
• Nagagamit din ito sa pagsusuri ng kalakaran o trend analysis.
Iba’t Ibang Disenyo ng Pananaliksik
Pag-aaral ng Isang Kaso/Karanasan (Case Study)
• Ang mga pananaliksik na nasa ganitong disenyo ay naglalayong malalimang
unawain ang isang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang
kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral.
• Ginagamit ito upang paliitin, maging mas ispesipiko, o kaya’y pumili lamang
ng isang tiyak na halimbawa mula sa isang napakalawak na paksa.
• Mahusay ang disenyong ito upang ipaunawa ang isang masalimuot na paksa
sa pamamagitan ng detalyadong pagsusuri ng konteksto ng mga pangyayari
at ugnayan ng mga ito. Angkop ding gamitin ito upang malalimang
unawain ang mga ispesipiko at pambihirang kaso.
Iba’t Ibang Disenyo ng Pananaliksik
Komparatibong Pananaliksik
• Ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong maghambing ng anomang
konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa.
• Madalas na gamitin sa mga cross-national na pag-aaral ang ganitong uri ng disenyo
upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan,
kultura, at institusyon.
• Ang madalas na nagiging hamon para sa mga mananaliksik na gumagamit ng
ganitong disenyo ay ang pagtatakda ng parametro ng pananaliksik sapagkat
maaaring hindi gumagamit ng magkatulad na kategorya ang dalawang lipunan o
kulturang pinaghahambing o kaya naman ay may ibang pagpapakahulugan sa iisang
kategorya. Halimbawa, maaaring magkaiba ang depinisyon ng kabayanihan,
kaligayahan, o kaya ay pagluluksa sa iba’t ibang kultura o relihiyon.
Iba’t Ibang Disenyo ng Pananaliksik
Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan (Normative Studies)
• Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik ang disenyong
normative dahil naglalayon itong maglarawan ng anomang paksa.
Gayunpaman, naiiba ang disenyong ito sapagkat hindi lamang simpleng
deskripsyon ang layunin nito, kundi nagbibigay-diin sa pagpapabuti o
pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa mga tanggap na
modelo o pamantayan.
• Madalas na bahagi ng rekomendasyon ng ganitong pananaliksik ang
proyekto o pagpaplano upang makasapat o makasunod sa hinihinging
batayan ng sinomang kalahok sa pananaliksik.
Iba’t Ibang Disenyo ng Pananaliksik
Etnograpikong Pag-aaral
• Ang etnograpiya ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa
kaugalian, pamumuhay, at iba’t ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng
pakikisalamuha rito.
• Nakabatay ito sa pagtuklas ng isang panlipunang konteksto at ng mga taong naninirahan dito
sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga, pangangailangan, wika,
kultura, at iba pa. Nangangailangan ito ng matapat na pag-uulat ng naranasan o naobserbahan
ng isang mananaliksik.
• Madalas na ginagamit na pamamaraan ang partisipasyong etnograpiko o mas kilala bilang
participant observation (Reich 1998; sa pagbanggit nina Tatel 2011). Nangangailangan ito ng fi
eld study na isang pamamaraan ng pagtatala ng mga datos at pangyayari sa pamamagitan ng
mga pandama (pagmamasid, pang-amoy, pandinig, o panlasa). Binibigyang-diin sa obserbasyon
ang lunan o setting (para sa konteksto), mga gawain at kilos ng mga kasangkot, impormal na
interaksyon, hindi nakaplanong gawain, berbal at di-berbal na komunikasyon, at iba’t ibang
proseso

You might also like