Ang Kabanata 39 ng Noli Me Tangere, na pinamagatang “Si Donya Consolacion,” ay tumatalakay sa
buhay ng asawa ng Alperes. Sa gitna ng makulay na prusisyon, nag-iisa ang bahay ng Alperes at ng kanyang asawa na si Donya Consolacion na hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa nasabing kaganapan. Ang Alperes ay nagpatupad ng utos na huwag lumabas ang kanyang asawa upang maiwasan ang anumang hiya na maaaring maidulot nito sa Kapitan Heneral. Hindi natitinag si Donya Consolacion sa mga mapanuring mata at matalas na dila ng mga tao dahil sa kanyang katayuan bilang asawa ng Alperes at bilang ‘reyna’ ng mga gwardiya sibil. Nang marinig ni Donya Consolacion ang mapapanglaw na awit ni Sisa mula sa kulungan, pinatawag niya ito upang muling awitin ang naturang kanta. Ngunit nang hindi sumunod si Sisa sa kanyang utos, dito bumuhos ang galit ni Donya Consolacion sa kawawang ina. Inutusan niya ang isang gwardiya sibil na pilitin si Sisa na kumanta. Ngunit sa pagkanta ni Sisa ng isang malungkot na awit, unti-unti rin siyang naantig. Kahit na kilala bilang isang malupit at mapanlait, naipakita rin ng Donya ang kanyang paghanga sa talento ni Sisa. Subalit nang hindi tumugon si Sisa sa utos ni Donya Consolacion na sumayaw, muli siyang nagalit at pinalo si Sisa. Ang pang-aabuso ay humantong sa pagkabura ng damit ni Sisa at pagdurugo ng mga sugat nito. Sa pagdating ng Alperes, nagalit ito sa kanyang asawa at nag-utos na alagaan at gamutin si Sisa upang handa ito sa muling pagharap kay Ibarra kinabukasan. BALIK-TANAW Ang sunod-sunod na pagtunog ng kampana at mga paputok ay hudyat ng pagsisimula ng prusisyon. May dala-dalang kandila at parol ang lahat ng nakiisa dito. Para sa mga santong sina San Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at Mahal na Birhen ang