Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 41

EPP

(AGRICULTURE)

QUARTER 2
Ang
Halamang
Ornamental
PAUNANG
PAGSUBOK
Isulat ang nawawalang titik
upang mabuo ang pangalan
ng halamang ornamental na
makikita sa bawat larawan
BALIKAN
Bago tayo magismula sa ating
aralin tungkol sa mga
halamang ornamental, tingnan
at pag-aralan ang mga larawan
na nasa ibaba.
Ano ang mga halaman na nasa itaas? Ito ay
halimbawa ng mga halamang ornamental. Ang
halamang ornamental ay ang mga halaman na
pinatutubo at ginagamit bilang palamuti o
pampapaganda ng lugar. Dahil sa taglay na ganda
ng mga bulaklak at dahon ng mga halamang
ornamental, ito ay kalimitang itinatamin at
pinalalago sa mga hardin o kaya naman sa mga
tanawin (landscapes) upang magbigay ng dagdag
ganda sa isang lugar o tanawin.
ARALIN
Magandang araw mga bata! Ngayon ay maglalakbay tayo sa
daigdig ng mga halamang ornamental. Bibisitahin natin ang
iba’t ibang hardin kung saan makikita ninyo ang mga
naggagandahang bulaklak at mga puno. Sa inyong
paglalakbay dapat ay mabigyan nyo ng pansin at matutunan
ang mga sumusunod: Mga kasanayan at kaalaman sa
pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang
pagkakakitaang gawain Mga pakinabang sa pagtatanim ng
halamang ornamental para sa pamilya at pamayanan
Gawain sa Pagkatuto 1: Isulat ang nawawalang titik upang
mabuo ang pangalan ng halamang ornamental na makikita
sa bawat larawan.
Mga Pakinabang sa
Pagtatanim ng
Halamang Ornamental
Bakit tayo nagtatanim ng mga halamang ornamental? May
makukuha ba tayong kapakinabangan mula dito? Ano ang
naitutulong ng pagtatanim ng mga halamang ornamental sa
pamilya at pamayanan? Maraming kapakinabangang
naidudulot sa mga mag-anak at pamayanan ang pagtatanim
ng halamang ornamental. Isa na rito ang pagpapaganda ng
mga bakuran dahil sa mga bulaklak at dahon nito na
nagtataglay ng magagandang kulay.
. Nililinis ng mga puno ang maruruming
hangin na nagiging sanhi ng polusyon at
ginagawa nitong sariwa ang hangin sa
kapaligiran. Higit sa lahat kung ito ay
magiging isang gawaing pangkabuhayan,
makatutustos ito sa mga pang araw araw
na gastusin ng pamilya
1. Nakapipigil sa
Pagguho ng Lupa at
Baha
Kumakapit ang mga ugat ng mga
punong ornamental sa lupang taniman
kaya nakakaiwas sa landslide o
pagguho ng lupa. Ang mga punong
ornamental ay nakatutulong din sa
pagingat sa pagbaha dahil sa tulong ng
mga ugat nito.
Sa gamit ng mga halaman/ punong
ornamental, nakakaiwas sa polusyon ang
pamayanan sa maruruming hangin na
nagmumula sa mga usok ng sasakyan,
sinigaang basura, masasamang amoy na
kung saan nalilinis ang hangin na ating
nilalanghap.
2. Naiwasan ang
Polusyon
May mga matataas at mayayabong na halamang
ornamental gaya ng kalachuchi, ilang-ilang, pine
tree, fire tree, at marami pang iba na maaaring
itanim sa gilid ng kalsada, kanto ng isang lugar
na puwedeng masilungan ng mga tao. Bukod pa
rito sinasala pa ng mga punong ito ang
maruruming hangin sanhi ng usok ng tambutso,
pagsusunog at napapalitan ng malinis na
oksiheno (oxygen) na siya nating nilalanghap.
3. Nagbibigay ng lilim
at sariwang hangin
Maaaring maibenta ang mga halamang
ornamental na hindi naitanim o
magpunla o magtanim sa paso sa mga
itim na plastik bag o lata ng mga
halamang ornamental na puwedeng
ibenta. Ito ay nagiging pera para
panustos sa pang arawaraw na gastusin
4. Napagkakakitaan
Sa pamamagitan ng pagtatanim ng
mga halamang ornamental sa paligid
ng tahanan, parke, hotel, mall, at iba
pang lugar, ito ay nakatatawag ng
pansin sa mga dumadaan na tao lalo na
kung ang mga ito ay namumulaklak at
mahalimuyak.
5.
Nakakapagpaganda
ng Kapaligiran
MGA
PAGSASANAY
Pag-aralan ang mga larawan at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
Mga katanungan: 1. Base sa mga lawaran sa itaas, saan saan natin
ginagamit ang halaman?
__________________________________________________________
_______
__________________________________________________________
_______ 2. Nakakapagapaganda ba ng ating kapaligiran ang mga
halaman? Patunayan ang iyong sagot.
__________________________________________________________
_______
__________________________________________________________
_______ 3. Ano pa ang pwedeng pakinabang ng halaman bukod sa
maari nating gamiting palamuti sa ating tahanan at ibenta upang
mapagkakitaan?
__________________________________________________________
_______
__________________________________________________________
_______
 
Gamit ang magazines at iba pang
babasahin, gumupit o gumuhit at mag
collage ng mga halamang ornamental
na maaaring itanim sa isang landscape
garden. Ang iyong collage ay
mamarkahan sa pamamagitan ng
rubrics sa ibaba.
PAGSUSULI
T
A.Suriin ang mga pangungusap. Piliin ang Tama
kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan
at Mali kung hindi katotohanan.
_______1.Ang pagtatanim ng mga halamang
ornamental ay nakatutulong sa pagbibigay ng
malinis na hangin.
_______2. Ang mga halamang ornamental ay walang
naidudulot na mabuti sa pamilya at ibang tao sa
pamayanan.
_______3. Maaaring ipagbili ang mga
itatanim na halamang ornamental.
_______4. Nakapagbibigay kasiyahan
sa pamilya at pamayanan ang pagtatanim
ng mga halamang ornamental.
_______5.Nakasisira ng kapaligiran ang
halamang ornamental
8. Paano makatutulong sa pagsugpo ng polusyon
ang pagtatanim ng mga halamang ornamental?
A. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa
pamayanan at ng ating pamilya ang maruming
hangin sa kapaligiran.
B. Lahat ay tamang sagot
C. Nalilinis nito ang maruming hangin sa
kapaligiran.
D. Naiiwasan nito ang pagguho ng lupa at
pagbaha.
B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
 
6. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang
ornamental sa pamilya at pamayanan?
A. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan
B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya
C. Lahat ng mga sagot sa itaas
D. Nagpapaunlad ng pamayanan.
 
7. Ang sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga
halamang ornamental maliban sa isa?
A. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran B. Nagbibigay ito
ng kabuhayan sa pamilya.
C. Nagiging libangan ito na makabuluhan.
D. Nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin sa palengke.
9. Ang mga halaman sa ibaba ay
ginagamit bilang palamuti sa loob ng
ating tahanan, maliban sa isa?
A. Fortune Plant
B. Rosas
C. Narra
D. Sampaguita
 
10. Ang mga halamang ornamental ay
nakatutulong hindi lamang sa atin kundi sa ating
kapaligiran. Alin sa mga ito ang mabuting
naidudulot ng halamang ornamental?
A. napipigilan nito ang pagguho ng lupa.
B. nakadadagdag ng polusyon ang halamang
ornamental
C. Nakasisira ito ng lupa
D. Nakatutulong ito sa paglala ng baha.

You might also like