Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 349

Magsitayo ang

lahat
PURIHIN KA HESUKRISTO. VIVA SEÑOR SANTO NI ÑO

Batang sa
ati'y
sumilang
ay Anak na
ibinigay
upang
magharing
lubusan
taglay ay
dakilang
ngalang
Tagapayo
ng
Maykapal
KORO:

Purihin ka
Hesukristo
Viva Señor
Santo Niño
Ang bayang
Pilipino
ay
nagpupuri
sa’Yo
Noon pa sa
pasimula
bago pa
mayroong
nilikha
naroon na ang
salita
kasama'y
Diyos na
may gawa
at naging
tao Siyang
tunay
KORO:

Purihin ka
Hesukristo
Viva Señor
Santo Niño
Ang bayang
Pilipino
ay
nagpupuri
sa’Yo
Amen
At sumaiyo rin
Inaamin ko sa
makapangyarihang
Diyos,
at sa inyo,
mga kapatid,
na lubha
akong
nagkasala,
sa isip, sa
salita, at sa
gawa,
at sa aking
pagkukulang,
kaya
isinasamo ko
sa Mahal na
Birheng Maria,
sa lahat ng
mga Anghel
at mga Banal,
at sa inyo, mga
kapatid,
na ako’y
ipanalangin
sa Panginoong
ating Diyos.
Amen
Panginoon
kaawaan Mo
kami.
Kristo kaawaan
Mo kami.
Panginoon
kaawaan Mo
kami.
Gloria in
Excelsis Deo!
at sa lupa’y
kapayapaan
sa mga taong
kinalulugdan Niya.
Pinupuri Ka
namin,
dinarangal Ka
namin,
sinasamba Ka
namin,
ipinagbubunyi
Ka namin,
Pinasasalamatan
Ka namin
dahil sa dakila
Mong angking
kapurihan.
Panginoong Diyos,
Hari ng langit,
Diyos Amang
makapangyarihan
sa lahat.
Panginoong
Hesukristo
bugtong na Anak,
Panginoong
Diyos, kordero
ng Diyos,
Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan
ng sanlibutan,
maawa Ka sa
amin.
Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan
ng sanlibutan,
Tanggapin Mo
ang aming
kahilingan.
Ikaw na
naluluklok sa
kanan ng Ama
Maawa Ka sa
amin.
Sapagkat Ikaw
lamang ang
banal,
Ikaw lamang ang
Panginoon,
Ikaw lamang O
Hesukristo, ang
kataas-taasan,
Kasama ng
Espiritu Santo
Sa kadakilaan
ng Diyos Ama.
Amen.
AMEN!
Amen
Magsi-upo ang
lahat
UNANG PAGBASA

Isaias 9:1-6
Nakatanaw ng isang
malaking liwanag
ang bayang malaon
nang nasa
kadiliman,
namanaag na ang
liwanag sa mga taong
namumuhay sa
lupaing balot ng dilim.
Iyong pinasigla ang
kanilang
pagdiriwang,
dinagdagan mo ang
kanilang tuwa.
Tulad ng mga tao sa
panahon ng anihan,
tulad ng mga taong
naghahati ng
nasamsam na
kayamanan.
Nilupig mo ang
bansang umalipin sa
iyong bayan
tulad ng pagkalupig
sa hukbo ng Madian.
Binali mo ang
panghambalos ng
mga tagapagpahirap
sa kanila.
Sapagkat ang
panyapak ng mga
mandirigma,
ang lahat ng
kasuutang tigmak sa
dugo ay susunugin.
Sapagkat
ipinanganak para sa
atin ang isang
sanggol na lalaki.
Ibinigay ang isang
anak sa atin at siya
ang mamamahala sa
atin.
Siya ang Kahanga-
hangang Tagapayo,
ang
Makapangyarihang
Diyos,
walang hanggang
Ama, ang Prinsipe
ng Kapayapaan.
Malawak na
kapangyarihan at
walang hanggang
kapayapaan
ang ipagkakaloob sa
trono ni David
at sa kanyang
paghahari
upang matatag ito
at papanatilihin
sa katarungan at
katwiran ngayon at
magpakailanman.
Isasagawa ito ng
Makapangyarihang
Panginoon.
Ang Salita
ng Diyos!
Salamat sa
Diyos
Kahit saa’y
namamalas
tagumpay ng
Nagliligtas.
IKALAWANG PAGBASA

Efeso 1:3-6. 15-18


Mga kapatid:
Magpasalamat tayo
sa Diyos at Ama
ng ating
Panginoong
Hesukristo!
Pinagkalooban niya
tayo ng lahat ng
pagpapalang
espirituwal
dahil sa ating
pakikipag-isa kay
Kristo.
At sa atin ngang
pakikipag-isang ito,
hinirang na niya tayo
bago pa nilikha ang
sanlibutan
upang maging banal
at walang
kapintasan sa
harapan niya.
Dahil sa pag-ibig ng
Diyos, tayo’y
kanyang itinalaga
upang maging mga
anak niya sa
pamamagitan ni
Hesukristo.
Iyan ang kanyang
layunin at kalooban.
Purihin natin siya
dahil sa kanyang
kahanga-hangang
pagkalinga sa atin
sa pamamagitan ng
kanyang minamahal
na Anak!
Kaya nga, mula
nang mabalitaan ko
ang tungkol sa
inyong pananalig
sa Panginoong
Hesus at ang
inyong pag-ibig sa
lahat ng hinirang,
walang humpay ang
pasasalamat ko sa
Diyos para sa inyo.
Inaalaala ko kayo
sa aking
pananalangin,
at hinihiling sa
Diyos ng ating
Panginoong
Hesukristo,
ang dakilang Ama, na
pagkalooban niya
kayo ng espiritu ng
karunungan
at ng tunay na
pagkakilala sa
kanya.
Nawa’y liwanagan
ng Diyos ang inyong
mga isip upang
malaman ninyo
ang ating inaasahan
sa kanyang
pagkatawag sa atin.
Ito’y ang
kaluwalhatiang inilaan
niya sa kanyang mga
hinirang.
Ang Salita
ng Diyos!
Salamat sa
Diyos
Magsitayo ang
lahat
ALELUYA!
ALELUYA!
ALELUYA!
ALELUYA!
Narito at
dumating na
isang dakilang
propeta
sugo ng Diyos
sa bayan n’ya.
ALELUYA!
ALELUYA!
ALELUYA!
ALELUYA!
ALELUYA!
At sumaiyo
rin
Papuri sa iyo
Panginoon
MABUTING BALITA
Pinupuri ka
namin
Panginoong
Hesukristo
Magsi-upo ang
lahat
Magsitayo ang
lahat
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Sumasampalataya
ako sa Diyos
Amang
makapangyarihan
sa lahat, na may
gawa ng langit at
lupa.
Sumasampalataya
ako kay
Hesukristo,
iisang Anak ng
Diyos,
Panginoon
nating lahat.
Nagkatawang-tao
Siya lalang ng
Espiritu Santo,
ipinanganak ni
Santa Mariang
Birhen.
Pinagpakasakit
ni Poncio Pilato,
ipinako sa
krus, namatay,
inilibing.
Nanaog sa
kinaroroonan ng
mga yumao.
Nang may ikatlong
araw, nabuhay na
mag-uli.
Umakyat sa
langit,
naluluklok sa
kanan ng
Diyos Amang
makapangyarihan
sa lahat.
Doon
magmumulang
paririto’t
maghuhukom sa
nangabubuhay at
nangamamatay na
tao.
Sumasampalataya
naman ako sa
Diyos Espiritu
Santo,
sa Banal na
Simbahang
Katolika,
sa kasamahan
ng mga banal;
sa kapatawaran
ng mga
kasalanan,
sa pagkabuhay na
mag-uli ng
nangamatay na
tao,
at sa buhay na
walang hanggan.
AMEN!
Mahal na Poong
Santo Niño
kahabagan mo kami!
Amen
Magsi-upo ang
lahat
UNANG ALAY

Kunin at tanggapin
ang alay na
ito.
Mga biyayang
nagmula
sa pagpapala
Mo.
Tanda ng
bawat
pusong,
‘pagkat inibig
Mo
Ngayo’y
nananalig
nagmamahal
sa ‘Yo.
Tinapay na
nagmula
sa butil ng
trigo
Pagkaing
nagbibigay
ng buhay Mo.
At alak na
nagmula
sa isang
tangkay ng
ubas.
Inuming
nagbibigay-
lakas.
KORO

Kunin at tanggapin
ang alay na
ito.
Mga biyayang
nagmula
sa pagpapala
Mo.
Tanda ng
bawat
pusong,
‘pagkat inibig
Mo
Ngayo’y
nananalig
nagmamahal
sa ‘Yo.
Magsitayo ang
lahat
Tanggapin
nawa ng
Panginoon
itong
paghahain sa
iyong mga
kamay,
sa kapurihan
Niya at
karangalan,
sa ating
kapakinabangan
at sa buong
sambayanan
Niyang banal.
Amen
At sumaiyo rin
Itinaas na
namin sa
Panginoon.
 
Marapat na Siya’y
pasalamatan.
 
Santo!
Santo!
Santo!
Panginoong
Diyos ng mga
hukbo!
Napupuno ang
langit at lupa
ng kadakilaan
Mo!
Osana
sa kaitaasan!
Pinagpala ang
naparirito sa
ngalan ng
Panginoon!
Osana
sa kaitaasan!
Magsiluhod ang
lahat
Manatiling
NAKALUHOD
ang lahat
SA KRUS MO AT PAGKABUHAY

Sa Krus Mo at
Pagkabuhay
Kami’y
natubos Mong
tunay
Poong Hesus
naming mahal
Iligtas Mo kaming
tanan
Ngayon at
magpakailanman!
Amen!
Amen!
Amen!
Amen!
Magsitayo ang
lahat
Ama namin
sumasalangit
Ka,
sambahin ang
ngalan Mo;
mapasaamin
ang kaharian
Mo;
sundin ang
loob Mo
dito sa lupa
para nang sa
langit.
Bigyan Mo
kami ngayon
ng aming
kakanin sa
araw-araw;
at patawarin Mo
kami sa aming
mga sala
para nang
pagpapatawad
namin
sa
nagkakasala
sa amin.
At huwag Mo
kaming ipahintulot
sa tukso,
at iadya Mo
kami sa lahat
ng masama.
Sapagkat Iyo
ang kaharian
at ang
kapangyarihan
at ang
kapurihan
magpakailanman.
Amen.
Amen
At sumaiyo rin
Kordero ng Diyos
na nag-aalis ng
mga kasalanan
ng sanlibutan,
Maawa Ka sa
amin.
Kordero ng Diyos
na nag-aalis ng
mga kasalanan
ng sanlibutan,
Maawa Ka sa
amin.
Kordero ng Diyos
na nag-aalis ng
mga kasalanan
ng sanlibutan,
Ipagkaloob Mo
sa amin ang
kapayapaan.
Magsiluhod ang
lahat
Panginoon,
hindi ako
karapat-dapat
na magpatuloy
sa Iyo,
ngunit sa isang
salita Mo
lamang
ay gagaling
na ako.
O STO. NIÑO NAMING MAHAL

Nakita
nami’t
natanaw
ang tala sa
silangan
kaya’t
kami’y
naglalakbay
upang aming
mahandugan
ng alay ang
Poong
Mahal
KORO
O Santo
Niñong aming
mahal
iyong ngiti’y
minamasdan
upang
pasakit
maibsan
nawa kami’y
iyong
basbasan.
Sa pag-uwi
sa Nazaret,
si Hesus
masigasig
sa
pagsunod
at pag-ibig
sa magulang
n’yang
matuwid
si Maria at
Jose.
KORO
O Santo
Niñong aming
mahal
iyong ngiti’y
minamasdan
upang
pasakit
maibsan
nawa kami’y
iyong
basbasan.
Sa pag-ibig
na dakila
ang Diyos
Amang
lumikha,
isinugo
Niyang
kusa
Anak
N’yang
nagdalita
Nang sala
nati’y
mawala.
KORO
O Santo
Niñong aming
mahal
iyong ngiti’y
minamasdan
upang
pasakit
maibsan
nawa kami’y
iyong
basbasan.
Ngayo’y
nahayag
ang buhay
sa kapis ang
walang
hanggan
ang Diyos
Amang
mapagmahal
buhay na ito
ay lumitaw
Ngayo’y
nakitang
tanan.
KORO
O Santo
Niñong aming
mahal
iyong ngiti’y
minamasdan
upang
pasakit
maibsan
nawa kami’y
iyong
basbasan.
PATALASTAS
⮚Banal na Misa
⮚Enero 16, 2023
⮚5:00 ng Hapon
Magsitayo ang
lahat
Amen
At sumaiyo rin
Amen
Salamat sa
Diyos
ABA GINOONG MARIA

Aba Ginoong
Maria,
napupuno ka
ng grasya
ang D’yos ay
sumasa’yo.
Bukod kang
pinagpala
sa babaeng
lahat,
at pinagpala
naman
ng ‘yong Anak
na si Hesus.
Santa Maria
Ina ng D’yos
ipanalangin
mo kaming
makasalanan
Ngayon at
kung kami’y
mamamatay
Santa Maria
Ina ng D’yos
ipanalangin
mo kaming
makasalanan
Ngayon at
kung kami’y
mamamatay
AMEN

You might also like