1.mga Saligan Sa Panunuring Pampanitikan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

MGA SALIGAN SA

PANUNURING
PAMPANITIKAN
PANGANGAILANGAN NG PANUNURI AT
KAHALAGAHAN NG PAGSUSURI

Ang isang kritiko/mambabasa ay


nararapat magsuri upang
makatulong sa lalong ikaliliwanag at
ikauunlad ng panitikan at gayundin
ang manunulat ng anumang likhang-
sining-mga akdang tulad ng maikling
kwento, dula, tula, nobela atbp.
SA PAGPAPAHALAGA, ANG MANUNURI AY
DAPAT NA:
 1. Magkaroon ng likas na kuru-kuro.
 2. Ang pinagdadaanan at kasalukuyang buhay ng may akda ay
kailangang maliwanag sa manunuri upang lubos niyang
maabot ang mensahe, mga pangyayari at mga damdaming
taglay ng katha.
 3. Ang manunuri ay kailangang maging tapat, nagtataglay
siya ng obhektibong pananaw-walang kinakatigan.
KATANGIAN DAPAT TAGLAYIN NG ISANG
KRITKO
 1. Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri
ng mga akdang pampanitikan bilang isang sining.
 2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri
ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan,
manunulat, mambabasa o ideolohiya.
 3. Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong
nagaganap sa panitikan.
 4. Iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy
na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika,
kasaysayan, sikolohiya, atbp.
 5. Ang kritiko ay matapat na kumilala sa akda bilang isang
akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksiyon
batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
 6. Kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming
naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng
panitikan ang kanyang pagmamalasakit.
MGA BATAYANG SIMULAIN SA
PANUNURING PAMPANITIKAN
 1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng
katalinuhan, seryoso at marubdob.
 2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang
organisasyon o balangkas ng lahok. Bahgi ito ng disiplina ng
pagsusuri.
 3. Sa pagsusuri dapat maging maganda ang paksa, may
kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.
 4. mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling
paksa, mahusay ang pagtalakay at organisasyon ng materyal,
malinaw ang balangkas na kinapapalooban ng malinaw na
tesis o argumento.
 5. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag ng
tula ay hindi dapat panaigin.
 -ang mahalaga sa tula ay ang “lasa at hipo nito at hindi ang
balat ng prutas”.
 6. Ang susuriing akda ay napapanahon, may matibay na
kaisahan, makapangyarihan ang paggamit ng wika at may
malalim na kaalaman sa teoryang pampanitikan.
 7. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang
mabisang sukatan ng kakayahan ng makata. Kailangang
pahalagahan at sukatin upang makagawa ng makatarungang
paghatol ay kung papano ang pagkatula.
 8. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng
masinop na pag-uugnay ng mga sangkap ng pagsulat.
MGA PAMARAAN SA PAGSUSURI NG
AKDANG PAMPANITIKAN
 Sa pagsusuri ng maikling kwento, naniniwala ang ilang kritiko
na dapat suriin ang ang mga elementong taglay nito:
1.Tauhan
 2. tagpuan
 3. banghay
 4. tunggalian,
 5. simbolo
 6. pahiwatig
 7.magagandang kaisipan o pahayag
 8. ang paraan kung paano ito nagsimula at nagwakas
PAMAMARAAN SA PAGSUSURI NG
TAUHAN
 1. Suriin ang pangunahing tauhan batay sa kanyang anyo,
ugali at paraan ng pagsasalita.
 2. Suriin ang tungkuling ginagampanan ng mga tauhan.
 3. Suriin kung paano ipinakita ng tauhan ang kagandahang
asal, ang kanyang mabuting ugali atbp.
 4. Gamitin ng isang teoryang aangkop sa gagawing pagsusuri.
KUNG SUSURI NG BERNAKULAR NA
KWENTO
1. Suriin ang kwento ayon sa uri nito.
2. Ayon sa paksang nakapaloob dito sa
kwento.
3. Suriin ayon sa nilalaman, tauhan, tagpuan
at banghay.
4. Ayon sa taglay na bisa
5. Ayon sa kaugnayan nito sa kamalayang
panlipunan
6. Gamitan ng teorya ang pagsusuri.
SA PAGSUSURI NG DULA:

 Mga elementong taglay ng DULA:


 1. Tagpuan
 2. Dayalogo
 3. Balangkas
 4. Pagbubuod
 Isama pa rito ang mahahalagang salik na kinakaharap ng tao:
 1. Kalagayang politikal
 2. Panlipunan
 3. pangkabuhayan
 4. pangkagalingan.
 *Pumili rin ng teorya sa gagawing pagsusuri.
SA PAGSUSURI NG NOBELA

 1. Alamin ang mga katangiang pampanitikan napapaloob sa


mga nobela, suriin ang istilo, tono at simbolo.
 2. Alamin ang aspektong panlipunan, pampulitikal,
pangkabuhayan, at pangkultural sa nakapaloob sa nobela.
 3. Pumili ng teoryang gagamitin sa pagsusuri

 * Suriin ang Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez at


Banaag at Sikat ni Lope K. Santos.
MGA KRITIKONG DAYUHAN SA
PANITIKANG BANYAGA
ARISTOTLE

 -Sa poetics nakapaloob ang panunuring pampanitikan ni Aristotle.


 - Tatlo ang mahahalagang kontribusyon niya sa Poetics:
 1. Ito ang nagpasimuno ng panunuring pampanitikan.
 2. Ito ang ginamit na huwaran at patnubay ng panunuring
pampanitikan
 3. Ito’y nag-aalay ng isang kongkretong teorya ng panitikan na
hindi hiram sa mga basal na kaisipan o pilosopyang pang-estetika.
 Mga Pinapanigan niya sa panulaan:
 1. bilang katotohanan at katibayan ng tula bilang institusyon ng
kalikasan o bilang isang anyo ng isang kaalaman
 2. bilang pangmoral ng katwiran sa isipan.
 -Catharsis- pagpupurga ang makalilinis sa takot at habag at
ginagamit ito upang ipagtanggol ang panulaan.
PLATO

 - Ang itinuturing na pangalawang tungkong bato ng


sinaunang Gresya, kabilang sina Aristotle at Socrates.
_May 3 Kontribusyon sa panunuring pampanitikan:
1. anyo at suliranin ng sining
2. ang inspirasyon ng makata
3. ang panulaan bilang tagapagturo ng kabutihan at
katotohanan.
- Itinatag ni Plato ang Doktrinang Phaedo na
nagsasaad ng imortalidad ng kaluluwa. Nakpaloob sa
kanyang kaisipan ang aspektong lohikal,
epistemolohikal at metapisikal .
SOCRATES

Naniniwala si Socrates sa
mitolohiyang naglalaman ng mga
katotohanang kwento tungkol sa
mga Diyos ay imbensyon lamang ng
mga makata, gayundin ang
imortalidan ng kaluluwa.
THOMAS STEARNS ELIOT (T.S. ELIOT)

 - Nakilala dahil sa kanyang sanaysay na Tradisyon at


pansariling kakayahan na isang kritisismo at ang orihinal ay
nasusulat sa Ingles.
 Kay Eliot, Ang tula ay di dapat isalalay sa kahalagahan at
kaigtingan ng damdamin o mga bahagi nito kundi sa
matinding sining na nakapaloob sa pamamaraan ng
pagkakasulat. Sinalungat niya ang paliwanag ni Wordsworth
na ang panulaan ay emosyong nagpapagunita sa
katahimikan.
TAKDA : SALIKSIKIN ANG MGA SS: NA
KRITIKONG PILIPINO SA PANITIKANG
FILIPINO
 1. Alejandro G. Abadilla
 2. Teodoro A. Agoncillo
 3. Virgilio S. Almario
 4. Lamberto E. Antonio
 5. Isagani R. Cruz
 6. Lope k. Santos
 7. Federico Licsi jr.
 8. Rogelio G. Mangahas
 9. Fernando B. Monleon
 10. Clodualdo del Mundo
 11. Ponciano Pineda

You might also like