Wage Discussion

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 69

ANG PAKIKIBAKA PARA SA

UMENTO SA SAHOD
Kilusang Mayo Uno | Nobyembre 2022

1 KILUSANG MAYO UNO


Pangunahing apektado ng mataas na implasyon ang
sahod ng mga manggagawa. Dahil sa implasyon, ibayong
bumagsak pa ang tunay na halaga ng mababa na ngang
sahod. Sa NCR, ang P570 na minimum wage ay
katumbas na lamang ng P494 sa tunay na halaga nito.
Habang mas mababa pa sa NCR ang minimum na sahod
sa iba pang rehiyon. Lalo nitong inilalagay sa katwiran
ang kagyat na panawagan sa umento sa sahod.

2 KILUSANG MAYO UNO


Rise and fall in real value of NCR minimum wage

NCR Daily Non-agricultural Minimum Wage, 1986-Oct 2022 (Php, 2018=100)

600 Highest ever in


June 2016 – ₱538

500

Falling to just
₱494 in
400
Oct 2022

300
Pesos

200

Nominal minimum wage


Real minimum wage
100

0
Jan-86 Apr Jul Oct Jan-91 Apr Jul Oct Jan-96 Apr Jul Oct Jan-01 Apr Jul Oct Jan-06 Apr Jul Oct Jan-11 Apr July Oct Jan-16 Apr July Oct Jan-21 Apr

3 Month KILUSANG MAYO UNO


Ayon sa pag-aaral ng Ibon Foundation, ang umiiral na
minimum na pasahod sa NCR na ₱570 ay malayong-
malayo na sa ₱1,133 na Family Living Wage (FLW) nitong
Oktubre 2022, lalo pa kung ikukumpara sa minimum
wage sa iba pang rehiyon sa bansa. Nakatakda pang
lumayo nang lumayo ang agwat ng minimum na sahod sa
FLW sa harap ng palalang krisis pang-ekonomya at
inaasahang patuloy na pagtaas ng implasyon.

4 KILUSANG MAYO UNO


5 IBON computations using FLW estimate and expenditure data from 2018 Family Income and Expenditure Survey (FIES)
Source: KILUSANG MAYO UNO
Poverty wages: NCR minimum wage vs. NCR poverty line

NCR (₱) Daily Monthly (EEMR)


FLW (Oct 2022) 1,133 24,632
Minimum wage 570 (5 pax) 12,398
79/pax/day
Poverty line 8,591
395 (5 pax)/day
Note: Estimated Equivalent Monthly Salary (EEMR) with 5-day work week (daily wage X 261 days/12 months)

Source: Minimum wage data from NWPC, FLW from IBON computations

6 KILUSANG MAYO UNO


NCR minimum wage vs. NCR FLW, Oct 2022

NCR (₱) Oct 2022


Minimum wage (MW) 570

FLW (family of 5) 1,133


Wage gap 563
MW as % of FLW 50.3%

Source: Minimum wage data from NWPC, FLW from IBON computations

7 KILUSANG MAYO UNO


Initial regional FLW estimates (Sept 2022)
NOT YET FOR CIRCULATION/DISTRIBUTION
(undergoing validation)

8 KILUSANG MAYO UNO


Pilit na pinipiga ang pinakamalaking tubo
ng mga kapitalista habang binabansot ang
sahod ng mga manggagawa.

9 KILUSANG MAYO UNO


Indices of real output per worker, and real minimum and
average wages, 2001-2016 (2001=100)

Tumataas ang labor


productivity…

… pero nakapako ang sahod

Net income of Top 1,000 corporations, 2001-2016 (Php B)

… para palakihin ang tubo


Sources:
10 BusinessWorld Top 1,000, DOF Package 2 powerpoint (7/26/18) KILUSANG MAYO UNO
In 2017, only 8.9% cut in profits with ₱750 minimum wage in NCR*

NCR, 2017

(Employment 20 and over)

Total number of establishments 13,748


Employment 2,152,934 ₱5,012,949,339,000
Income (c/o ASPBI) 7,330,380,819,000 Accumulated profits,
Expenses 6,087,625,306,000 2013-2017
Profit 1,242,755,513,000
ADBP (c/o CLS/LFS) 567.29
Proposed wage hike
182.71
(based on ₱750 daily NMW)
Number of working days in a year
261
(including holidays) * Conservative proxy estimate that merely
assumes all employed receive average of ₱750
3,974 instead of ₱567.29
Additional income per employee per month
Source: IBON computations using establishment data from
Annual Survey of Philippine Business and Industry (ASPBI)

Additional income per employee per year


11 51,661 2017 and average daily basic pay (ADBP) from Labor Force
Survey (LFS) KILUSANG MAYO UNO
In 2018, 21% cut in profits with ₱750 minimum wage in whole country*

PH, 2018

(All establishments)
Total number of establishments 334,522 Corporate income tax
Employment 7,169,972 (CIT) cut (added
profits) from 2020
Income (c/o CPBI) 24,250,926,656,000
CREATE Law:
Expenses 21,146,456,803,000 2020 – ₱133.2B
Profit 3,104,469,853,000 2021 – ₱115.8B
ADBP (c/o CLS, Jan-18) 427.76 2022 – ₱101.8B
Proposed wage hike 2023 – ₱102.8B
322.24
(based on ₱750 daily NMW)
Number of working days in a year
261
(including holidays)
* Conservative proxy estimate that merely
Additional income per employee per month 7,009 assumes all employed receive average of ₱750
instead of ₱427.76

Source: IBON computations using establishment data from


Additional income per employee per year 91,113 Census of Philippine Business and Industry (CPBI) 2018 and

12(inc. 13th month pay)


average daily basic pay (ADBP) from Labor Force Survey
(LFS) KILUSANG MAYO UNO
Micro & small enterprises (43% of employment) need to be supported to be able to give a large wage hike
(NB: Govt salaries are direct political choice about budget levels)

PH, 2017
₱ (All sizes)
MICRO SMALL MEDIUM LARGE

Total number of
establishments 224,540 140,805 76,711 3,317 3,707
Employment 6,174,248 769,571 1,889,134 476,429 3,039,114
% of total employment 100% 12.5 30.6 7.7 49.2
Income (c/o CPBI) 17,927,472,743,000 1,551,254,136,000 5,067,662,758,000 1,874,102,675,000 9,434,453,173,000
Expenses 15,361,222,490,000 1,397,221,778,000 4,481,072,035,000 1,630,263,701,000 7,852,664,978,000
Profit 2,566,250,253,000 154,032,358,000 586,590,723,000 243,838,974,000 1,581,788,195,000
ADBP (c/o CLS, Jan-18) 427.76 427.76 427.76 427.76 427.76
Proposed wage hike 322.24 322.24 322.24 322.24 322.24
(based on ₱750 daily NMW)
Number of working days in a 261 261 261 261 261
year (including holidays)
Additional income per employee 7,009 7,009 7,009 7,009 7,009
per month
Additional income per employee
per year 91,113 91,113 91,113 91,113 91,113
(inc. 13th month pay)
13 KILUSANG MAYO UNO
Sa tindi ng krisis, napapanahon na ilunsad
ang malakas at malawak na laban sa
umento sa sahod sa antas ng
nakabubuhay na sahod o family living
wage (FLW) sa iba’t ibang larangan.

14 KILUSANG MAYO UNO


Ilang Kagyat na
Paglilinaw

15 KILUSANG MAYO UNO


A. Hinggil sa
Ayuda

16 KILUSANG MAYO UNO


Bilang isang panandalian o palliative measure,malakas at
makatwiran ang panawagan para sa ayuda noong panahon ng
pandemya kung kailan ipinataw ang mahahabang lockdown at
walang trabaho, walang impok at walang mapagkakitaan ang
malaking mayorya ng masang anakpawis.

17 KILUSANG MAYO UNO


Sa harap ng kasalukuyang pangkagipitang (emergency) sitwasyon, masasabing
makatwiran pa rin na ang panawagang ayuda ay dalhin ng ilang sektor (laluna
sa masang anakpawis na wasak/durog ang kabuhayan) ang panawagang ayuda,
pero dapat mahigpit itong ikawing sa mas importante o saligang mga
kahingian tulad ng trabaho, pagpapababa sa presyo, pagpapalawak ng
mga serbisyong panlipunan (edukasyon, kalusugan), at pagkaltas sa mga
pabigat na buwis.

18 KILUSANG MAYO UNO


Kaugnay nito, dapat singilin ang rehimen sa mga sumusunod:
• kawalan ng trabaho ng mga manggagawa (ilantad na hungkag ang
pinalalabas na estadistika na lumalaki ang tantos ng empleyo);
• sa bigong kumilos at paglutas sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo
ng langis.

19 KILUSANG MAYO UNO


Wasto ring itulak ang mga partikular na panawagang :
• P20-30/kilo na presyo ng bigas,
• pagpapababa sa presyo ng mga produktong petrolyo,
• pagkaltas ng buwis sa langis at pagbasura sa EVAT sa pagkain at
iba pa
• pagkaltas sa badyet sa militar at pulis, pagkaltas sa badyet sa
pagbayad-utang, atbp.

20 KILUSANG MAYO UNO


Sa kanayunan, ang panawagang subsidy ay dapat din na mahigpit na nakakawing sa mga
kahingiang antipyudal kabilang ang panawagan para ibaba ang upa sa lupa, ibaba ang presyo ng
abono at iba pang agricultural inputs, pagpapataas sa farmgate prices, at iba pa.

Palawakin ang hinihinging subidy mula sa simpleng paglimos ng "cash-transfer" na ₱15,000,


tungo sa aktwal na agricultural subsidies tulad ng ginagawa sa Vietnam o kahit ng US (taliwas
sa patakarang neoliberal ng WTO), halimbawa,    subsidyo o dagdag badyet para bilhin ng
estado (NFA) sa takdang minimum na presyo ng pagbili ng mga produktong agrikultural (palay,
mais, kopra, abaca), pagtakda ng maximum price ng abono, binhi, atbp.

21 KILUSANG MAYO UNO


B. Kahilingan para sa
dagdag na sahod sa mga
agricultural workers.

22 KILUSANG MAYO UNO


Mahalagang pag-ibahin ang usapin ng sahod sa kaso ng mga plantation workers
(at mga manggagawang industriyal sa kabuuan) at “sahod” sa seasonal farm
workers sa puntong magkaiba ang umiiral na ekonomikong relasyon na
pinagbabatayan nito at magkaiba rin ang kundisyon kung papaano nililikha ang
labis na halaga mula sa paggawa ng masang nagtatrabaho.

23 KILUSANG MAYO UNO


Ukol sa plantation workers:
- tama na ikawing at maging bahagi ang kanilang pakikibaka para sa
dagdag-sahod sa isinusulong na pangkalahatang pakikibaka para sa
umento sa sahod ng mga manggagawa sa industriya.
- Tulad sa mga industriya, umiiral sa mga plantasyon ang kapitalistang
relasyon sa produksyon kung saan pang-aaliping sahuran ang
mapagsamantalang relasyong umiiral.

24 KILUSANG MAYO UNO


Seasonal Farm Workers (manggagawang bukid) :
• Ang kanilang pakikibaka para sa mas mataas na sahod ay nasa
balangkas ng mga pakikibakang antipyudal sa kanayunan
• Nakabatay sa pyudal at malapyudal na relasyon ang “sahod” na
tinatanggap ng mga seasonal farm workers o manggagawang bukid
• sistema ng upahang paggawa (labor rent) ang umiiral.

25 KILUSANG MAYO UNO


Ang sahod sa tunay na esensya at kahulugan, ay ang paunang pondong kapital na
ibinabayad ng kapitalista sa mga manggagawa kapalit ng paggawa nito bago pa
aktwal na marealisa ng kapitalista ang kanyang ganansya mula sa produktong
kalakal sa pamilihan.

Bilang terminong ekonomiko, ang sahod at sistema ng sahurang paggawa ay


natural na karugtong, kakabit at kaakibat ng pag-iral ng kapitalistang paraan ng
produksyon.

26 KILUSANG MAYO UNO


Sa kundisyon ng pyudal at malapyudal na produksyon, bilang
pangkalahatang kalakaran, ang “sahod” na tinatanggap ng mga
magsasakang nagpapaupa ay karaniwan hindi paunang bayad na kapital
kundi bilang bahagi ng parte ng masang magsasaka at manggagawang
bukid sa ani matapos awasin muna ng PML at komersyante-usurero ang
kanilang parte sa anyo ng upa-sa-lupa, interes, at komersyanteng tubo.

27 KILUSANG MAYO UNO


Ibig sabihin, nangyayari na una munang inaawas o sinisiguro ng PML
at komersyante-usurero ang kanilang parte sa ani bago marealisa ng
magsasaka at manggagawang-bukid ang kanilang bahagi sa ani at
produkto.

28 KILUSANG MAYO UNO


Kaya kapag nag-usap tayo ng sahod sa kundisyon ng agrikultural na
produksyong pyudal at malapyudal, hindi sahod sa kapitalistang
agrikultura o sahod sa kapitalistang operasyon ng produksyon ang ating
tinutukoy kundi ang sahod sa ilalim ng sistema ng upahang paggawa at
pagtatrabaho sa kalahatan. Hindi ng malaganap na pag-iral ng
sahurang paggawa (wage labour) kundi ng malaganap na pamamayani
ng upahang paggawa (labour rent) at pang-aalipin.

29 KILUSANG MAYO UNO


Ang pagsusulong ng malawakang pakikibakang pang-ekonomya sa kalunsuran, sa
pangunahing ang pakikibaka para sa umento sa sahod, ay dapat na tambalan ng
pagpapaigting ng mga antipyudal na pakikibaka sa kanayunan, laluna sa harap ng
pagsirit ng presyo ng batayang pangangailangan at malawakang paghihikahos ng
masang magsasaka.
Ang pagsusulong ng mga pakikibakang pang-ekonomya sa kanayunan ay kaakibat
at kahalintulad, bagamat may natatanging mga paraan at dinamismo kaysa mga
pakikibakang pang-ekonomya sa kalunsuran.

30 KILUSANG MAYO UNO


Kung lubhang lalakas ang pangkalahatang kahingian para sa pagpapataas ng sahod
sa lahat ng seksyon sa lipunan, maaaring malakas na maimpluwensyahan at maitulak
ang signipikanteng pagtaas ng “sahod” ng mga manggagawang-bukid sa kanayunan
sa antas ng nakabubuhay na sahod o mas malapit sa antas na ito.

31 KILUSANG MAYO UNO


Ang Ating Mga
Tungkulin

32 KILUSANG MAYO UNO


1. Isulong ang mga
gitgitang labanan sa lahat
ng antas!
33 KILUSANG MAYO UNO
a) Iturol kay Marcos Jr ang panawagang Sahod Itaas! Presyo ibaba!
Kailangang kongkreto nyang harapin ang panawagan na maglabas
ng executive order o kautusan sa panibagong wage orders para sa
umento sa sahod. Kasabay nito, kinakailangan nyang harapin ang
mga kahingian para mapapaba ang presyo atbp. na kagyat na
magbibigay alwan sa masa sa gitna ng krisis

34 KILUSANG MAYO UNO


b.) Abutin ang pinakamalawak na pagkakaisa sa antas rehiyon
at magsampa ng petisyon at laban sa mga regional wage
boards(RWB). Target natin ang pagkamit ng pagkakaisa sa
malawak na bilang ng unyon sa antas rehiyon na tutungo sa
serye ng pag-file ng wage increase petitions sa mga RWB sa
buong bansa.

35 KILUSANG MAYO UNO


k.) Maagap na labanan ang mga kontra-manggagawa at kontra-mamamayang
patakaran na itinutulak ng kongreso, mga ahensya ng gobyerno o ng ehekutibo
mismo.
 
d) Ilunsad ang kampanyang masa kasabay ng laban sa CBA at kunin ang suporta
ng uri at mamamayan. Gayundin, maging mahigpit ang suportahan sa laban ng iba
pang unyon sa loob at labas ng ating hanay.

36 KILUSANG MAYO UNO


e.) Magpakahusay sa pagtukoy ng isyu na makakakapagbuo ng komon na
pagkakaisa at isulong ang laban sa angkop na ahensya, kumpanya atbp. Hal. Laban
ng platform ng workers, BPO, Transport.

37 KILUSANG MAYO UNO


2. Ilunsad ang malawakang
konsultasyon sa hanay ng uring
manggagawa at mamamayan.

38 KILUSANG MAYO UNO


a) Pangunahan ang konsultasyon hinggil sa sahod sa loob ng mga unyon at
pederasyon. Maging pursigido na abutin sa iba’t ibang pamamaraan ang mga unyon
ng iba pang labor centers, independent unions at mga di-organisadong manggagawa.
Mainam na mabuo ang “All Workers Unity” sa iba’t ibang antas. Makipagtulungan sa
ibang sektor para maabot ang pinakamalawak na hanay ng uring manggagawa sa mga
komunidad.
 
Imaksimisa ang ibinubukas na programa ng ILO para sa pagpapalaganap ng Labor
Agenda.

39 KILUSANG MAYO UNO


b) Maglunsad ng konsultasyon sa iba’t ibang sektor lalo na sa hanay ng kabataan,
akademya at mga ekonomista, simbahan at iba’t ibang institusyon, mga negosyante
sa micro, small and medium enterprise, mass media, atbp. Mahalagang makuha ang
kanilang pakikiisa at mayakap nila ang kampanya ng uring manggagawa para sa
umento sa sahod bilang nagkakaisang laban ng bayan. Maging agresibo sa
pakikipagtulungan sa mga institusyon at pormasyon na makakatulong sa
pagpapalawak at pagpapalakas ng laban.

40 KILUSANG MAYO UNO


k) Ibubunga ng mga konsultasyon ang isang pahayag ng pagkakaisa. Sa ngayon,
maramihang mangalap ng pirma para sa Unity Statement sa ilalim ng panawagang
“Sahod Itaas! Presyo Ibaba!” na naglalaman ng mga kagyat na demands kay
Marcos Jr. Maglunsad ng petition signing sa mga matataong lugar, factory belt,
terminal, palengke at iba pa.

Kagyat na isunod ang pagbubuo ng unity statement sa hanay ng broad TU at all


workers para sa laban sa sahod.

41 KILUSANG MAYO UNO


3. Isagawa ang pursigido at
malawakang kampanyang
propaganda.

42 KILUSANG MAYO UNO


a) Maglunsad at bahain ng masaklaw at iba’t ibang tipo ng propagandang
nakasulat ang mga kalsada at pampublikong lugar—OP-OD, dikit-poster,
balatengga, pamamahagi ng polyeto, at iba pang katulad.

b) Maagap at regular na maglabas ng pahayag sa media na nag-eengage kay Marcos


Jr.sa TV at radyo, at gamitin ang social media para abutin ang mga manggagawa at
maralita sa pawalis na paraan.  Patampukin at palawakin ang engagement ng ating
opisyal na FB Page “Sahod Itaas! Presyo Ibaba!”

43 KILUSANG MAYO UNO


k) Maglunsad ng mga maramihan, regular at tuluy-tuloy na talakayan
gamit ang praymer at discussion guides (maaaring maglabas ng sariling
discussion guide na naayon sa lokal na kalagayan). Sanayin ang ating
hanay bilang mga propagandista para sa mas mahusay at malawak na
pag-abot sa masa.

44 KILUSANG MAYO UNO


d) Magsagawa ng iba’t ibang pamamaraan upang matipon ang
mga manggagawa bago o matapos ang trabaho tulad ng
kampong bayan, workers fair, information at/o services booth sa
mga enklabo, workers community, factory belt.

45 KILUSANG MAYO UNO


e) Gamitin ang iba’t ibang anyo at mapanlikhang porma ng
propaganda sa matataong lugar tulad ng raling iglap, busking ,
noise barrage, house to house, mobile prop teams, caravan,
cultural work/activities, at iba pa. Palakasin at magtayo ng mga
cultural committee at grupo sa mga unyon at hanay ng mga
manggagawa.

46 KILUSANG MAYO UNO


4. Pasiglahin ang gawaing edukasyon,
talakayan at pagsasanay sa usapin ng
sahod at mga usaping panlipunan.

47 KILUSANG MAYO UNO


a) Isagawa ang malawakang pag-aaral sa usapin ng sahod.
Pasiglahin, ipopolarisa at malawakang ilunsad ang mga
paaralang manggagawa tungkol sa Halaga, Presyo at Tubo
(Value, Price and Profit) at Sahurang Paggawa at Kapital (Wage
Labour and Capital) ni Karl Marx, mga pag-aaral hinggil sa
imperyalismo, neoliberalismo atbp.

48 KILUSANG MAYO UNO


b) Maglunsad ng mga forum, study circles o discussion groups,
social media discussion, kapihan, atbp.
 
k) Ilunsad ang mga pag-aaral sa mga batas at mga patakaran
hinggil sa sahod.

49 KILUSANG MAYO UNO


d) Paramihin ang bilang mga instruktor sa hanay natin.
Maglunsad ng mga pagsasanay (instructors’ training) para
mapaunlad ang kakayanan at pamamaraan sa pagbibigay ng pag-
aaral. Maglabas ng mga gabay at pantulong sa instruksyon para
sa mas madaling pagtatalakay.

50 KILUSANG MAYO UNO


5. Magbuo ng malapad na alyansa.

51 KILUSANG MAYO UNO


a) Higit na palakasin at palawakin ang All Workers Unity hanggang sa
antas rehiyon at lokal.
 
b) Magbuo at palakasin ang mga wage alliance formations o campaign
network sa iba’t ibang sektor ng manggagawa.
 
k) Pangunahan/pamunuan ang pagbubuo ng multisektoral na alyansa
para sa kampanyang sahod.

52 KILUSANG MAYO UNO


6. Gawaing parlyamento.

53 KILUSANG MAYO UNO


a) Kunin ang malawak na suporta ng mga mambabatas (sa Kongreso at
Senado) at LGU sa mga panukalang batas hinggil sa NMW, wage
increase, at SOT. Maglunsad ng lobbying sa LGU, Congress, Senate at
iba pang ahensya ng gobyerno.
• Itulak ang mga LGU na maglabas ng resolusyon na sumusuporta sa at nananawagan sa Kongreso
na ipasa ang mga panukalang batas hinggil sa NMW, wage increase, SOT.
• Kaisahin ang ibang mambabatas na nagfile ng kahalintulad na panukala sa NMW o wage increase at
itulak na maglunsad ng mga konsultasyon sa antas lokal/probinsya.

54 KILUSANG MAYO UNO


b) Patampukin ang panukalang batas hinggil sa umento sa sahod
matapos mabuo ang komon na halaga mula sa malawak na konsultasyon.
 
k) Itulak ang pagsasabatas ng mga panukalang batas hinggil sa
pagpapaluwag ng pagtatayo ng unyon.

55 KILUSANG MAYO UNO


7. Palawakin at palakasin ang kilusang
unyon.

56 KILUSANG MAYO UNO


a) Maglunsad ng malawakang information drive at edukasyon hinggil s
unyonismo.

57 KILUSANG MAYO UNO


b) Bumuo ng malinaw, masinsin, at masaklaw na plano sa organizing sa
layuning palakasin ang ating mga unyon at pagtatayo ng mga bagong
unyon at/o samahang manggagawa.
• Magkaroon ng malinaw na target sa pagtatayo ng unyon, lalo na sa mga
strategic at malalaking empresa at enklabo. Gamitin ang pamamaraang
clandestine batay sa kalagayan.
• Organisahin ang mga kontrakwal at magtayo at palawakin ang Kilos na
Manggagawa at mga katulad na pre-union formation.

58 KILUSANG MAYO UNO


k) Biguin ang lahat ng atake na magpapahina sa unyon. Paganahin at
palakasin ang mga mekanismo (hal. paralegal, QRT) para sa mabilis
na pag-uulat ng mga kaso ng violation. I-engage ang mga ahensya at
institusyon para depensahan ang mga unyon ng manggagawa.

59 KILUSANG MAYO UNO


d) Tumulong sa pag-abot at/o pagtatayo ng mga organisasyon na
sasaklaw sa mga manggagawa sa informal sector.

60 KILUSANG MAYO UNO


8. Gawaing internasyunal.

61 KILUSANG MAYO UNO


a) Sikaping ipaabot ang regular na mga pahayag at panawagan na
tatagos hanggang sa ibayong dagat.
 
b) Palakasin at palawakin ang pagkuha ng suporta at pakikipagkaisa
sa mga unyon at pormasyon ng manggagawa sa ibang bansa (hal.
global union federations, mga unyon at samahang manggagawa sa
ibang bansa, atbp).

62 KILUSANG MAYO UNO


k) Maksimisahin ang ILO, mga international platforms, alliances and
formations sa layuning patampukin ang kampanya sa international
arena at kunin ang pakikiisa ng mga manggagawa at mamamayan ng
buong daigdig.

63 KILUSANG MAYO UNO


9. Ubos-lakas na pakilusin ang
manggagawa at mamamayan.

64 KILUSANG MAYO UNO


Kailangang likhain ang daluyong ng mga pakikibakang masa at
kilusang welga sa antas ng mga empresa at pabrika. Para magawa ito,
kailangang pag-ibayuhin ang pag-oorganisa at pagpapalawak sa
hanay ng uring manggagawa.
 Maglunsad ng mga regular at masiglang pampulitikang aktibidad at
mga build-up activities, atbp na layong sanayin ang mga
manggagawa.

65 KILUSANG MAYO UNO


Kailangan pangunahan natin - nagkakaisang hanay ng
organisadong paggawa (organized labor) - ang pakikibaka para
sa umento sa sahod habang kinakabig ang mas malawak na
bilang ng ‘di organisadong paggawa (unorganized; contractuals).
Kabahagi ng laban sa umento sa sahod ang government
employees, agri workers, at informal workers.

Mahalaga din na makuha ang suporta ng buong mamamayan.

66 KILUSANG MAYO UNO


Ang laban para sa umento sa sahod ay dapat mahigpit na nakakawing sa iba
pang laban/isyu kagaya ng:
• Kontraktwalisasyon
• Atake sa kilusang unyon
• Salat na benepisyo at masahol na kundisyon sa paggawa
• Kawalan ng trabaho
• Mataas na presyo ng bilihin at serbisyo
• Regresibong buwis
• Kawalan ng ayuda sa mga nawalan ng trabaho at kabuhayan, paninirahan,
atbp serbisyong panlipunan

67 KILUSANG MAYO UNO


Kailangan nating matamo ang pagkakaisa na
sa muling pagsusulong ng kampanyang dagdag
sahod, sa ating sama-samang paglaban bilang
uring manggagawa, tayo ay magtatagumpay.

68 KILUSANG MAYO UNO


UMENTO SA SAHOD, NGAYON NA!
(WAGE INCREASE, NOW!)

NATIONAL MINIMUM WAGE, IPAGLABAN!

69 KILUSANG MAYO UNO

You might also like