Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

Aralin 16

Panahon ng Pagbabago sa
Pilipinas
“Jumble Words”
1.)NAPAHON
2.)BABAGOPAG
3.)PINASLIPI
“Jumble Words”
1.)PANAHON
2.)PAGBABAGO
3.)PILIPINAS
Mga Pagbabago sa Pilipinas mula ika-18
hanggang ika-19 na dantaon
Ang mga pagbabago sa ibayong dagat ay
nakaapekto rin sa mga kaganapan sa Pilipinas. May
mga agarang pagbabago ngunit may ilan din na may
katagalan bago tuluyang naramdaman sa kapuluan.
Nagbigay daan ang mga ito sa unti-unting
pagbabago ng kaayusang panlipunan at pampolitika
sa kolonya.
Pananakop ng mga Briton sa Maynila
(1762-1764)
Ang Pitong-Taong Digmaan sa Europa ay
nakaapekto sa kalagayan ng Pilipinas dahil sa
pananalakay ng mga Briton sa Maynila. Naglunsad
ang mga Briton ng isang ekspedisyon mula India
patungong Pilipinas.
Dumaong sa Look ng Maynila ang 13 barko ng mga
Briton noong ika-22 ng Setyembre, 1762.
Pananakop ng mga Briton sa Maynila
(1762-1764)
Inakala ng mga Espanyol na mga barkong
pangalakal ito ng mga Tsino ngunit plota pala na
may sakay ng humigit kumulang sa 5,000
sundalong Briton at Indian na pinamumunuan
nina Admiral Samuel Cornish at Heneral
William Draper. Samantala, ang mga Espanyol
naman ay mayroon lamang halos 600 sundalo.
Sa kabila ng maliit na bilang, patuloy na
nakipaglaban ang mga Espanyol sa mga Briton.
Pananakop ng mga Briton sa Maynila
(1762-1764)
Noong ika-25 ng Setyembre, iniutos ni Cornish na
sumuko na ang mga Espanyol ngunit hindi pumayag
ang konseho ng digmaan na ipinatawag noon ng
pinuno ng pamahalaang kolonyal na si Arsobisbo
Manuel Rojo. Dumating sa Maynila ang
karagdagang 2,000 sundalo mula sa Bulacan,
Laguna, at Pampanga at sinalakay nila ang mga
Briton, ngunit marahas silang napaalis ng mga ito.
Pananakop ng mga Briton sa Maynila
(1762-1764)
Matagumpay na napasok ng mga sundalong Briton
ang Intramuros noong ika-5 ng Oktubre at
napilitang sumuko si Rojo. Itinalagang gobernador
ng si Dawsonne Drake, isang opisyal mula sa India.
Samantala, isang hiwalay na pamahalaang kolonyal
ang itinatag ni Simon de Anda, isang oidor ng Real
Audienca, sa Bulacan
Pananakop ng mga Briton sa Maynila
(1762-1764)
Idineklara ni Anda ang kaniyang sarili bilang
gobernador-heneral at nanguna sa pagsalungat at
paglaban sa mga Briton.
Ilang mahahalagang pagbabago ang ibinunga ng
pananakop ng mga Briton sa Maynila. Una,
ipinakita nito ang kahinaan ng mga Espanyol sa
harap ng mga bagong puwersang kolonyal sa
Europa. Ito ang nagbigay ng ideya sa ilang Pilipino
na mag-alsa laban sa mga Espanyol.
Pananakop ng mga Briton sa Maynila
(1762-1764)
Pangalawa, nahati ang pamahalaang kolonyal sa
pagitan ng pamumuno ni Arsobispo Rojo at ng
pamahalaang itinatag ni Simon de Anda. Nagkaroon
ng suliranin sa pamamahala at nalimitahan ang
pangangasiwa sa ibang lugar sa Pilipinas.
Pananakop ng mga Briton sa Maynila
(1762-1764)
Nagtapos ang Pitong-Taong Digmaan sa Europa
noong 1763 matapos lagdaan ang kasunduan sa
Paris ng 1763, at isinuko ng Pransiya ang halos lahat
ng kolonya nito sa Britanya. Ibinalik naman ng
Britanya ang Pilipinas sa Espanya. Nang dumating
ang bagong gobernador-heneral na si Francisco de
la Torre sa Kapuluan noong 1764,
Pananakop ng mga Briton sa Maynila
(1762-1764)
Dala niya ang balita tungkol sa kasunduan ng at
ipinag-utos ang pag-alis ng mga sundalong Briton sa
Pilipinas.
Mga Pagbabagong Pangkabuhayan
Sa pagpasok ng ika -19 na dantaon, naranasan sa
Pilipinas ang ilang mga pagbabagong
pangkabuhayan na bunga na rin ng mga bagong
patakarang pang-ekonomiyang dala ng mga bagong
kaisipan. Nagkaroon ng positibong epekto sa
Pilipinas ang mga pagbabago ngunit may ilang
hamon din na kinailangang harapin ng pamahalaan.
Mga Patakarang Pangkabuhayan ni
Gobernador-Heneral Jose Basco
Maraming proyekto sa pagpapaunlad ng
agrikultura at industriya ang inilunsad sa huling
siglo ng pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Ang mga proyektong ito ay pinasimulan ni Jose
Basco nang manungkulan siya bilang gobernador-
heneral mula 1778 hanggang 1787.
Mga Patakarang Pangkabuhayan ni
Gobernador-Heneral Jose Basco
Binago niya ang sinaunang sistemang pang-
ekonomiya sa Pilipinas upang iayon sa mga
makabagong ideya. Noong 1780, itinatag niya ang
Sociedad Economico de los Amigos del Pais, o ang
samahang Pangkabuhayan ng mga Kaibigan ng
Bansa upang pangunahan ang muing pagbuhay sa
agrikultura at industriya sa kolonya.
Mga Patakarang Pangkabuhayan ni
Gobernador-Heneral Jose Basco
Ipinatupad ni Basco ang isang malawakang planong
pang-ekonomiya na nagtatag ng monoplyo sa
pagtatanim at pangangalakal ng tabako, tubo, kape
at mga pampalasa tulad ng kanela, sili at nutmeg.
Sinuportahan din ng samahan ang mga industriya
ng indigo, seda, paggawa ng porselana, at
pagmimina.
Mga Patakarang Pangkabuhayan ni
Gobernador-Heneral Jose Basco
Sa ilalim ng panunungkulan ni Basco, kinilala ng
pamahalaan ang mga indibidwal at mga
negosyanteng nanguna sa mga pagbabago at
pagpapaunlad ng kaalaman sa industriya at
agrikultura.
Mga Patakarang Pangkabuhayan ni
Gobernador-Heneral Jose Basco
Sa kabila ng magagandang hangarin ni Basco sa
pagtatatag ng samahang pangkabuhayan,
Maraming naging balakid sa pagtatagumpay ng
programa. May mga konsiderasyong
ipinagwalangbahala ng pamahalaang kolonyal bago
isagawa ang ilang programa.
Mga Patakarang Pangkabuhayan ni
Gobernador-Heneral Jose Basco
Halimbawa, nagtanim ng punong mulberry sa bansa
kahit hindi ito akma sa klima. Kulang din ang pondo
at mga kagamitang pang-agrikultura upang
ipatupad ang mga plano ng samahan. Wala ring
gaanong kaalaman hinggil sa wastong pagtatanim
ng mga napiling produkto ang mga katutubo kaya
maraming proyekto ng samahan ang nabigo.
Ang Kompanyang Royal ng
Pilipinas(1785)
Ang mga pagbabagong pang-ekonomiya sa Europa
na nakarating sa Pilipinas ay nagbigay-daan sa
pagbubukas ng iba pang pamamaraan ng
komersiyo. Noong ika-19 na dantaon, naging
pangunahing institusyon ng kalakalang panlabas sa
Pilipinas ang kalakalang galyon at ang Real
Compania de Filipinas o Kompanyang Royal ng
Pilipinas .
Ang Kompanyang Royal ng
Pilipinas(1785)
Itinatag ang kompanya noong 1785 upang
mabuksan ang direktang kalakalan sa pagitan ng
Espanya at Pilipinas. Lahat ng mga produkto, paalis
man ng Maynila o papasok ng Espanya, ay
tinanggalan ng buwis. Pinayagan din ang mga
barkong mula sa Pilipinas na bumisita sa mga
daungan ng Tsina at India at makipagkalakalan
doon.
Ang Kompanyang Royal ng
Pilipinas(1785)
Ito ang nakahikayat sa mga Espanyol na magtanim
ng tubo, kape, at mga pampalasa sa mga lupain ng
kolonya. Hinikayat din ang industriya ng paghahabi
dahil sa malaking pangangailangan sa mga tela sa
mga pamilihan ng Europa. Ang direktang
pakikipagkalakalan sa Espanya ay nagbigay ng
malaking kita para sa Kompanya.
Ang Kompanyang Royal ng
Pilipinas(1785)
At unti-unting humina ang kalakalang galyon dahil
dito. Habang kumikita ang mga Espanyol na
namumuhunan sa kompanya, naghihirap naman
ang karamihan sa mga Pilipino dahil napabayaan
ang pagtatanim ng mahahalagang produkto tulad ng
palay at mais.
Ang Kompanyang Royal ng
Pilipinas(1785)
Ngunit sa harap ng kompetisyon mula sa mga
mangangalakal na Olandes at Ingles, tuluyang
humina ang kalakalang galyon at ang Kompanyang
Royal. Ang pag-aalsa ng bansang Mexico ang
tumapos sa kalakalang galyon noong 1815, at
nagwakas din ang Kompanyang Royal ng Pilipinas
noong 1834.
Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang
Kalakalan
Sa harap ng malawakang pagbabago sa
pandaigdigang ekonomiya, ipinasya ng Espanya na
buksan na ang Pilipinas sa Pandaigdigang kalakalan
na naging hudyat ng paglago ng mga industriya at
komersiyo. Noong 1834, binuksan ang daungan ng
Maynila sa mga banyagang mangangalakal.
Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang
Kalakalan
Nagbigay-daan din ito sa pagpasok ng mga
banyagang mamumuhunan na nagtayo ng mga
negosyo sa Pilipinas. Mula 1840 hanggang 1850, may
ilan nang banyagang kompanya na naitayo sa
Pilipinas. Dumating sa Pilipinas ang mga
kompanyang Peele, Hubbell & Company; Holliday,
Wise & Company; at Kerr & Company.
Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang
Kalakalan
Sumunod na nabuksan sa pandaigdigang kalakalan
ang Iloilo (1855), Cebu (1860), at Tacloban at
Legazpi (1873). Ang pagbubukas ng Pilipinas sa
pandaigdigang kalakalan ay nagbunga ng paglago
ng agrikultura.
Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang
Kalakalan
Nanguna ang iba’t ibang lalawigan sa pagtatanim ng
mga produktong pangkomersiyo tulad ng bulak at
tabako sa Ilocos; abaka sa Bikol; tubo sa Negros,
Pampanga, at Tarlac; at Kopra sa Timog Luzon.
Paglalapat: Buoin ang Pangungusap
1.Noong ika-25 ng ________, iniutos ni Cornish na
sumuko na ang mga Espanyol.
2.Itinalagang Gobernador ng Maynila si __________
Isang opisyal mula sa India.
3.Mga patakarang________ni Gobernador Heneral Jose
Basco.
4.Sa pagpasok ng ika-19 na dantaon, naranasan
sa___________ang ilang mga pagbabagong
pangkabuhayan.
5.Ito ang Kompanyang_______ng Pilipinas (1785).
Pagtataya

1.)Sa taong ito nanakop ang


mga Briton sa Maynila?
2. Ilang sundalong Briton at
Indian ang pinamumunuan
nina Admiral Samuel Cornish
at Heneral William Draper
3.Noong ika-25 ng Setyembre
sino ang nag utos na sumuko
na ang mga Espanyol
4.Sino ang nagtatag ng
Sociedad Economico de los
Amigos del Pais?
5.Sino ang itinalagang
gobernador heneral ng
Maynila na isang opisyal mula
sa india?
6 at 7. Ano-anu ang
mahahalagang pagbabago ang
ibinunga ng mga Briton sa
Maynila?
8.Kailan itinatag ang
Kompanyang Royal ng
Pilipinas?
9 at 10. Mula taong 1840
hanggang 1850 may ilan nang
banyagang kompanya na
naitayo sa Pilipinas magbigay
ng dalawang kompanya.
Takdang Aralin

Sagutan ang mga Gawain sa


aklat sa Pahina 265-266

You might also like