Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Larawang Sanaysay

Ano ang larawang sanaysay?


• Mga tinipong larawan na isinaayos nang may wastong pag
kakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng
isang konsepto.

• Sa pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo ang mga binuong


larawan o di kaya’y mga larawang may maikling teksto o
caption.
• Ito’y isang halimbawa ng sining na nagpapakita ng emosyong
gamit ang paghahanay ng mga larawan. Lahat ng mga larawan ay
may maiikling o deskripsyon. Samantala ang picture story ay
nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang
magsalaysay o magkwento.

• Ang larawang sanaysay ay isang uri ng sanaysay na nagpapakita


ng isang tema o konsepto sa pamamagitan ng mga imahe. Ang
mga larawan ay nagbibigay ng isang mas malinaw na
paglalarawan sa mga ideya at konsepto na binabanggit sa
sanaysay.
Uri ng larawang sanaysay
• Binubuo LAMANG ng mga larawan.
• Binubuo ng mga larawang may MAIIKLING TEKSTO.
• Binubuo ng KALAKHANG TEKSTO at sinasamahan ng larawan.
• Ang mga larawan ang lumulutang sa anyong ito, hindi mga
salita.
Layunin ng larawang sanaysay
• Magbigay ng kasiyahan o aliw sataong gumagawa ng
salaysay,magbigay ng mahalagang impormasyon at malinang
angpagiging malikhain.

• Isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sawastong


kronolohikal o pagkakasunod-sunod ng larawan. Kailangan
na mapag-ugnay-ugnay ang mga larawan ayon sa kabuuang
kaisipan na nais ipahatid sa mambabasa upang maging
malinaw ang mensahe ng gagawing sanaysay.
Katangian ng larawang sanaysay
• Malinaw na paksa
• Pokus
• Orihinalidad
• Lohikal na estruktura
• Kawilihan
• Komposisyon
• Mahusay na paggamit ng wika
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng larawang
sanaysay
1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga
pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa
damdamin ng mambabasa.
5. kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang
larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang
mga larawan.
6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan.
Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga
salita.
7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng
kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.
8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing,
komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang
kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil sa
pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.
Halimbawa ng larawang sanaysay
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang ninakawan ng
Kalayaan. Sinakop atpinagkaitan ng mga bagay na likas
sa tao. Ang mga mananakop ay ang mga Espanyol,
Amerikano, at mga Hapones. Nang dahil dito, lalong
lumaganap ang hindi pagkakapantay-pantay ng bawat
isa. Sa pagitan ng kapwa Pilipino, Espanyol at Pilipino,
Amerikano at Pilipino, at Hapones at Pilipino ay
mayroong hindi pagkakapantay-pantay. Binawasan rin
ang ating karapatang pantao. Karapatang bigay ng
Panginoon upang maipahayag at mailathala ang ating
damdamin at kaisipan
Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito, ang
pagsasamahan ng Pilipino ay sin’tayog ng isang
matibay na puno. Na sa kabila ng lahat ng
pinagdaan, patuloy pa ring kumakapit sa liwanag
at umaasang mawawala rin ang unos na
kinakaharap. Sa madaling salita, ang
pagsasamahan ng mga Pilipino ay hinding-hindi
matitibag kahit kailan.
Ngayon, atin namang talakayin ang kahalagan
ng Kalayaan, Pagkakapantay-pantay, Karapatan,
at Pagsasamahan. Tulad ng ipinakita sa
larawan, dalawang ibon sa isang hawla na
naghihintay na lumaya at makahanap ng
kapayapaan.
Pagsusuri ng larawan
Panuto: Suriin ang larawan. gumawa ng isang sanaysay o essay na
hindi kukulangin sa 150-220 na salita. Makabubuti kung ito ay may
pamagat.​
“A photograph shouldn’t be just a picture,
it should be a philosophy”

- Amit Kalantri

You might also like