Radyo Program April 25, 2023

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

• MAGANDANG UMAGA CATAINGAN ANG ORAS NATIN NGAYON AY _____ MAKALIPAS ANG ALAS 9 NG UMAGA AT

SAMAHAN NIYO PO KAME SA PANIBAGONG PAKSA AT PANIBAGONG KAALAMAN ALL ABOUT DOH PROGRAMS, HEALTH
ISSUES AND CONCERNS IN THE BARANGAY LEVEL. AKO PO SI NURSE EDUARD ANG INYO PONG KASANGA AT HOST SA
PROGRAMANG
DOH WARRIORS: KASANGA SA KALUSUGAN
AT KASAMA KO DOH-HRH CATAINGAN UNDER THE NHWSS PROGRAM NA MAGBIBIGAY SAINYO NG PANIBAGONG PAKSA
EVERY
TUESDAY FROM 9:00 A.M– 10:00 AM IN THE MORNING.

• PWEDE KAYO MAKINIG SA STASYON NAMIN WITH A RADYO FREQ. 99.1 RADYO KABAG-UHAN OR MANOOD AT
MAKIBALITA SA AMING FACEBOOK PAGE DZNT 99.1 FM RADYO KABAGUHAN OFFICIAL WEBSITE. PWEDE KAYO MAG CHAT
OR COMMENT KUNG MERON KAYO MGA KATANUNGAN NA GUSTO NYO MALINAWAN..
• MOBILE NUMBER 09512805429
• And tayo po ngayon ai naka live sa FB. Inaanyayahan ko po na tayo po ai mag follow and likes para kung meron mga
posting ay lagi po tayong updated.

•SUPORTAHAN NIYO DIN ANG FACEBOOK PAGE NG RHU


CATAINGAN.
• BAGO PO TAYO MAGSIMULA NAIS KO MUNA
BATIIN ANG SA MGA SB OFFICIALS, LALONG
LALO NA PO KAY HON. SB KAGAWAD FOR
HEALTH HON TITUS RAMIZO
• LGU CATAINGAN SA NGALAN NG ATING
MABAIT NA AMA NG CATAINGAN SI HON.
MAYOR ATTY. FELIPE CABATAÑA
• SA ATING VICE MAYOR HON. VICE. THELMA
ANG
• LALONG LALO NA SA RURAL HEALTH UNIT NG CATAINGAN UNDER THE
LEADERSHIP NG AMING MASIGASIG NA MHO DR. FRANCIS LEO
ARELLANO.
• SA AMING 3 PHN (MAM VIC, MAM EMZ AND SIR BOBET GOOD
MORNING) SA AMING MGA CLUSTER MIDWIVES NA KASAMA SA
BARANGAY SA NGAYON MERON TAYO DALAWANG TEAM SA HEALTH

AND MOST OF ALL CATINGAN AND ITS 36 BARANGAYS SA MULI


MAGANDANG UMAGA PO SAINYONG LAHAT.
• ANG DOH WARRIORS: KASANGA SA KALUSUGAN AY NAGA FOCUS
SA DOH PROGRAMS AT MGA HEALTH ISSUES IN THE BARANGAY
LEVEL. KUNG D NAMIN MASAGOT TANONG NATIN KAY DOC.

• Sa ngayong talakayan, kasama PO Natin ang iilan sa aking Mga kasamahan at kapwa ko HRH.
MAGBABALIK PO KAME MAKALIPAS ANG ILANG PAALALA AT PATALASTAS

TIME CHECK ANG ORAS NATIN NGAYON AY _________


USAPING COVID
Objective of the MR-OPV SIA

Immunize at least 95% of all children 9 months to less than 5


years old in target areas with MR vaccine; and all children
under 5 years old in target areas with OPV
Vaccines to be given bOPV

MR – injection in upper left arm, marking at left pinky finger


bOPV – 2 drops of bOPV in the mouth, marking at left index finger
MR
Note: Campaign doses are NOT routine doses

Schedule

Weeks 1-2: Intensive and simultaneous vaccination; follow-up on


deferrals and refusals

Weeks 3-4: Mop-up; rapid convenience monitoring (RCM)

For more information, please refer to the MR-OPV campaign guidelines.


• Mga Mommy at Daddy! kumpletuhin ang bakuna ni baby bago siya
mag isang taon ayon sa Immunization schedule para sigurado ang
proteksyon nya sa mga vaccine preventable diseases!
• Siguraduhing walang batang maoospital o mamatay para sa sakit na
kayang maiwasan. Ligtas, epektibo at libre ang mga bakunang
ibinibigay sa mga health centers!
• Pumunta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.
• Magpabakuna, para
MENSAHE PARA SA MGA MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG MGA BATA

1. Habang nasa gitna tayo ng COVID-19 pandemic, may malaking banta ng outbreak o
malawakang pagkalat ng tigdas. Dumadami rin ang kaso ng rubella o German Measles
(tigdas hangin) at kasalukuyan pa ring may polio outbreak sa bansa.
○ Pinakamapanganib ito sa mga batang walang pang 5 taong gulang
○ Maaaring mahawaan ang ating mga anak kung wala silang dagdag na proteksiyon laban sa mga
sakit na ito.

2. Malubha ang mga kumplikasyon na dulot ng tigdas at rubella (tigdas hangin) at ang
polio ay nagdudulot ng habangbuhay na pagkaparalisa. Parehong nakamamatay ang
tigdas at polio.
3. Walang gamot sa mga sakit na ito at tanging bakuna lamang ang paraan para
maiwasan ang mga ito.
MENSAHE PARA SA MGA MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA NG MGA BATA
4. Sa gagawing MR-OPV SIA sa inyong lugar, pabakunahan ang mga inyong anak
bilang dagdag proteksiyon laban sa tigdas/rubella/polio, nabakunahan na dati o
hindi pa.
○ Kailangang bigyan agad ng dagdag proteksiyon ang ating mga anak lalong lalo na
ngayong panahon ng pandemya kung saan nahihirapan na ang ating mga health
workers na harapin ang pagdagsa ng mga pasyente. Maging ang mga ospital at iba
pang health facilities ay nahihirapan na ring tumanggap ng mga nagpapagamot.
○ Ang mga bakunang ibibigay sa SIA na ito ay ginagamit na sa Pilipinas sa loob ng 40
taon bilang bahagi ng routine immunization program. Ang mga ito ay libre, ligtas at
epektibo.

5. Magtanong sa mga health workers at barangay officials sa inyong lugar para sa


schedule ng pagbabakuna sa health center or vaccination posts at iba pang detalye.
FAQs
SAGOT SA MGA KARANIWANG TANONG
BAKIT KAILANGAN NG
KAMPANYA O SIA LABAN SA
TIGDAS, RUBELLA AT POLIO?
Malaki ang banta ng malawakang pagkalat o outbreak ng tigdas. Kumakalat din
ang rubella (tigdas hangin) at kasalukuyan pa ring may polio outbreak sa bansa.
Sa mga nakaraang taon, dumami ang mga bata na hindi nabakunahan o
protektado laban sa tigdas, polio, at rubella at lalo pang dumami ito dahil sa
pagkaantala ng pagbabakuna sa ilang lugar dahil sa COVID-19 pandemic.
ANO ANG KAIBAHAN NITO SA
ROUTINE IMMUNIZATION?

Ang SIA na ito ay isang malawakang pagbabakuna na isinasagawa para agad


na mapigilan ang banta ng measles outbreak/pagkalat ng rubella (tigdas
hangin)/masugpo ang kasalukuyang polio outbreak. Ang mga bakunang
ibibigay ay dagdag sa mga bakunang ibinibigay sa mga bata bilang bahagi ng
routine immunization.
BAKIT KAILANGAN ITONG ISAGAWA
NGAYON KAHIT NASA GITNA NG
COVID-19 PANDEMIC?
Habang naaantala ang pagsasagawa ng kampanyang ito, dadami ang batang walang
proteksiyon laban sa tigdas, rubella (tigdas hangin) at polio. Sa mabilis na pagkalat
ng measles virus, lalong malalagay sa panganib ang mga bata sa malubhang
kumplikasyon na dulot ng tigdas o kaya pagkamatay. Patuloy rin ang polio outbreak
sa ilang lugar sa ating bansa, at ang karagdagang dose ng patak kontra-polio ay
magbibigay ng karagdagang proteksyon laban sa sakit na ito.
KUNG NA-EXPOSE KAMI NG AKING ANAK SA TAONG
KUMPIRMADONG MAY COVID-19 O HINIHINALANG
MAYROON NITO, PUWEDE PA RIN BA KAMING
PUMUNTA SA HEALTH CENTER PARA MAGPABAKUNA?

Hangga’t maaari, manatili sa loob ng bahay at ipagbigay-alam ang inyong sitwasyon


sa mga health workers o kahit sinong miyembro ng BHERT upang madesisyunan
kung kailan at paano mababakunahan ang inyong anak at para ma-monitor ang
inyong kalagayan o sintomas, kung mayroon.
DAHIL ANG OPV VIAL AY MULTI-DOSE AT IPINAPATAK ITO
SA BIBIG NG IBA’T IBANG BATA GAMIT ANG IISANG
DROPPER, HINDI BA ITO MAGDUDULOT NG PAGKALAT NG
SAKIT KUNG MAY BATANG NAPATAKAN NA MAY
NAKAKAHAWANG SAKIT GAYA NG COVID-19?

Tuwing magpapatak ng OPV, tinitiyak na hindi lalapat ang dropper sa kahit anong
parte ng bibig ng bata. Ang mga vaccinators ay sinanay sa tamang pagpatak ng OPV.
Sa ganitong paraan, maiiwasan na hindi ito mako-contaminate, mananatiling malinis,
at magagamit pa rin pangpatak sa iba pang bata.
MAY SIDE-EFFECTS BA ANG MR
VACCINE? ANU-ANO ANG MGA ITO?
Pagkatapos mabakunahan, maaaring magkaroon ng sinat, kirot at pamumula sa parteng
binakunahan. Ang mga ito ay banayad lamang at bahagi ng normal na reaksyon ng katawan
sa bakunang ito para mabuo ang immunity laban sa tigdas. Para mawala ang lagnat,
maaaring bigyan ng paracetamol ang bata ayon sa dose na rekomendado ng doctor.
Ipagpatuloy din ang pagpapasuso sa sanggol o pagpapainom ng maraming tubig o juice sa
mga nakakatandang mga bata habang may lagnat. Para naman maibsan ang pamamaga,
maaaring lagyan ng di masyadong malamig or cool compress ang bahaging binakunahan.
Huwag din itong lagyan ng iba pang mga gamot o bagay-bagay na maaring magdulot ng
infection sa parteng binakunahan. Magkonsulta agad sa doktor kung hindi gumagaling ang
pamamaga sa loob ng 2-3 na araw.
SINU-SINO ANG MGA HINDI MAAARING
BIGYAN NG MR VACCINE?
Para sa kampanyang ito, ang hindi maaaring bakunahan ay ang mga sumusunod:
● may severe allergy sa mga previous injectable vaccines o measles-containing vaccines o
kahit anong component ng bakuna
● may mataas na lagnat (higit sa 37.8 C) o may malubhang karamdaman
● immunocompromised o mahina ang resistensya ng katawan dahil sa isang sakit o dahil
umiinom ng steroids o immunosuppressant drugs
● may active TB
● may leukemia, lymphoma at iba pang malubhang sakit
MAAARI BANG BIGYAN NG MR VACCINE ANG
BATANG MALNOURISHED? MAY MILD DIARRHEA?
MAY MILD RESPIRATORY ILLNESS?

Oo. Kailangang mabakunahan pa rin ang bata kahit siya ay malnourished, may mild
diarrhea, o mild respiratory illness. Mas higit silang nangangailangan ng dagdag na
proteksyon laban sa mga nakahahawang sakit. Ang mga batang may mga skin allergy or
asthma ay maari ring bigyan ng MR vaccine.
LIGTAS BANG MABIGYAN NG OPV ANG MGA
BAGONG SILANG NA SANGGOL? ILANG ORAS ANG
DAPAT HINTAYIN PAGKASILANG NG SANGGOL
BAGO SIYA BIGYAN NG OPV?
Oo. Sa katunayan, mahalagang mabigyan ng OPV ang mga sanggol na bagong silang dahil
mahina pa ang kanilang immunity. Sa routine immunization schedule, ibinibigay ang OPV sa
mga batang 1 ½ buwan (1st dose), 2 ½ buwan (2nd dose), at 3 ½ buwan (3rd dose). Ngunit
kapag may mass immunization campaigns gaya ng MR-OPV SIA, ibinibigay ito kahit sa mga
bagong silang na sanggol.Maaring ibigay ang OPV kasabay ng BCG at Hepatitis B vaccine
kaagad pagkapanganak sa sanggol basta’t masigla ito, sumususo at walang ibang
karamdaman.

You might also like