Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Subhektibo o malikhaing deskripsyon

ang paglalarawan kung ang manunulat ay


maglalarawan nang
napakalinaw at halos madama na ng
mambabasa subalit ang paglalarawan ay
nakabatay lamang sa
kanyang mayamang imahinasyon at hindi
nakabatay sa isang katotohanan.
Obhektibo o kongkretong deskripsyon
naman ang paglalarawan kung ito’y may
pinagbatayang
katotohanan.
tekstong Deskriptibo
ay naglalayong maipinta ng awtor sa isipan
ng mambabasa ang isang
bagay na inilalarawan. Gumagamit ng detalye
ang isang awtor upang ipinta ang isang
larawan sa
pamamagitan ng kanyang mga salita.
• Layunin ng tekstong deskriptibo ang
makabuo nang malinaw na larawan sa
imahinasyon ng
mambabasa o nakikinig.
Limang pangunahing cohesive device o
kohesyong gramatikal
• 1. REPERENSIYA (REFERENCE) –
Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o
maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap.
Maaari itong maging anapora o kaya’y katapora
• 2. SUBSTITUSYON (SUBSTITUTION) –
Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na
muling ulitin ang salita.
• 3. ELLIPSIS
• May binabawas na bahagi ng pangungusap
subalit inaasahang maiintindihan o magiging
malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap
dahil makakatulong ang naunang pahayag para
matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita .
• 4. PANG-UGNAY
Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa
pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa
parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa
pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng
mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan
ng mga pinag-ugnay.
• 5. KOHESYONG LEKSIKAL –
Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang
magkaroon ito ng kohesyon. Maaari itong mauri sa
dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon.
• Reiterasyon – Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang
beses. Maaari itong mauri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa,
at pagbibigay-kahulugan.
a. Pag-uulit o repetisyon- Maraming bata ang hindi nakapapasok sa
paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa
lang.
b. Pag-iisa-isa-Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga
gulay na ito ay talong, itaw, kalabasa at ampalaya.
c. Pagbibigay-kahulugan- Marami sa mga batang manggagawa ay
nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay
naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
• Kolokasyon
Mga salitang karaniwang nagagamit nang
magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t
kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
Maaaring magkapareha o maaari ding
magkasalungat.
• ILANG TEKSTONG DESKRIPTIBONG BAHAGI NG IBA PANG
TEKSTO

Paglalarawan sa Tauhan
Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na mailarawan
ang itsura at mga detalye patungkol sa tauhan kundi
kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan
dito. Hindi sapat na sabihing,
“ Ang aking kaibigan ay maliit, maiki at unat ang buhok, at
mahilig magsuot ng pantalong maong at puting kamiseta.”
• Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon
Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin
ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa
kanyang panlabas na anyo o katangian ito
nakapokus, ang binibigyang-diin dito’y ang
kanyang damdamin o emosyong taglay.
• Pagsasaad sa aktwal na nararanasan ng tauhan. Maaaninag ng
mambabasa mula sa aktwal na nararanasan ng tauhan ang damdamin o
emosyong taglay nito.
• Paggamit ng diyalogo o iniisip. Maipakikita sa sinasabi o iniisip ng
tauhan ang emosyon o damdaming taglay niya.
• Pagsasaad sa ginawa ng tauhan. Sa pamamagitan ng pagsasaad sa
ginawa ng tauhan minsa’y higit pang nauunawaan ng mambabasa ang
damdamin o emosyong naghahari sa kanyang puso at isipan.
• Paggamit ng tayutay o matatalinhagang pananalita. Ang mga tayutay
at matatalinhagang pananalita ay hindi lang nagagamit sa pagbibigay ng
rikit at indayog sa tula kundi gayundin sa prosa.
Paglalarawan sa Tagpuan
• Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang
mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung
kailan at saan naganap ang akda sa paraang
makagaganyak sa mga mambabasa. Sa
pamamagitan nang mahusay na pagkakalarawan
sa tagpuan madarama ng mambabasa ang diwa ng
akda.
• Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay
Sa maraming pagkakataon, sa isang mahalagang bagay
umiikot ang mga pangyayari sa akda at ito rin ang
nagbibigay nang mas malalim na kahulugan dito. Hindi
sapat na maglagay lamang ng larawan ng nasabing bagay
sa pahina ng akda upang mabigyang diin ang kahalagahan
nito. Dapat mailahad kung saan nagmula ang bagay na ito.
Kailangan ding mailarawan itong mabuti upang halos
madama na ng mambabasa ang itsura, amoy, bigat, lasa,
tunog at iba pang katangian nito.

You might also like