Naipapahayag ang sariling opinyon at reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan F5PS-Ia-j-1 Balik-aral
Ano ang reaksyon o opinyon?
Basahin ang teksto “Sa aking palagay, malapit na!”ni Margerie I. Lozada Sa Aking Palagay Malapit Na! Ni: Margerie I. Lozada
Masaya ako sapagkat pakiramdam ko malapit nang bumalik sa normal ang aming pag-aaral. Kahit hindi ako nakasama sa limited face-to-face classes dahil hindi pa bakunado ang miyembro ng aming pamilya ay nakapag-aral pa rin naman ako sa pamamagitan ng online class. Nakikita at nakakasama ko nang birtwal ang aking mga kamag- aral. Nadadagdagan ang aking kaalaman tuwing nagtuturo at nagbabahagi ang aming guro sa oras ng talakayan. Dahil may bakuna na para sa edad ko, maaari na akong pabakunahan ni nanay para sa susunod na pasukan ay makasama na ako sa face-to-face classes. Nasasabik na rin kasi akong pumasok sa paaralan. Gusto ko nang makasama ng personal ang aking mga kamag-aral at kaibigan. Higit sa lahat, gusto kong makinig sa pagtuturo ng aking mga guro ng harapan. Kaya panalangin ko na sana matapos na ang health crisis at tuluyan nang maglaho ang COVID-19 para bumalik na sa dati ang aming pag-aaral. Hingin ang kanilang opinyon o reaksyon hinggil sa tekstong kanilang nabasa. 1. Masaya ba sa pakiramdam na malapit nang bumalik sa normal ang inyong pag- aaral? 2. Sa tingin mo ano ang mas mainam online class o face-to-face classes? Sa pagbibigay ng opinyon o reaksyon: 1. Unawaing mabuti ang balita, isyu o usapan. 2. Suriin ang dalawang panig 3. Maging magalang sa pagpapahayag ng iyong oipnyon o reaksyon. Gumamit ng mga salita tulad ng sa aking palagay, para sa akin, kung ako ang tatanungin, sa tingin ko, naniniwala ako, para sa akin at iba pa. Panonood ng video clip (Family Park) PANGKATANG GAWAIN PANGKAT I-IV Isulat ang inyong opinyon para sa tanong na ito na may kaugnayan sa video clip na inyong pinanood. Sa iyong palagay, paano makatutulong sa bawat Valenzuelanong pamilya ang pagkakaroon ng Family Park? Panuto: Isulat sa sagutang papel ang sagot sa sumusunod na katanungan. 1. Ano ang layunin sa pagpapagawa ng Family Park? 2. Saan sa Valenzuela matatagpuan ang Family Park? 3. Isa-isahin ang mga tampok na lugar na matatagpuan sa Family Park. 4. Bakit kinakailangang pangalagaan ang mga natural resources na matatagpuan sa Family Park? 5. Paano mo maipagmamalaki ang mga parke sa ating lungsod? Anong mga salita ang ginagamit sa pagpapahayag ng opinion o reaksyon? PAGTATAYA: Isulat sa sagutang papel ang iyong opinyon o reaksyon sa isyu. (5pts) Isyu: Paghinto sa pag-aaral ng maraming studyante dahil sa pandemya.